~chapter 44~KEVIN'S POV:
"kevin...pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.
Tinignan ko lang siya. Hindi pa rin siya nag bago. Mas pumuti lang siya. Katulad pa rin siya ng dati. Kala mo anghel yung mukha. Hindi naman.
"Uy, ano pwede?" Pangungulit niya
Tinangoan ko lang siya sign na pwede naman. Ang awkward lang para sakin kasi ex girlfriend ko ang kausap ko at ang kasalukuyan na girlfriend ko ay nasa loob. Nakaka pucha lang.
Nagpunta kami sa table sa may malapit sa garahe nila. Mas trip ko na rin dito. Tinatamad nakong lumabas.
"So, i want to clear things up with the both of us." Sabi niya.
"Wala nang dapat i-clear. Imbes sa buhok." Sagot ko. ( kung walang naka gets...bahala na kayo! Bwahahahaha!)
"Please...just listen to me. Hindi ko na kailangan ng mga sagot mo. Gusto ko lang tong sabihin sayo." Sabi niya.
At sa puntong yon alam ko ng dapat nakong mag seryoso.
~~~
JESSIE'S POV:
Nag serious face na siya at nag start ng makinig.
"Una sa lahat. Thankyou dahil pumayag kang makausap ako. I really do appreciate it. Pangalawa, pwedeng makinig ka lang sakin at hindi ka na sumagot. It's your choice." Sabi ko then huminga ng malalim.
"Ok. So as you can see, nasasaktan pa rin ako. Alam mo naman siguro yun? Kasi hindi naman tayo nag break ng maayos. I still love you. Kahit break na tayo. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko kayo ni alex na magkasama. Hindi naman kasi ganun kadaling mag move-on. Mas lalo din akong nahihirapan dahil sa ang kasalukuyan mong gf ay yung kapatid ko. Ang hirap kevin. