KABANATA XIV

1K 26 0
                                    


IKA-LABINGAPAT

SUOT ang isang eleganteng damit ay taas-noong lumalakad si Alena sa Red Carpet. Nagkikislapan ang mga camera sa paligid. Naghihiyawan ang kanyang mga fans. Walang palya ang mga ngiti sa kanyang labi. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito. She never imagined. Not even in her dreams.

Ito ang gabi kung kailan ila-launch ang isang pelikula na hinango sa isinulat niyang libro na pinamagatang 'The Revenger'.

Ito ay kwento ng limang babae na isa-isang nakatanggap ng mga litrato na siyang nagdikta ng kanilang pagkamatay. Umiikot ang kwento sa Poot, Inggit, at Selos.

Lingid sa kaalaman ng lahat na hango iyon sa totoong buhay. Hango sa buhay niya mismo. Iniba lamang niya ng kaunti ang daloy ng istorya at ang mga pangalan ng mga tauhan na nagbigay-buhay sa kanyang obra upang maiwasan ang paghihinala ng mga tao.

Sa paglalakad niyang iyon ay biglang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari noon. Tatlong buwan na ang nakalipas simula no'ng gabing iyon. Nang patayin niya si Rita. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na buhay pa rin siya ngayon. Ang buong akala niya'y katapusan na niya noong gabing iyon.

Pasalamat na lang niya at natapos na ang lahat. Wala na si Rita. Wala nang banta sa kanyang buhay.

Isa na siyang tanyag na manunulat ngayon. Salamat sa kanyang libro na siyang nagbigay-daan upang makilala siya ng mga tao. Hindi rin niya inakala na sa pagsusulat pala ang uwi niya. Masaya na siya ngayon lalo pa't kinikilala ng mga tao ang husay niya sa pagsusulat. Wala na siyang mahihiling pa.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Eyes glued on her. Attention. She loves it.

Pinasadahan niya ng tingin ang mga tao sa paligid. Lahat ay nakangiti sa kanya. May paghanga sa mga mata. Kung wala lang siyang kasamang mga body guard, malamang kanina pa siya dinumog ng mga ito.

'Thank you!' She just mouthed to them, followed by her most charming and innocent smile.

Muli niyang inilibot ang kanyang paningin sa mga taong hindi magkandamayaw sa kasisigaw. Ngunit natigilan siya at napako ang kanyang tingin sa isang babaeng tahimik na nakatayo sa kumpol ng mga tao. Nakayuko ito. Napakunot ang kanyang noo. Mayamaya'y nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya. Sumilay ang makahulugang ngiti sa labi nito. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ni Alena nang makilala ito.

Si Magda!

Imposible! Hindi maaari!

Napaatras siya. Nagtaka ang mga tao. Natigilan. Mariin siyang napapikit. 'Hindi siya iyon! Patay na siya!' Aniya sa kanyang isipan. Nagmulat siya ng mga mata at muling tumingin sa direksyon nito pero wala na ito doon.

Nakahinga siya ng maluwag. Isa nga lang guni-guni. She just shook it off at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Wishing not to see her twin sister again.

Isa lamang iyong malik-mata.

Sana...

***

PIGIL ang hininga ng lahat habang pinapanuod ang pelikulang may temang Mystery/Horror/Suspense/Thriller. Ang 'The Revenger'.

Si Alena naman ay hindi maiwasang matuwa dahil sa wakas ay pinapanuod na niya sa Big Screen ang kanyang likha. Iyon ang pangarap ng lahat ng writer. Ang maisapelikula ang kanilang libro. Wish come true for her. She can't help but to smile even if the movie is in horror genre. Napapapalakpak pa nga siya sa kanyang isipan. Lalo pa't mahusay ang pag-ganap ng mga artista.

"AHHHHHHHHHHH!!!" Biglang tili ng mga manunuod. Lubhang nakaka-kaba ang pinapanuod nila. Kahit siya ay napapakapit sa kanyang upuan dahil sa suspense.

MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon