KABANATA II

1.1K 42 1
                                    

Ikalawang Kabanata.

"ANG tagal naman ng bitch na 'yon! Sinasayang niya ang oras ko!" Inis na turan ni Alena.

Mag-iisang oras na mula no'ng mag-banyo si Debbie pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

"Kilala mo naman ang babaeng 'yon. Isang oras kung mag-make up!" Tugon ni Drea sabay higop sa natitira niyang shake.

"Nakaka-ubos siya ng pasensya ha? Reen, puntahan mo na nga. Baka nilamon na yon ng toilet bowl." Utos ni Alena.

"Yea. I'm gonna pee too and do some retouching." Tugon nito.

"Oh baka ikaw naman ang matagalan ha? Bilisan niyo male-late na ako sa klase ko."

"Okay, mabilis lang ako. Swear." Sagot nito at lumakad na patungo sa CR ng girls.

Naiwan sina Alena doon at sinumulang ayusin ang mga gamit nila para 'pag nakabalik na sina Reen ay diretso labas na sila sa cafeteria.

"Ouch! Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Napatingin sina Alena kay Reen na ilang hakbang pa lang ang layo sa kanila.

"Hoy! Kinakausap kita!" Sigaw ni Reen nang hindi siya pansinin ng taong bumangga sa kanya. Nakayuko lang ito at dire-diretsong lumakad paalis sa harap niya. Mukhang nagmamadali ito.

Nadaanan pa nito ang table nila Alena at nagtama pa ang kanilang mga mata.

Nginitian siya nito.

Ngiting nagdala sa kanya ng kakaibang kilabot.

Pakiramdam niya'y huminto sa pagtibok ang puso niya.

Mabilis din itong lumakad palabas ng cafeteria habang siya naman ay napa-kunot na lang ng noo.

'Sino ang taong iyon?'-ang tanong na nabuo sa kanyang isipan. Kahina-hinala ang kinikilos nito. Estudyante ba iyon dito?

Hindi niya ito masyadong namukhaan dahil natatakpan ng hood ng suot nitong jacket ang kanyang mukha.

"Walang modo! Ni hindi man lang nag-sorry!" Inis na turan pa ni Reen at lumakad na lang papunta sa banyo.

Nagkibit-balikat na lamang si Alena sa kanyang nakita at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.

Wala pang isang minuto nang umalis si Reen ay bigla naman silang nakarinig ng malakas na sigaw mula sa CR ng girls.

"AHHHHHHHHHHHH!!!"

Halos lahat ng estudyante na nasa loob ng cafeteria ay napalingon sa gawing iyon.

"Oh my god! Si Reen ba 'yon?!" Kinakabahang tanong ni Drea na napatayo pa mula sa pagkakaupo.

"Shit!" Napamura na lang si Alena dahil batid niyang may nangyaring hindi maganda.

Dali-dali silang nagtakbuhan papuntang CR ng girls at doon nila nakita sa loob si Reen na nakasalampak sa tiles at nanlalaki ang mga mata habang nakaturo sa...

Sa duguang si Debbie!

"OH MY GOOOOOD!!!" Napatili na lamang si Drea dahil sa kanyang nakita.

"Reen! Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Alena at agad na dinaluhan ang ngayon ay umiiyak nang si Reen.

"E-Ewan ko! Huhuhu! 'Pag pasok ko dito nakita ko na lang siyang ganyan!" Ramdam ni Alena ang panginginig ng katawan nito. Lubhang natakot ito sa nakita niya.

"Shhh. Tama na..." Pagpapatahan niya rito habang hinahagod ang likuran nito.

"God! What happened to Debbie?!" Nanlalaki ang mga matang turan ni Grace. "Humingi kayo ng tulong!" Tarantang sigaw niya sa mga estudyanteng nakiki-usyoso. Agad naman nagtakbuhan ang mga ito palabas ng cafeteria. Ang iba naman ay nagsisisigaw dahil sa nakita nila. Nagkakagulo na ang mga estudyante sa loob ng cafeteria. Pilit naman silang pinakalma ng mga staff doon.

Nilapitan nila Grace at Drea si Debbie na nakasubsob ang mukha sa lababo. Umaagos ang masaganang dugo mula sa mukha nito.

Hindi na ito gumagalaw at tila wala ng buhay.

Itinihaya nila ito at doon nila nakita ang wasak na mukha nito.

Puno iyon ng bubog.

Marahil makailang ulit na inihampas ng kung sino ang mukha nito sa salamin hanggang sa halos mabura na ang mukha niya.

"S-Sinong may g-gawa nito?!" Kandautal na tanong ni Drea. Ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib.

Si Alena naman ay patuloy pa rin sa pagpapatahan kay Reen na tila na-trauma sa nakita niya.

Inililibot ni Alena ang kanyang mga mata sa loob ng banyo at humahanap ng ebidensya na maaaring tumukoy sa salarin.

Nagkalat ang bubog sa sahig at puno ng dugo ang paligid ng banyo.

Napako ang tingin niya sa may lamat na salamin.

May nakasulat doon.

It's payback time!

Ayon sa kanyang binasa.

At isinulat iyon gamit ang dugo ni Debbie.

Patindi ng patindi ang kaba na nararamdaman niya.

Sino ang nasa likod ng pagpatay na ito?

Sino siya?

Bakit niya ito ginawa?

Muli niyang inilibot ang kanyang mga mata.

Sa lapag ay may nakita siyang isang pulang sobre at isang litrato na nakataob.

Dinampot niya ang mga ito.

Tinignan niya kung may laman ang pulang sobre pero wala. Marahil yung litrato ang laman niyon.

Iniharap niya sa kanya ang litrato na nabahiran ng dugo at doon niya nakita ang kanyang sarili kasama ang apat pa niyang mga kaibigan na sina Grace, Drea, Debbie, at Reen.

Napatitig naman siya sa hitsura ni Debbie. Burado ang mukha nito na tila kinutkot gamit ang isang matulis na bagay. Hindi na niya ito halos makilala

Nalipat naman ang tingin niya sa wasak at duguang mukha ni Debbie...

Hindi na rin niya ito halos makilala.

'Shit!'-napamura siya sa kanyang isipan.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso.

Itinalikod niya ang litrato at doon niya nakita ang isang pangalang nagbigay sa kanya ng matinding kilabot.

MAGDA...

Pakiramdam niya'y nanlabo ang kanyang paningin sa nabasa.

***




MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon