KABANATA VIII

1K 36 1
                                    

Ikawalong Kabanata.

"KAILAN pa nasa 'yo ang sobre na 'yan?" Kabadong tanong ni Alena kay Reen na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Si Drea naman ay natutuliro na. Hindi na nito malaman ang gagawin.

"H-Hindi ko alam. Kanina lang pagbukas ko ng bag ko nandoon na 'yan eh. Teka, bakit ba? Mukha kayong tensed dalawa. May nangyari ba?" Saad nito. Wala talaga itong kaalam-alam sa mga nangyari. Lingid sa kaalaman niya na siya na ang susunod.

"Sino ang naglagay niyan sa bag mo? N-Nakita mo ba?" Tanong naman ni Drea.

"No. Basta kanina pagbukas ko ng bag ko, nakita ko na lang 'yan sa loob. Ano ba kasing meron sa pulang sobre na 'to, ha? Ano ba talagang nangyayari?" Muling tanong nito.

"Susunod ka na!" Sigaw ni Alena.

"What? Susunod saan?"

"Kanila Debbie at Grace. Ikaw na ang susunod na papatayin niya!"

"A-ANO?!"

***

HINDI makapaniwala si Reen sa mga litratong nakikita niya ngayon. Nanlalaki ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mga ito. Kanina ay ipinaliwanag na ni Alena ang lahat sa kanya. Si Drea naman ay hindi na nagawang pumasok sa klase niya dahil batid niya na nasa panganib ang kanyang kaibigan. Kailangan niyang samahan ang mga ito upang makasiguro na walang masamang mangyayari sa kanila. Isa pa, mas makabubuti kung magkakasama sila ngayon.

"I-Ibig sabihin, kung ano ang hitsura mo sa picture na ito, 'yon din ang magiging pagkamatay mo?" Nangingig ang mga labi na sambit ni Reen. Pinamumutlaan na ito.

"Oo." Tugon ni Alena.

Halos magwala ang puso ni Reen dahil sa matinding kaba na nararamdaman niya. Siya na ang susunod. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi nilang iyon pero ayon sa mga litratong nakikita niya, mukhang tama nga ang mga ito. Pinagmasdan niyang muli ang hitsura niya sa litrato.

May mga pulang linya sa kanyang leeg, sa braso, kamay at mga binti niya. At kung tama ang hinala niya, papatayin siya ng taong iyon at pagpuputol-putulin ang iba't-ibang bahagi ng katawan niya.

Labis ang kilabot at kaba na nararamdaman niya dahil sa ideyang iyon.

"Hindi maaari ito! Hindi ako papayag! Ayoko pang mamatay! Huhuhu!" At tuluyan na itong napahagulgol ng iyak. Sinong hindi mapapaiyak kung malalaman mong mamamatay ka na. At hindi sa paraang mapayapa, kundi sa pinaka-brutal na paraan. Napayakap na lamang ito kay Alena. Si Drea naman ay nagtutubig na ang mga mata. Tila papaiyak na rin ito. Ang totoo ay gano'n din si Alena pero nilalakasan lang niya ang loob niya. Sa kanilang tatlo dapat siya ang magbigay ng lakas at tapang sa mga ito.

"Sssshhh. Tama na Reen. Hindi ka mamamatay. Hindi kami papayag na mangyari iyon sa'yo. Gagawa tayo ng paraan. 'Wag kang matakot." Pagpapalakas niya sa loob nito kahit siya mismo ay nanlalambot na dahil sa takot na nararamdaman.

Patuloy lang si Reen sa pag-iyak sa dibdib ni Alena. Maaaring iyon na ang huling pag-iyak niya.

"A-Anong gagawin natin Alena?" Tanong ni Drea na hindi mapalagay.

***

PALAKAD-LAKAD si Alena sa loob ng kanyang kwarto kasama si Drea at Reen. Balisa. Hindi malaman ang gagawin.

Nakaupo sa gilid ng kama si Drea habang hinihimas ang ulo ng natutulog na si Reen.

Nakatulog na ito dahil sa labis na pag-iyak kanina. Mas mabuti na rin 'yon upang makapag-pahinga siya.

Napagdesisyunan nilang doon manatili sa bahay ni Alena upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Lumalalim na ang gabi pero gising na gising pa rin silang dalawa. Hindi na nila nagawang mag-hapunan kanina dahil sa dami ng iniisip.

Kakikitaan ang mga mukha nila ng pagod pero hindi nila magawang basta matulog na lang lalo pa't alam nilang nasa panganib ang buhay nila.

"Ano na'ng gagawin natin Aly?" Sambit ni Drea. Napahinto sa kalalakad si Alena at humarap sa kanya.

"H-Hindi ko alam Drea. Hindi ko talaga alam. Ni hindi nga natin alam kung sino ang kalaban natin dito eh. Papaano tayo kikilos?" Nasapo nito ang ulo niya dahil sa mga nangyayari. Tila nauupos na kandila na napaupo na lamang siya sa kanyang kama, tabi ni Alena. Napapagod na siya. Baka mamamaya na lang ay bigla na lang siyang mawalan ng malay at tumumba na lang sa kama niya.

"P-Paano kung si Magda nga ang pumatay sa mga kaibigan natin?" Turan ni Drea. Natigilan naman si Alena sa sinabi nitong iyon.

"Patay na siya Andrea. Imposible 'yang sinasabi mo." Aniya.

"Papaano ka nakasisiguro na patay na siya Aly? 'Di ba hindi niyo naman nakita ang katawan niya noon sa gubat? At hanggang ngayon hindi niyo pa rin iyon nakikita. Hindi imposibleng buhay pa siya. At mukhang sinisingil na niya tayo sa mga kasalanang nagawa natin noon sa kaya. Papatayin niya tayo Aly! Lalo ka na!---"

"STOP!" Malakas na sigaw niya dahilan upang matahimik ito. Bahagya pang napa-ungot ang natutulog na si Reen dahil sa lakas ng sigaw niya. "Patay na si Magda okay? Siguro kaya hindi natin siya nakikita ay dahil kinain na ng mababangis na hayop ang katawan niya do'n sa kakahuyan. Malabong mabuhay pa ang babaeng iyon. At kung buhay pa nga siya, bakit hindi pa siya nagpapakita? Dalawang taon na ang nakalipas Alena. Hindi ka ba nagtataka doon?"

"Siguro kaya hindi siya nagpapakita ay dahil nagpapagaling pa siya. At ngayong magaling na ang mga sugat niya, isa-isa na niya tayong pinagbabayad sa mga kasalanang nagawa natin! Hangga't hindi pa nakikita ang katawan niya, hindi malabong mangyaring buhay pa siya!" Saad ni Drea.

Natahimik naman si Alena dahil sa mga sinabi nito. Napaisip siya. Paano nga kung buhay pa si Magda? Paano nga kung ito talaga ang pumatay sa mga kaibigan niya? Tila sasabog ang kanyang ulo sa mga ideyang iyon.

"Inaantok na ako Aly." Napatingin siya sa kaibigan niya. Kita sa mukha nito ang pagkahapo. Mukhang pagod na nga ito. Mas makakasama sa kanila kung hindi man lang sila magpapahinga.

"Oh sige matulog ka na. I'm sorry Andrea kung nasigawan kita kanina ha? Nadala lang ako ng emosyon ko." Saad niya. "Take a rest. Sunod na lang ako."

"Wala iyon. Sorry din kung nasigawan kita. Hindi maganda yung nagkakaroon tayo ng sama ng loob sa isa't-isa lalo pa't nasa panganib ang buhay natin ngayon." Ngumiti ito. "Sige, goodnight. Matulog ka na rin." Aniya at humiga na sa tabi ni Reen upang matulog.

"Goodnight." Tugon niya. Minasdan niya ang dalawa niyang kaibigan. Mabilis na nakatulog si Andrea. Pagod na pagod talaga ang mga ito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Napakahaba ng araw na ito para sa kanila. Napakaraming nangyari. Kailangan din naman nila magpahinga kahit papaano.

Tumayo siya at in-off ang ilaw sa kanyang kwarto pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang kama. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod at antok nang muling makita ang malambot niyang kama. May kalakihan iyon kaya kasya silang tatlo.

Namimigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Akmang hihiga na sana siya da kanyang kama nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Agad nangunot ang noo niya. Sino naman kaya'ng tatawag sa'kin ng ganitong oras?-Tanong niya sa kanyang isipan.

Inabot niya ang kanyang cellphone at hindi na tiningnan pa kung sino ang tumatawag. Sinagot niya agad iyon at itinapat sa kanyang tainga.

"Hello?" Aniya. Bakas ang antok sa kanyang boses.

"Hello Alena! Miss me? God! I can't wait to KILL you. Nangangati na ang mga kamay ko na paslangin ka. 'Wag kang maiinip ha?"

***



MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon