KABANATA X

976 29 1
                                    

Ika-sampung Kabanata.

NAGISING na lamang si Alena nang maramdaman niya na tila may tubig na pumapatak sa kanyang pisngi.

Dahan-dahan siyang napamulat ng kanyang mga mata at doon ay nakita niya ang mukha ng kanyang Mama Chandria. Umiiyak ito.

"Mama." Ang tanging nasambit niya. Nag-aadjust pa sa liwanag ang kanyang mga mata.

"Diyos ko anak ko! Salamat naman at gising ka na!" Tila hindi makapaniwalang turan nito. Pinunas nito ang mga luha sa mata at agad sinalat-salat ang pisngi ng kanyang anak. Mababakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Nasaan ako?" Aniya. Puro puti lang ang kanyang nakikita. Umupo siya mula sa pagkakahiga sa kama pero agad kumirot ang kanyang ulo. "A-Ahh!" Daing niya. Tila tumama iyon sa isang matigas na bagay.

"Ano ka ba?! 'Wag ka muna kasing bumangon! Binibigla mo ang sarili mo eh. Magpahinga ka lang." Nababahalang sambit ng kanyang ina. Napahiga na lang ulit siya dahil hindi niya pa kaya ang sarili.

"Nandito ka sa ospital. Hindi mo ba naaalala ang nangyari kagabi? Hinimatay ka. Tumama ang ulo mo sa sahig kaya kumikirot pa 'yan hanggang ngayon. Halos kalahating araw ka nang walang malay. Nag-alala ako sa'yo." Saad nito. Tila kidlat naman na nanumbalik ang kanyang mga alaala. Tama. Nahimatay nga siya kagabi dahil... Dahil sa nadatnan niya sa kanyang kwarto.

"M-Mama, sina Maureen at Andrea? N-Nasa'n sila?" Gumagaralgal na ang tinig nito. Tila papaiyak na naman.

Lumungkot ang mukha ng kanyang Mama Chandria dahil sa tanong niyang iyon. "W-Wala na sila, Alena. P-Patay na ang mga kaibigan mo." Napayuko ito.

Tila sinaksak ng libu-libong punyal ang kanyang dibdib dahil sa narinig niyang iyon. Muli na namang nagbagsakan ang kanyang mga luha. Nag-uunahan ang mga ito sa paglabas mula sa mga mata na animo'y bukas na gripo.

"I'm sorry anak." Malungkot na sambit ng kanyang ina. Napayakap na lang siya dito at hinayaang maglabasan ang kanyang mga luha. Wala na. Wala na ang mga kaibigan niya. No'ng una'y si Debbie, sunod si Grace, ngayon nama'y si Andrea at Maureen.

Bakit?

Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan?

Tanong niya sa kanyang isipan. Ibunuhos niyang lahat ng kanyang luha sa balikat ng kanyang Mama Chandria.

"Buhay pa si Andrea. Sana... Kung naisugod lang agad siya sa ospital. Dead on arrival siya, anak. Napakaraming dugo ang nawala sa kanya. At si Maureen..." Narinig niya ang paghikbi ng kanyang ina. "Bakit Alena? Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Sinong gumawa nito sa mga kaibigan mo? Ano bang nagawa niyong kasalanan sa kanya ha?" Mas lalo siyang napahagulgol dahil sa mga sinabing iyon ng kanyang Mama Chandria. Hindi siya nakasagot. Hindi niya alam ang isasagot dahil 'yon din ang tanong sa kanyang isipan.

Ilang sandali pa'y humiwalay na sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Pinunas nila ang kanilang mga luha.

"Kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga pulis ang gumawa nito sa mga kaibigan mo. Kailangan mahuli ang hayop na 'yon at pagbayarin sa mga kasalanang nagawa niya." Saad nito. Tila apektado rin ito sa pagkamatay ng kanyang mga kaibigan. Alam niya ang pakiramdam ng mamatayan. Alam na alam niya.

"Anak patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko sa'yo noon. Hindi ko alam na may pinagdadaanan ka pa lang tulad nito. Patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo at hindi kita nadaluhan no'ng mga panahon na kailangan na kailangan mo ako. Masyado akong maka-sarili. Wala na akong ibang inisip kundi ang pagkamatay ng Ama at kapatid mo. Hindi ko man lang inisip ang nararamdamam mo, na tulad ko ay nasasaktan ka rin sa pagkawala nila. Dahil do'n nakalimutan ko na ang pagiging ina ko sa'yo. Nakalimutan ko nang ipadama sa'yo ang pagmamahal ng isang ina. Sana mapatawad mo ako anak." Napatakip ito ng bibig at tuluy-tuloy na umagos ang mga luha nito. Napaiyak na rin siya. Napakasakit para sa kanya na makitang lumuluha sa harap niya ang kanyang ina. Tila dinudurog ang kanyang puso.

Mahigpit niya itong niyakap at sa paraang iyon ay sinabi niya na pinapatawad na niya ito. Ito ang araw na matagal na niyang hinihintay. Ang araw ng kapatawaran.

***

"Kumusta na ang pakiramdam mo Alena? Sumasakit pa ba ang ulo mo?" Mayamaya'y tanong ng kanyang Mama Chandria.

"Okay na naman na ako. Gusto ko nang lumabas dito 'ma." Aniya.

"Siguro mamaya lang ay makalabas ka na tutal ayos na naman na ang pakiramdam mo. Let's just wait for your doctor to told us so." Sagot nito.

"Nasaan pala si Rita?" Tanong niya.

"Naiwan sa bahay para magbantay." Tugon nito. "Siya ang nakakita sa'yo no'ng nahimatay ka."

Napatango na lamang siya dito.

"Anyway, are you hungry Alena? No, I'm sure you are. Sandali lang, kukuha lang ako ng makakain mo. I'll be back in a minute, okay?"

Tumango lang siya dito at pagkatapos ay lumakad na ito palabas ng silid.

Napatitig na lang sa kisame si Alena at inalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Noon ay lima silang magkakaibigan, pero ngayon siya na lang ang natitira. Ibig sabihin nito ay susunod na siya. Kinikilabutan siya sa ideyang iyon. Maling ideya ata ang magpaiwan siyang mag-isa sa silid na iyon. Wari niya'y may mangyayaring hindi maganda.

Mayamaya'y natigilan si Alena nang marinig ang pag-ring ng kanyang cellphone na nasa side table.

Agad binaha ng kaba ang kanyang dibdib.

Tila kilala na niya kung sino 'yong tumatawag kahit hindi pa man niya ito tinitingnan. Napalunok muna siya bago inabot ang kanyang cellphone.

Minasdan niya kung sino ang tumatawag.

Unregistered number.

Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag.

"H-Hello?" Aniya.

"Hello Alena! Kumusta ka na?" Tugon nito. Hindi nga siya nagkamali. Siya na naman.

Hindi siya nakapagsalita. Gusto niya ito pagmumurahin pero hindi niya magawa. Para sa'n pa? Kahit na sigawan niya ito ng sigawan ay hindi pa rin ito titigil sa pagpatay.

"Oh? Bakit hindi ka na nakapagsalita diyan? 'Wag mong sabihin natatakot ka? Nasa'n na ang demonyitang si Alena? Para ka nang isang mabait na tupa ngayon ah." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Anyway, sorry pala sa nangyari kagabi. Hindi ko sinasadya. Hindi talaga." Pang-iinis nito. "Ikaw kasi eh. Anong sinabi ko sa'yo? 'Di ba sabi ko bantayan mong maigi ang mga kaibigan mo? Ayan tuloy patay na sila ngayon." Nagtagis ang bagang niya sa sinabi nitong iyon. "Pero wala talaga sa plano ko na patayin agad si Andrea. Ang kaso nangialam siya, edi sinaksak ko na. It's just hitting two birds in one stone. Great isn't it? Oh? 'Wag mo akong sisihin ha? Binalaan na kita, ang kaso hindi ka nakinig."

"WALANG HIYA KA TALAGA!" Malakas na sigaw niya rito. "Isinusumpa ko, pagbabayarin kita sa ginawa mo sa mga kaibigan ko! PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!!!" Gigil na sigaw niya.

"Oh really? Should I be scared now? Ang tapang mo ha?" Nag-uumapaw na talaga ang galit niya dito. "Pero aasahan ko 'yan. Tingnan ko lang ang tapang mo 'pag nagkaharap na tayo. Panindigan mo 'yang sinabi mo ha? Kasi ako, tinutupad ko ang lahat ng sinasabi ko. You know what? Excited na nga akong makita ka eh. Anong klaseng pagpatay kaya ang gagawin ko sa'yo? Kung pugutan kaya kita ng ulo at isama sa mga koleksiyon ko ang ulo mo? O kaya naman, wakwakin ko ang dibdib mo at kuhanin ang puso mo tapos ipakain ko sa'yo? Hmmm. Sabik na talaga akong makita ka Alena. At alam kong sabik ka na rin na makita ako. 'Wag kang mag-alala. Malapit na. Malapit na malapit na. Kdie."

At naputol na ang tawag. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Pawisan na rin ang kanyang noo. Kailangan na niyang ihanda ang sarili niya sa anumang pwedeng mangyari.

Mayamaya'y nakarinig siya ng mumunting katok sa pinto, at pumasok ang kanyang Mama Chan---HINDI! HINDI IYON ANG KANYANG MAMA CHANDRIA!

***




MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon