HULING KABANATA.
"ALENA, nagawa mo na ba ang mga assignments mo? Kanina ka pa nakatutok diyan sa monitor ng computer ah." Turan ng kanyang kakambal na si Magda nang sandaling makapasok ito sa kanyang kwarto.
"Pakialam mo ba ha? May computer ka sa kwarto mo 'di ba? Kung naiinggit ka, itutok mo rin yung pagmumukha mo do'n. Tsaka 'wag ka nga basta-basta pumapasok dito sa kwarto ko! Kapal ng mukha nito!" Tugon niya na hindi man lang ito tinatapunan ng tingin.
"Nakabukas yung pinto kaya pumasok na ako. Kakain na tayo. At kapag hindi mo daw natapos ang mga assignments mo, hindi ka raw maghahapunan sabi ni Mama."
"Hindi ka raw maghahapunan sabi ni Mama." Panggagaya niya rito. Tumigil ito sa pagfe-facebook at humarap sa kanya. "Wala akong pakialam okay? Isaksak mo sa baga mo lahat ng pagkain do'n sa dining. Sipsip ka talaga 'no? Malamang ikaw ang nagsabi kay Mama na hindi ko pa nagagawa ang mga assignments ko. Tss. At tutal, nabanggit mo na rin ang mga assignments ko, halika rito." Lumakad ito palapit sa kanya. "Ikaw na ang gumawa ng mga 'to" Aniya sabay abot ng hawak niyang notebooks.
"Magaling ka 'di ba? Matalino ka eh. Atribida ka pa kaya ikaw ang gumawa niyan. Siguraduhin mo lang na tama ang mga sagot mo diyan kung ayaw mong ipakain ko sa'yo 'yan. At 'wag na 'wag kang magsusumbong kay Mama lalong-lalo na kay Papa kung ayaw mong masaktan." Pagbabanta nito. Wala nang nagawa si Magda kundi sumunod sa utos ng kakambal.
***
"ALENA!" Sa sigaw na iyon ng kanyang ama ay dali-daling bumaba si Alena mula sa kanyang kwarto. Sa salas ay sinalubong siya ng galit na mukha ng kanyang ama, hawak ang kanyang report card.
"Bakit po 'pa?" Tanong niya kahit pa alam na niya ang dahilan.
"Ano 'tong mga grades mo?! Bakit puro bagsak?! Nag-aaral ka ba, ha?! Hindi mo na talaga ako binigyan ng kahihiyang bata ka!"
"Sorry po papa. Babawi na lang po ako next time."
Napayuko na lamang siya.
"Punyeta ka! Ilang 'next time' na ba ang sinabi mo pero ni minsan wala pa akong nakitang line of eight sa report card mo! Bobo ka ba ha?! O sadyang tamad ka lang talaga mag-aral?! Puro bulakbol na lang kasi ang inaatupag mo! Hindi ka gumaya sa kakambal mo na masipag mag-aral! Kahit kailan hindi ako binigyan ng sakit ng ulo ni Magda, 'di katulad mo!" Galit na galit na sigaw nito sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita.
Ikinukumpara na naman siya kay Magda. Nararamdaman na niya ang unti-unting paglabas ng luha sa kanyang mga mata.
"Buti pa 'yang si Magda, matalino at mabait! Hindi ko alam kung kanino mo namana 'yang katigasan ng ulo mong bata ka!"
"PURO NA LANG KAYO MAGDA, MAGDA, MAGDA!!! WALA NANG IBANG MAGALING SA PANINGIN NIYO KUNDI ANG MAGDA NA IYON!" Hindi na siya nakapagpigil pa at nasigawan na niya ang kanyang ama. "SIGE! SIYA NA ANG MATALINO! SIYA NA ANG MASIPAG, MABAIT, MAGALING! SIYA NA LAHAT! KUNG TRATUHIN NIYO AKO PARANG HINDI NIYO RIN AKO ANAK! WALA KAYONG KWENTANG AMA!" Lumuluhang sambit niya.
"NAPAKA BASTOS MO TALAGANG BATA---" Natigilan ito sa pagsasalita at napahawak sa dibdib nito.
"PAPA?! ANONG NANGYAYARI SA'YO?!" Tarantang sambit niya. Namumutla na ang kanyang ama. Inaatake ito sa puso!
"ALENA! ANONG NANGYAYARI KAY PAPA?! ANONG GINAWA MO SA KANYA?!" Siya namang dating ni Magda. Dinaluhan nito ang ama.
"DIYOS KO NESTOR! ANONG NANGYAYARI SA'YO?! KUMUHA KAYO NG TUBIG!" Utos ng kanyang Mama Chandria na nagmadaling bumaba sa hagdan.
BINABASA MO ANG
MAGDA
Misterio / SuspensoLimang babae. Isang litrato. Maghihiganti siya at walang matitira. (Book cover photo not mine, credits to the owner.)