~chapter 52~"eehhh!!! Ate naman eh!! Ako dapat bibili niyan!!" Sigaw ni nina. Natawa lang ako sakanya.
"Sorry ka, ako na nakabili!!" Sabi ko sakanya sabay tawa ng nakakainis.
Naglalari kasi kami ng monopoly. Kami-kami nila nicole,nina,me and dy. Ang saya nga nilang kalaro. Lalo na si nina. Laptrip eh.
"Loser ka kasi nina." Mataray na sabi ni nicole. Tama nga si dy sa ugali nilang dalawa. Sobrang hindi akma sa itsura nila. Ang cool nga eh.
"Oh, ikaw na dy." Sabi ko sabay bigay ng dice sakanya. Pagka roll naman niya. Napunta siya sa go to jail.
"Wahahahhaha!!! Kulong ka men!!" Sigaw kaya pati sila nina at nicole tumawa na. Si dy naman napakamot na lang sa ulo niya dahil sa inis.tss. yayabang-yabang pa siya kanina. Wala naman pala.
"Loser si kuya!! Bwahahahaha!!!" Evil laugh ni nicole. Ang cute niya.
"Loser talaga yang kuya mo. Hahaha!" Bulong ko kay nicole kaya tumawa siya ng onti. Ang cute talaga niyaaaa!!!
"Ate, samahan mo ko. Bili tayo ng dinner." Sabi ni nina. Kaya tumayo na kami at nag-ayos muna.
"Nina, paalam muna tayo sa parents niyo." Sabi ko sakanya habang naka-akbay sakanya.
"Wala po sila ate eh. Business trip nanaman nila." Sabi niya habang papalabas kami ng bahay.
"Hoy!! Kayong dalawa!! Wag mag papagabi!!!!" Sigaw ni dy kaya sumigaw rin kami ng...
"OPOOO!!!" sabay tawa. Ang saya kasama ni nina. Medyo kaedad rin kasi namin sila. Si nina and nicole kasi 1st year college na. Kaya medyo nakakasabay ba sila samin. Kami naman eto, mga graduate na at naghahanap na lang ng trabaho. Pero ako, kailangan ko munang maka-usap si vin bago ako maghanap ng trabaho.
Habang naglalakd kaming dalawa ni nina, napapansin kong may sumu-sumusunod samin...bigla na lang akong may narinig na bumulugta sa sahig.
"Nina!! Anong nangyari?!" Hindi ko nakita kasi medyo nahuhuli si nina ng lakad.
"Ah wala lang. Si kuya kasi, nagtatangka pang magnakaw sa isang black belter. Yan ang inabot niya." Sabi ni nina with coolness in her voice.
"What?! Black belter ka?!" Sigaw na tanong ko. Nakita ko namang tatayo na si kuya, pero inapakan ni nina ng malakas yung tiyan niya. Kaya napahiga nanaman si kuya. Ang harsh naman ata niyan?
"Yup." Sabi niya sabay tanggal ng paa niya sa tiyan nung magnanakaw. Ito namang si kuya magnanakaw, sakit na sakit na. Yan kasi. Magnanakaw na lang sa maling tao pa.tsk.tsk.
"Tara na ate." Yaya niya kaya sumama nako sakanya.
Dumiretso kami sa grocery store
( alangan namang sa parlor. Diba? ) para bumili na ng mga pang dinner. Sabi kasi nila dun na lang daw ako magdinner. Magaling daw kasi magluto si dy. Kaya umu-oo na lang ako. Wala rin naman akong gagawin sa hotel eh. Might as well stay here na lang.Ano na kayang ginagawa ni vin?
~~~
*INSERT SAM'S POV:*
"Sam!! Mababaliw nako!! Gusto ko na siyang makita!! Pero bawal!!" Sigaw niya habang sinasabunutan ang buhok niya.
