~chapter 18~ALEX'S POV
"...dito ka muna.." sabi ko sakanya dahil ayoko mina siyang umalis hahaha! Ewan ko ba kung bakit
Grabe medyo nahihilo pa din ako!
"Geh. Ay, may itatanong ako." Sabi niya
"Ano yun?" Sabi ko naman
"Kelan tutoring?"
"Baka once makabalik na kami baka mag start na tayo ulit. Bakit?"
"Pinapatong ng nanay ko eh."
Hanggang sa may bumalik sa isip ko..
Hala!!" u-uhmm.. a-ano v-vin may nasabi ba a-ako kanina?" Kinakabahang tanong ko
"Hahaha oo. Dami nga eh!"
"Hala!! Weehhh!??!! Ano?!" Tanong ko sakanya
"Wag mo ng alamin."
"Ang daya mo!!" Sabay pout ko
"Wag ka nga mag pout..pag ikaw hinalikan ko..."
"Ano?!!" Sigaw ko
"Sabi ko wag ka mag pout di bagay sayo!!"
"Sige na alis nako" nag nod na lang ako
"Hellooooo!!!!"
"Ay palaka!!" Sigaw ko naman
"Ay! Sorry wrong timing!" Sabi naman nila andie at becca
"Uy! Hindi! Paalis na rin siya!" Sigaw ko kasi aalis nanaman dapat sila
"Ay ok!" Sabi nila then nag punta na sa kanya-kanyang higaan
"Sige, alis nako" tumango na lang ako tsaka siya lumabas
"Ikaw ah!! May something kayo no??" Sabi ni becca
"Something? Ewan."
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaa!" Tili naman ni becca na ikinagulat namin ni andie
"Huy! Napapano ka?!" Sabi ni andie
"Dati sinasabi niya 'uy hindi kaya' 'hindi!' Pero ngayon ewan na!!" Nag blush naman ako ng onti
"Siguro may nararamdaman ka na for him no?" Tanong ni andie
"Ha?!" Sabi ko pero napaisip naman ako
" ewan." Yun na lang nasabi ko kasi hindi ko naman siya gusto pero pag nandiyan siya masaya ako..ewan ko ba!"So parang, its complicated?!" Sabi ni becca na kanina pa kinikilig.
"I think?" Sabi ko naman. Ayoko na magsinungaling eh.
"Yieeeeeeeeee!!!" Sabay na tili nila
"Matulog na nga kayo!!" Sabi ko habang nag- bablush
Hanggang sa nakatulog nako
~~~
"Xandraaaaa!!! Gisinggg!!!"
"Ano ba?!!!" Sabi ko
"Gumising kana!!! Uuwi na tayo!nagpabook na kami ng flight!!" Sabi ni andie
Wow naman!! Bihis na sila! Ngayon lang ata nangyari yan ah!!
"Geh.ligo lang ako" then tumayo nako at naligo.
May mga scenes galing kagabi na naalala ko like yung buhat ako ni vin at kung ano-anong bagay ang pinagsasabi ko.
At yung mga sinabi ko kagabi kela andie at becca. Siguro kaya ko nasabi yung mga yun kasi nakainom ako?
Pero kasi yun yung mga bagay na dati ko pa talaga gustong sabihin sakanila eh.wala lang akong lakas ng loob.
After ko maligo nag bihis nako
White sando and white shorts lang ako ngayon then yung jordan ko and my rayban.
Oks na yan!
"Taralets na!!" Sigaw ko then nag ayos na kami ng sarili namin
Nag punta na kami sa airport dahil sabi ng mga magagaling kong kaibigan
Aga-aga pa eh!! 6:00 palang oh!
Pagkasakay namin ay agad akong nakaramdam ng antok.
Kasi naman ang sarap pa tulog ko eh! Inistorbo naman nila!
Kaya natulog na lang muna ako...
~~~
"Huy, xandra gising na! Tayo na lang nandito oh!"
"Huh?" Sabi ko habang kinukusot yung mga mata ko
"Tara na!" Tumayo ako then kinuha na yung mga bagahe ko
Pagkababa namin nag punta na kami agad sa taxih-
PUTEK!!! yung kotse ko!!! Nasa baguio!! Naiwan nga pala kasi papunta kami ng boracay.
Bahala na nga!
"Uy, ano nanaman ba iniisip mo?" Tanong ni becca
"Yung kotse ko kasi naiwan sa baguio" malungkot na sabi ko
"Hala! Pano mo kukunin?" Tanong ni andie na biglang sumulpot
"Baka next time na lang" sabi ko sakanila
Nag hintay kami ng sari-sarili naming taxi
"Uy guys! Bye! Xandra, thankyou sa pag libre! Bwahahaha" evil laugh ni becca
"Geh. Bye!" Sinundo kasi siya ng kuya niya este asong gala nila.hahaha
"Uy, xandra taxi nako ah! Bye! Thank you,sa libre!" Nag smile na lang ako then umalis na siya
"Taxi kaya ako or pasundo ako kay ate?" Parang baliw siguro ako dito
"Sabay kana" rinig kong may nag sabi
"Huh?" Pag tingin ko si..vin
"Ano tatayo ka lang diyan?" Masungit na tanong niya
"Eto na, sasakay na" sabi ko naman
Nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan ( naks, lalim)
Ang dami ko namiss. namiss ko sila mommy,daddy at ate, tsaka sila dy rin namiss ko kakulitan niya..
Oo nga pala may gala galore nanaman ako with my family naman.
Punong-puno schedule ko ah.tsk. pano kaya kami makakapag tutoring ni vin?
"Andito na" maikli na sabi niya
"Thanks" maikli na sabi ko din
"Ano...s-sandali lang" huh? Bat nauutal to?
"Bak-" nagulat ako ng.....
Yakapin niya ko...
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Hope you liked it!
☆gabitaaa27☆
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Teen Fiction~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?