Ika-siyam na Kabanata.
TILA napipi si Alena sa kanyang narinig. Agad nawala ang antok na nararamdaman niya dahil sa boses na iyon.
Ang killer.
Muli na naman niya itong makakausap. Biglang bumilis ang pagkabog ng dibdib niya. Naalala niya ang mga ginawa nito kay Debbie at Grace. Tila apoy na biglang sumiklab ang galit sa puso niya. Humarap siya sa bintana bago nagsalita.
"Sino ka bang hayop ka?! Putangina mo! Pinatay mo ang mga kaibigan ko! Mamamatay tao ka!" Malakas na sigaw niya. Nag-uumapaw ang galit nito sa taong iyon. Kung pwede niya lang itong sampalin o sabunutan o pagsasaksakin ngayon mismo ay nagawa na niya.
"Anong sabi mo Alena? Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung ako mamamatay tao, ano ka pa? Wala talagang kasing-kapal 'yang pagmumukha mo ano? Ikaw ang nagturo sa'kin maging ganito! Kayo ng mga kaibigan mo! Mga putangina niyong lahat!" Tugon nito. Batid niyang galit na galit na ito ngayon. "'Wag kang mag-alala Alena. Nalalapit na ang paghaharap natin. Ipararanas ko sa'yo ang impyerno kaya humanda ka." Huminto ito sandali sa pagsasalita bago nagpatuloy. "Excited ka na ba'ng makita ang paraan ng pagkamatay mo? Nakahanda na ang pulang sobre para sa'yo Alena." Agad gumapang ang kilabot sa buong katawan niya dahil do'n. "Anyway, alam kong nakita niyo na ang 'regalo' ko para kay Maureen, at mukhang alam niyo na kung sa papaanong paraan ko siya papaslangin. Nasasabik na akong pagpira-pirasuhin ang katawan niya. Bantayan mo siyang mabuti sa pagtulog niya ha? Baka hindi mo namamalayan, wala na pala siya sa tabi mo, or worst baka patay na pala siya nang hindi mo man lang namamalayan. Anyway, mukha kang tensed na tensed ngayon ah. Ang haggard mo tingnan. Relax ka lang okay? Hindi ka pa naman mamamatay eh. Not yet dear." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nitong iyon. Kung gano'n nakikita siya nito ngayon. Napatingin agad siya sa labasan para hanapin ito.
"Yup. Tama ang iniisip mo. I can see you right now, right here where I am. Hanapin mo ako." Tumawa pa ito ng mapang-asar.
Sinuyod ng kanyang paningin ang madilim na kalsada. Unti-unting lumalalim ang paghinga niya. Mabuti na lang at nasa second floor ang kanyang kwarto kaya malawak ang natatanaw niya. Napako ang tingin niya sa isang bulto ng tao na nakatayo sa ilalim ng poste ng ilaw.
"Aww. You got me. I think I need to go now. Bye!" Namatay ang tawag at nakita niyang kumaway sa kanya iyong bulto ng tao sa labas bago mabilis na tumakbo palayo.
Tatakas ito!
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tumakbo na siya pababa ng kanyang kwarto at palabas ng bahay. Sigurado siya na ang taong iyon ang nakausap niya sa cellphone kanina. Patindi ng patindi ang kaba na nararamdaman niya. Kailangan niyang mahuli ang kriminal na iyon bago pa man ito tuluyang makatakas at mapatay ang mga kaibigan niya lalong-lalo na siya.
Tinahak niya ang direksyon kung saan ito tumakbo pero sa kasamaang-palad ay hindi na niya ito naabutan.
Hinihingal na napahawak na lamang siya sa poste ng ilaw kung saan ito nakatayo kanina. Muli na namang tumunog ang hawak niyang cellphone. Tumatawag na naman ito. Mabilis niya itong sinagot. Nagpupuyos na ang kanyang damdamin.
"PUTANGINA MO KAAA!" Malakas na sigaw niya dito na halos mapatiran na siya ng ugat sa leeg pero isang mataginting na tawa lang ang nakuha niyang sagot mula rito.
"Napakatanga mo talaga Alena! Uto-uto ka! Nang dahil sa katangahan mo ay madali ko na lang maisasagawa ang plano ko! Inutil!"
Hindi siya nakasagot. Ano ang ibig nitong sabihin?
"AHHHHHHHHHHHH!!!" Isang masalimot na sigaw ang bigla niyang narinig. Agad siyang napalingon sa pinagmulan nito at halos matumba siya sa kinatatayuan niya nang mapagtantong sa kwarto niya ito nagmula! Sa bintana ay nakikita pa niya ang anino ng isang taong may hawak na itak at makailang ulit itong itinaas-baba sa hangin na tila may tinataga ito!
"Diyos ko!" Ang tanging nasambit niya. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa bahay niya dahil sa kanyang nakita. Halos magkanda-dapa dapa siya makarating lang doon. Malalaki ang hakbang niya paakyat sa kanyang kwarto. Kulang na lang ay kumawala na ang puso niya dahil sa lakas ng pagkabog nito. Sana hindi pa ako huli!-Aniya sa kanyang isipan.
Marahas niyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at gano'n na lang ang panlulumo niya sa nadatnan niya.
Nagkalat ang dugo sa paligid. At ang katawan ni Maureen, nagkapira-piraso iyon. Ang kamay, braso, binti, hita, at ulo nito, nagkalat sa loob ng kwarto. Si Andrea naman ay nakahandusay sa sahig. Umaagos ang masaganang dugo mula sa tagiliran nito.
Napatulala na lang siya sa kanyang nakita. Iniisip na sana ay bangungot lang ang lahat ng ito. Nagbabadya na ang mga luha sa kanyang mga mata.
Ang taong gumawa ng karumal-dumal na krimeng iyon, wala na. Nakatakas ito.
"DIYOS KOOOOO!!!!" Masalimuot na sigaw niya kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha.
Napaluhod na lamang si Alena habang patuloy sa pag-iyak. Pakiramdam niya'y anumang oras ay mawawalan na siya ng ulirat.
Wala na siyang maramdaman. Gumagaan na rin ang kanyang ulo. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin.
"ALENA!" Ang huling narinig niya bago tuluyang bumagsak ang katawan niya sa sahig.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/57545352-288-k340860.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGDA
Tajemnica / ThrillerLimang babae. Isang litrato. Maghihiganti siya at walang matitira. (Book cover photo not mine, credits to the owner.)