KABANATA XI

902 32 2
                                    

KABANATA XI

HINDI iyon ang kanyang ina pero hindi rin naman iyon ang taong nanaisin niyang makita.

"Sino ka? Nasaan si Mama?" Tanong niya rito.

"Ah ma'am, kausap po si doktora. Inaayos na po yata ang paglabas niyo dito. Pinadala niya po itong mga pagkain. Ako po si Jean." Tugon nito. Lumapit ito sa side table at inilapag doon ang tray ng pagkain. Dahan-dahan namang umupo si Alena sa kama para isandal ang likod niya sa dingding.

"Ay ma'am kaya niyo po ba?" Nag-aalalang turan nito at tinulangan siyang makaupo.

"Kaya ko na. Salamat." Aniya.

"Ma'am ano po gusto niyong kainin? Gusto niyo pong ipagbalat ko kayo ng mansanas?" Tanong nito. Pamilyar sa kanya ang boses ng babae. Hindi niya lang ito makilala dahil may suot itong face mask.

"Ah 'wag na. Mamaya na lang, wala pa akong gana. Pakiabot na lang yung juice. Nauuhaw ako eh." Saad niya. Mabilis naman nitong kinuha ang baso na may lamang juice at inaabot sa kanya.

"Ito po."

"Salamat." Mabilis niyang nilagok ang juice hanggang sa maubos iyon. Uhaw na uhaw talaga siya. Iniabot niya muli sa nurse ang baso na wala nang laman at nilapag naman nito iyon sa side table.

"Ay oo nga pala ma'am. May nagpapabigay po nito sa'yo oh." May dinukot ito sa bulsa niya at pagkatapos ay iniabot sa kanya.

Halos tumigil ang paghinga niya nang makita ang hawak nito.

Isang pulang sobre.

"Ma'am? Okay lang po kayo? Namumutla po yata kayo?"

Napalunok siya.

Hindi maaari!

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa pulang sobre.

Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ito.

Dahan-dahan niya itong binuksan. Labis ang kaba na nararamdaman niya habang binubuksan iyon.

Hinugot niya ang litrato mula sa loob. Pinagmasdan ito. Ang hitsura niya doon. Puro dugo ang katawan niya. Tunay na dugo. Naamoy at nahahawakan pa niya iyon. Pabilis ng pabilis ang pagkabog ng dibdib niya.

"S-Sino ang nagbigay sa'yo nito?"

Hindi sumagot ang nurse. Nakatingin lang ito sa kanya

"SINO ANG NAGBIGAY SA'YO NITO?!" Napasigaw na siya pero hindi ulit ito sumagot. Labis na ang takot at kaba na nararamdaman niya. Biglang kumirot ang kanyang ulo. "A-AHH!" Nasapo niya iyon. Mayamaya'y nanlalabo naman ang kanyang paningin. Bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Tila mawawalan siya ng ulirat.

Anong nangyayari?! Tanong niya sa kanyang isipan. Nakatingin lang siya sa nurse na nakatayo sa gilid niya.

"Ako." Sambit nito. "Ako ang nagpapabigay sa'yo niyan." Pagsasalita nito na siyang ikinagulo ng isip niya.

"A-Anong sabi mo?" Aniya. Bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata.

"Bingi ka ba o tanga ka lang talaga? Ang sabi ko, ang nagpapabigay sa'yo niyan. Sa'kin niyan. Do I make myself clear now?

Hindi siya nakapagsalita. Bakit? Ibig sabihin siya ang...

"Ano Alena? Tumatalab na ba ang ininom mo?" Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. "'Wag kang mag-alala. Hindi ka pa mamamatay. Hindi pa sa ngayon. Pampatulog lang ang nilagay ko sa juice mo." Tinanggal nito ang suot nitong face mask at gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya nang makilala ito.

"R-RITA?!" Bulalas niya bago tuluyang mawalan ng malay.

-----***-----



MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon