Ikapitong Kabanata.
Kinabukasan...
MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Alena.
Pupungas-pungas na tinignan niya ang oras sa kanyang alarm clock na ngayon ay walang tigil sa paglikha ng ingay.
09:00AM
Pinindot niya ang itaas na bahagi noon upang tumigil sa pag-alarm pagkatapos ay tumayo na siya at agad na dumiretso sa banyo.
***
MATAPOS maligo ay bumaba na siya sa kusina upang makapag-almusal. Naabutan niya roon ang kanilang kasambahay na si Rita na naghahanda ng almusal.
"Oh Ma'am! Gising na pala kayo. Halika, umupo na po kayo rito para makapag-almusal na kayo." Saad nito nang makita siyang pababa ng hagdan. Ngiting-ngiti ito sa kanya. Palagi iyong gano'n sa tuwing makikita siya. Mabait itong kasambahay at talaga namang maasahan sa mga gawaing bahay. Bago lang ito sa kanila at sigurado siyang magtatagal pa ito sa kanila.
"Salamat." Aniya at ginantihan din ito ng ngiti. "Tsaka Rita, 'di ba sabi ko sa'yo 'wag mo na akong pinu-po at tinatawag na ma'am? Eh hindi naman nagkakalayo ang edad natin eh. Alena na lang." Dugtong pa niya.
"Eh kasi ma'am---este Alena, nasanay na ako eh. Tsaka gano'n po talaga. Amo ko kayo kaya dapat lang na magbigay-galang ako sa inyo." Tugon nito.
"Ah basta. Ayoko na tinatawag mo akong gan'on. Tsaka 'wag mo na akong ituring na amo. Parang kapatid na nga ang turing ko sa'yo eh. Okay na ako sa Alena." Aniya pa.
"S-Sige po ma'am---este Alena." Nahihiyang sambit nito. Nginitian na lamang niya ito pagkatapos ay napatingin sa mga pagkain sa lamesa.
"Wow! Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito? Mukhang masasarap ah." Takam na turan niya habang nakatingin sa mga pagkain. Mukhang mapaparami siya ng kain ngayon. Tamang-tama dahil wala pa siyang matinong kain simula nang mangyari ang mga bagay na iyon.
"Ah oo. Nitong mga nakaraang araw kasi eh hindi kayo masyadong nagkakakain kaya dinamihan ko talaga ang luto. At talagang masasarap 'yan. Sigurado mapapadami kayo ng kain." Masiglang saad nito.
Ngiti lang ang ginanti niya rito.
"Nga pala Alena, condelence ha. Napanuod ko kagabi sa news yung nangyari sa kaibigan niyo. Grabe po pala yung sinapit niya." Biglang lumungkot ang boses nito.
"Oo nga eh. Anyway, salamat." Tugon na lamang niya. Sa totoo lang, gusto niya munang mawaglit sa kanyang isipan ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Masyado na siyang nai-stress dahil do'n. Gusto niya munang kalimutan 'yon kahit ngayon lang.
"Nga pala, si Mama?" Pag-iiba niya sa usapan bago pa siya tuluyang mawalan ng ganang kumain.
"Nando'n sa kwarto niya. Ayaw na namang kumain. Umiiyak na naman siya at hawak ang litrato niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakaka-move on. Mahal na mahal talaga niya ang taong iyon." Sagot nito. "Sandali lang po, pupuntahan ko ulit baka sakaling---"
"Huwag na." Pagpigil niya rito. "Hayaan na muna natin siyang mapag-isa. Mayamaya lang lalabas na rin 'yon para kumain." Aniya. Gano'n naman kasi palagi ang Mama niya. Laging nagkukulong at umiiyak sa kwarto nito. Unti-unti nasasanay na rin siya rito.
Nagsimula na lamang siyang kumain habang pasulyap-sulyap sa kwarto ng kanyang nanay.
***
SUKBIT ang kanyang shoulder bag ay tinatahak ngayon ni Alena ang daan papunta sa heroes park kung saan silang tatlo magkikita-kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/57545352-288-k340860.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGDA
Misterio / SuspensoLimang babae. Isang litrato. Maghihiganti siya at walang matitira. (Book cover photo not mine, credits to the owner.)