"Galing na nga sayo eh. Diba bawal? Kaya wag mo na siyang puntahan dahil siya ang mapapahamak. Hindi ikaw." Sabi ko sakanya. Kaya napayuko na lang siya.
"Nag-aalala nako ng sobra sakanya. Hindi ko na siya nakikita!! Ilang araw na!" Sabi niya sakin. Hirap naman ng sitwasyon netong lalaking to.
"Tsong, kala mo ba siya hindi? Eh halos hilahin na niya ko mula sa cellphone sa tono ng boses niya eh." Sabi ko sakanya habang nakapamewang.
"Sam. Tulungan mo ko. Please. I want to see her...pero..." sabi niya habang nakayuko pa rin.
"Pero?" Tanong ko sakanya.
"Pero makikipag hiwalay nako. Para hindi na rin siya masama sa mga kagagawan ko. Mahal na mahal ko siya. Alam niyong lahat yun. Kaya ko to gagawin kasi para sakanya rin to. Para rin siguro na hindi na siya umasa pa na magkakausap pa kami ulit ng maayos. Dahil hindi na. Maraming nakabantay sakin na mga tauhan ni dad. Na laging handang bumaril kapagka gumawa ako ng wrong move." Sabi niya sakin habang nakayuko pa rin.
" hay nako kev. Mag paalam ka muna sakanila or sa tatay-tatayan mo. Baka kung anong mangyari sayo." Sabi kos akanya.
"Kailan kayo maguusap?" Tanong ko sakanya.
"Hindi ko alam." Sabi niya. Kaya nag deep sigh na lang ako. Ano bang gagawin ko sa kaibigan ko?
~~~
ALEX'S POV:
"sige bye!!" Sigaw ko sakanila.
"Bye ate!! Ingat!! Balik ka ulit ah?!" Sigaw nila nina amd nicole.
"Promise!!" Sigaw ko rin.
"Ingat!" Sigaw ni dy kaya nag wave nako ng babye sakanila.
Kapagod rin tong araw nato. Ang daming nangyari. Madami ring nasurpresa sa pagdating ko.
Pero may isang tao na hindi maalis-alis sa utak ko..vin..kelan mo ba ko kakausapin? Ah alam ko na!
Calling vin...
《Hello?》 Ako yan.
《Vin? 》
《Uy》
《Vin. Kung ayaw mong magsalita.fine. gusto ko lang sabihin na nagaalala nako sayo. Lagi kitang tinatawagan ayaw mo namang sagutin. Tinetext rin kita pero ayaw mong mag reply. Galit ka ba sakin? Ayaw mo kasi akong kausapin. Miss na miss na kita. Ilang days na kitang hindi nakikita at nakakausap.... Nga pala, andito ako sa pilipinas. Sana naman makipagkita ka na sakin. Nababaliw nako kakaisip sayo. Pag tatanungin ko naman sila sam or alice, bigla nalang nilang ibababa. Ang weird lang. Gulong-gulo na nga ako eh. Minsan naiisip ko, may iba na kaya si vin? Pero naisip ko ulit, hindi naman niya magagawa yun sakin. Diba?》 Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Tulo na ng tulo ang mga luha ko.
《Vin. Mahal na mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba? Just text me na lang kung gusto mo ng makipagkita sakin. Kung ayaw mo akong tawagan. I won't rush you. I'll give you time. I love you. Hinding-hindi yun magbabago.》 Sabi ko sakanya. Narinig ko namang nag sob siya sabay baba niya ng tawag. Umiiyak siya?
Haaayy..ayoko ng ganto kami ni vin. Nasasaktan lang kaming dalawa. Lumalayo siya sakin ng hindi ko naman alam kung bakit. Miss na miss ko na siya. Siya kaya namimiss niya ko? Ayoko na ng ganto. I hate it.
Gusto ko ng bumalik kami sa dati.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
LAST TWO CHAPTERS!!!!!
Hope you liked it!
Don't forget to vote!! Thanks!
☆gabitaaa26☆
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Teen Fiction~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?