~chapter 41~
1 year later.....
"Vin! Huwag na nga sabi eh! Mapapagod ka lang!" Sigaw ko sakanya sa may screen.
"Basta. Pupunta ako diyan. Para na rin makilala nako ng mama mo ng personal. Para makilala na niya ang mapapangasawa ng anak niya." Sabi niya na ikinamula ko naman.
"Nako, sige na matulog ka na. May pasok ka pa bukas." Sabi ko kaya kiniss ko na yung cam para kunyari siya yung kiniss ko ganun din naman ang ginawa niya. Nag babye nako then sinara ko na yung laptop ko.
1 year na ang nakalipas at ganun pa rin ang sweetness ni vin. Minsan nga aakalain mo na nandito siya. He didn't fail to call or text me. Lagi siyang tumatawag or mag saskype kami. He's really sweet. Feeling ko nga ako na ang pinaka swerte na babae sa mundo eh. ( O.A lang?)
1 na year na ring lumalaban si ate sa sakit niya. Lagi kong sinasabi na wag na siyang magtrabaho lagi naman niyang sasabihin "alex, ok lang ako. Don't mind me." Yan lang lagi sasabihin niya. Araw-araw kong sinasabi sakanya yan. Ayaw naman niyang makinig. She's just waiting her time to arrive.
Naalala ko tuloy yung mga days na nagalit sakin yung ibang producers ng magazine. Bat daw ako biglang nawala. Pero buti na lang cinover na yun ng school.
"Anak, matulog ka na. May pasok ka pa bukas." Utos ni mommy kaya sinunod ko siya. Patulog na sana ako ng may tumawag.
《Nagising ba kita?》
《No. Patulog pa lang ako.》
《 miss na kita al..miss na kita alexandra Ramirez."》
《Miss na rin kita kevin Ramirez..》
《Mahal kita..mahal na mahal..mahal..na..mahal..kita..》
《 kevin..i love you!! 》
《Sige na matulog ka na. Loveyou.》
《Iloveyoutoo..goodnight..》
Nakatulog nako after that...
~~~
*kriiiinggg!!kriiinnnggg!!!*
ang sakit!! Sobrang sakit na talaga! Pagod na pagod nako!! Ayoko na!
Ang sakit na sa tenga ng alarm clock!! Ang sakit gumising lagi ng maagaaaa!! Lagid nakong pumunta ng university!! Ayoko naaaaaaa!!
Kahit labag man sa kalooban ko ang iwan ang pinakamamahal kong kama. Kinailangan eh...kailangan ko siyang iwan dahil mas masakit lang kung kakapit pako..alam ko namang sa bandang huli, ako ang talo..
Naligo nako at nag ready na.
Bumaba nako then chineck na ang kusina kung nasaan ang nagluluto...ang bango eh..
"Goodmorning my al.." sabi ni....VIN?!
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mukha niya.
"Pati ba naman sa imagination ko nakikita na kita? Siguro nga, miss na miss na kita!! Pati na rin sa imagination ko nakikita na kita..pero wag mo kong kukurutin ah? Ayoko nang magising sa katotohanan.." sabi ko then niyakap ko siya..pakiramdam ko talaga totoo to..
"Mahal din kita..pero kailangan ko tong gawin.." kinurot niya ko..na naging dahilan ng pagbalikwas ko...
"KYYYYAAAAAAAAAA!!!WAAAAAAAHHHHH!!!!WWAAAAAAHHH!!! KYAAAA!!" Sigaw ko as in todo!!!
Sabay talon ko kay vin. At niyakap siya ng sobrang mahigpit!!
"Aray ko naman al..miss mo nga talaga ako." Sabi niya pero hindi ko talaga siya pinansin at pinag hahalikan lang ang buong pag mumukha niya.
" uy.uy.uy..tama na yan..mahal kita.oo. pero,tama naman yang pag halik mo." Sabi niya kaya tinigilan ko na.
"Namiss kita!! Sobra-sobra! Bakit naman hindi mo sinabi sakin na nakauwi ka na pala? Hindi tuloy kita na sundo." Dahilan ng pag pout ko. Bigla naman niyo kong kiniss.
"Gusto ko kasi surprise. Na surprise ka ba?" Tanong niya sakin.
"Super! Ay teka, wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Meron. Pero wala naman ng masyadong ginagawa kaya nag punta ako dito." Sabi niya.
"Speaking of which, ano nang nangyari kela andie, becca and dy?" Tanong ko sakanya
"Hindi ba kayo nakakapag usap?" Tanong niya sakin.
"Minsan lang eh." Sagot ko sakanya.
"Nag aaral pa rin naman sila ng mabuti..at yung dy na sinasabi mo..nililigawan na ang magaling kong kapatid." Sabi niya.
"Knew it!" Sabi ko.
Napa iling lang si vin. Hindi ba siya masaya para sa kapatid niya?
"Hindi ka ba masaya for your sister?" Tanong ko sakanya habang tinutulungan siyang mag gawa ng breakfast.
"Masaya naman. Kaya nga lang yung nanliligaw, ang ayaw ko." Sabi niya
"Sino ba?" Tanong ko sakanya. But of course. Kilala ko na yun.
"Edi yang magaling mong dy." Bwisit na sabi niya.
"Hayaan mo na lang sila sa buhay bila ha?" Sabi ko then niyakap siya.
"Ay, nga pala. Kelan balik mo sa pilipinas?" Tanong ko sakanya.
"Baka, bukas or sa susunod na bukas." Sabi niya nag pangiti naman sakin.
"Yey! Wala akong pasok bukas, kaya sa susunod na bukas ka na bumalik." Sabi ko sakanya.
"Sige na, pumasok ka na. Baka malate ka pa." Sabi niya. Kaya nagkiss nako sakanya then nagpunta na kela mommy and ate.
"Ma. Alis na po ako. Yung lalaki po na yun, boyfriend ko. Uhmm...kausa-kausapin niyo na lang po siya hanggang sa pagbalik ko." Kiniss ko ang cheeks ni mommy.
"Ate, alis nako.bye." tinignan lang niya ko then ngumiti ng pilit. Kaya umalis na din ako.
(At university)
" alexandra, you got alot to catch up on." Sabi ng isa kong blockmate.
"I know." Maikli kong sabi.
"Hey alexandra! Where have you been?!" Tanong pa ng isa kong blockmate.
"None of your business" sabi ko then naglagay na ng earphones.
Ayoko munang makipag usap sakanila. Gusto ko na lang umuwi. Gusto kong makasama sila mommy,ate at vin...
Ay putaktengawa!! Kung andoon si vin, tapos si ate rin....hindi ba parang ang awkward?!
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Hope you liked it!
☆gabitaaa27☆
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Teen Fiction~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?