KABANATA IV

1.1K 37 1
                                    

Ikaapat na Kabanata.

"P-PATAY na si Debbie. W-Wala na siya, Andrea."

Ang masaklap na balitang iyon ang sumalubong kay Drea nang sagutin nito ang tawag mula sa nobyo ni Debbie.

Nabitiwan niya ang kanyang cellphone dahil sa kanyang narinig.

"A-Anong nangyari Drea?! Ano daw ang balita kay Debbie?!" Kabadong tanong ni Reen kay Drea.

"P-Patay na raw si Debbie." Nanginginig ang mga labi na turan nito.

Agad bumuhos ang mga luha ni Reen dahil sa kanyang narinig. Si Drea naman ay nagtutubig na ang mga mata.

"Ssshhh. Reen tama na. Alam natin nung una pa lang na malabong makaligtas pa siya. Tanggapin na lang natin." Pagpapatahan ni Drea kay Reen habang yakap ito kahit siya mismo ay gusto nang umiiyak. Napakasakit para sa kanila ang mawalan ng isang matalik na kaibigan.

"Ano ba kayo? Bakit ba kayo umiiyak? Bakit niyo iniiyakan ang babaeng iyon? Masama ang ugali niya! Dapat lang sa kanya ang mamatay!" Biglang sigaw ni Grace sa kanila.

"GRACE?!! Ano 'yang mga pinagsasabi mo?! Kahit anong mangyari kaibigan pa rin natin siya!" Sigaw ni Drea kay Grace.

"Bakit? Kaibigan rin ba ang turing niya sa atin?! Wala siyang pinahalagahan kahit isa man sa atin! Sarili niya lang ang minahal niya! Ang pera at kasikatan niya! Yun lang ang importante sa kanya! Kahit kailan hindi tayo nagkaroon ng silbi sa kanya! Masyado siyang sakim at makasarili! Mabuti na nga at namatay na siya! Hindi kaibigan ang turing niya sa atin kundi tau-tauhan! Kinontrol niya tayo! Kinontrol niya ang buhay natin! Dapat lang sa kanya ang mamatay!" Ganting sigaw ni Grace. Nag-uumapaw ang damdamin nito.

"Sang-ayon ako kay Grace." Tugon ni Alena na kanina pa nananahimik. "Sa totoo lang, wala namang magandang naidulot sa atin ang babaeng 'yon. Matagal na akong nagtitimpi sa ugali niya. Aminin niyo, hindi ba't inis din kayo sa ugali niya?" Tanong nito kay Drea at Reen na hindi nagawang sumagot.

"Nararapat lang sa kanya ang mamatay. Karma na lang niya ang nangyari 'yon sa kanya." Dagdag pa nito.

***

Hindi na nila nagawa pang um-attend sa kani-kanilang mga klase dahil sinuspinde na iyon kanina.

Kumakagat na rin ang dilim kaya nagpasya na lamang silang umuwi sa kanya-kanyang bahay upang makapagpahinga.

Si Grace naman ay mas piniling pumunta sa isang bar kaysa umuwi sa kanyang bahay na tinutiring niyang impyerno.

Mas nanaisin niya pang lunurin ang sarili niya sa alak kaysa makita ang mga magulang niyang demonyo.

Wala na kasing ibang ginawa ang mga ito kundi magbangayan. Tipong magmumurahan sa harap niya mismo. Ang dahilan ng pag-aaway nilang iyon ay dahil sa pambabae ng kanyang ama. Ang ina naman niya ay mukhang pera. At kapag wala nang mapagbuntungan ng galit ang mga ito ay siya naman ang pag-iinitan.

Sasabihan siya ng 'tarantada', 'walang modo', 'suwail', 'walang kwentang anak', at kung anu-ano pang masasakit na salita. Nagsasawa na siya.

Wala silang pakialam sa nararamdaman niya. Kahit minsan hindi niya naramdaman ang pagiging ina at ama ng mga ito sa kanya. Walang ibang ginawa ang mga ito kundi magsagutan at saktan ang isa't-isa. Kaya mas maigi nang dumito muna siya sa bar. Gabi na siya uuwi para hindi na niya maabutan ang mga itong nag-aaway.

Um-order siya ng alak na maiinom at sinumulang tunggain iyon.

Konti pa lang ang tao sa loob dahil medyo maaga pa naman. Mas mabuti iyon para sa kanya dahil gusto niyang mapag-isa kahit papaano.

MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon