Unang Kabanata.
Makalipas ang dalawang taon...
TAAS-NOONG lumalakad si Debbielyn papasok sa prestihiyosong unibersidad kung saan siya kumukuha ng kursong tourism.
All eyes on her at walang bago do'n. Sa tuwing pumapasok siya sa unibersidad na iyon ay agad siyang nakakakuha ng atensyon.
Magmula sa guard na laging bumabati sa kanya ng magandang umaga kahit hindi siya sumasagot pabalik, hanggang sa mga estudyante sa loob ng unibersidad na karamihan ay mga kalalakihan.
May mangilan-ngilang kababaihang napapatingin sa kanya pero pagbubulungan lamang siya ng mga ito. She just smirked to them. 'Mga insecure!'-ang laging nasa isip niya.
Alas-nuebe na at kanina pang alas-siete ang simula ng unang klase niya pero wala siyang pakialam. Ang totoo, wala naman siyang planong pumasok sa anumang subject niya ngayon.
Ang dahilan lang ng pagpasok niya dito ay ang kanyang nobyo na kumukuha ng kursong architecture. Mid-term daw kasi nito kaya kailangang pumasok. Wala tuloy siyang choice kundi hintayin itong matapos. May usapan kasi sila na magde-date sila pagtapos nitong kumuha ng exam.
Ngayon din ang mid-term exam niya pero wala siyang balak kumuha nito.
Ni minsan sa buhay estudyante niya ay hindi siya kumuha ng kahit anong exam.
Nakatungtong siya ng 3rd year college na hindi naranasang mag-mid-term o final examination.
Papaanong nangyari 'yon? Simple lang. Gamit ang pera niya.
Para sa kanya, walang hindi kayang bilhin ang pera. Kahit tao ay kaya niyang bilhin.
Lahat ng gustuhin niya ay mabilis niyang nakukuha.
Iyon ay dahil sa mga magulang niya na kapwa nasa Germany na abala sa pagpapayaman habang siya naman ang taga-waldas ng yaman ng mga ito.
Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa paligid niya, gagawin niya ang anumang gustuhin niya at walang sinumang pwedeng pumigil sa kanya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Iniisip niya kung anong pwedeng gawin habang hinihintay ang nobyo niya. Doon pumasok sa isip niya ang kanyang mga kaibigan na nag-aaral din sa unibersidad na iyon. Matagal-tagal na rin mula no'ng huli silang magkita. Mas mabuti siguro kung makipagkita siya sa mga ito.
Batid niyang wala pang klase ang mga ito at nasa kung saang parte lang ng unibersidad.
Inilabas niya ang kanyang mamahaling cellphone at isa-isang t-in-ext ang mga kaibigan niya.
-----***------
"Hey girls! I wanna see you. Meet tayo sa cafeteria ngayon. #Deb"
Ayon sa text message na nabasa ni Andrea mula kay Debbielyn.
Kakatapos lang ng unang subject niya at ngayon nga'y palabas na siya ng classroom.
Tamang-tama at wala naman siyang gagawin at mamayang alas-diyes pa ang sunod na klase niya. Mainam siguro kung makipag-kita muna siya sa kanyang mga kaibigan. Miss na rin niya ang mga ito.
Napangiti siya sa isiping muli na naman silang magki-kita kita. Paniguradong marami silang baon na kwento.
Nagsimula na siyang lumakad patungo sa cefeteria kung saan daw sila magkikita-kita.
-----***-----
Nasa tapat na ng cafeteria si Grace at akmang papasok na nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/57545352-288-k340860.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGDA
Mystery / ThrillerLimang babae. Isang litrato. Maghihiganti siya at walang matitira. (Book cover photo not mine, credits to the owner.)