KABANATA XIII

940 29 9
                                    


KABANATA XIII

NANLALAKI ang mga mata ni Alena sa hawak nitong gulok. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo'ng matalim iyon. Kitang-kita pa niya kung paano ito kumislap nang tamaan ng liwanag ang talim nito.

"Hindi ba nakita mo na ang litratong ibinigay ko sa'yo Alena? At base sa litrato, naliligo ka sa totoong dugo. Siguro naman alam mo na ang gagawin ko sa'yo? I'll bathe you with your own blood." Ngumisi ito. "Any last words?"

Halos sumabog na ang ulo niya sa sobrang takot at kaba.

"Pakiusap Rita, ayaw ko pang mamatay! P-Patawarin mo na ako sa mga kasalanang nagawa ko." Pagmamakaawa niya.

"Ulol! Maawa? Sa'yo? Naririnig mo ba ang sarili mo? Dito ka na mamamatay!" Nanlalaki ang mga matang turan nito. Sobrang bilis na ng tibok ng puso niya. Tuloy pa rin siya sa pagtanggal ng gapos sa kanyang kamay. Umaasang matanggal iyon at makatakas siya.

"R-Rita! Maawa ka sa'kin!" Pagsusumamo niyang muli pero hindi siya nito pinakinggan.

Itinapat ni Rita ang talim ng gulok sa hita niya at walang anu-ano'y ibinaon iyon.

"AHHHHHHHHHHH!!!" Isang masalimuot na sigaw ang pinakawalan ni Alena. Halos magkanda-duling duling siya dahil sa sobrang kirot niyon.

Hindi pa nakuntento si Rita at inikot pa nito ang gulok habang nakabaon sa hita niya.

"ARAAAAAY KOOO!!!" Kulang na lang ay mapunit ang lalamunan niya dahil sa sigaw na pinakawalan niya. Ramdam niya ang pagka-tungkab ng kanyang laman sa hita.

"Ano?! Masakit ba? Kulang pa 'yan!" Hinugot nito ang gulok mula sa hita niya pagkatapos ay pinagsasaksak iyon pati na rin ang binti niya. Halos magwala na si Alena dahil sa sobrang sakit. Duguan na ang ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Hinihingal na tumigil si Rita sa kakasaksak sa kanya at inilapag ang gulok sa tabi ni Alena. Bumalik ito sa lagayan ng mga kagamitang pangkatay at pumili ng susunod na gagamitin.

Sinamantala ni Alena ang pagkakataon at nagmadali siyang tanggalin ang pagkakabuhol ng lubid sa kanyang kamay. Nanghihina na siya pero isa lang ang nasa isip niya. Ang makatakas.

Natigilan na lamang siya nang matanggal iyon. Sa una'y hindi pa siya makapaniwala. Malaya na ang kanang kamay niya. Mabilis niyang kinuha ang gulok sa tabi niya ay pinigtas ang tali sa kaliwang kamay niya.

Tumigil lang siya nang muling humarap sa kanya si Rita. Muli itong lumapit sa kanya bitbit ang isang martilyo. Nagkunwari siyang nakatali pa rin ang mga kamay.

"I guess, dito na magtatapos ang pagdurusa mo Alena. Ano kayang hitsura mo kapag inihampas ko sa mukha mo 'to. Gusto kong makita ang durog mong mukha." Sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi nito. "Goodbye Alena!" Iniunday nito sa hangin ang hawak nitong martilyo papunta sa mukha niya kung kaya't kumilos na siya.

"HINDI MO AKO MAPAPATAAAY!!!" Sigaw niya, kasabay ng pagsaksak nito ng gulok sa tiyan niya. Nabitin sa ere ang mga kamay ni Rita. Nabitiwan nito ang hawak na martilyo at napahawak sa tiyan niya. Hinugot ni Alena ang gulok mula sa tiyan nito. Napaluhod na lamang si Rita kasabay ng pagbulwak ng dugo mula sa bibig niya.

Humihingal si Alena habang nakatingin kay Rita.

Pinutol niya ang nakabuhol na lubid sa magkabilang paa niya at pagkatapos ay pinilit niyang tumayo sa harap ni Rita kahit sugatan na ang kanyang mga hita-nagawa niya.

"Hindi ikaw ang papatay sa akin Rita!" Bigla nitong pinugutan ang nakaluhod na si Rita. Gumulong papunta sa paanan niya ang ulo nito. Dilat ang mga mata.

Umagos ang masaganang dugo mula sa tiyan at leeg ni Rita.

Ngayon, ito na ang naliligo sa sarili nitong dugo.

Napaupo na lang si Alena matapos niyang gawin iyon. Habol ang kanyang hininga.

Sa wakas. Patay na si Rita. Dito na natatapos ang mga pagpatay nito.

Ligtas na siya...

Sana...

-----***-----



MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon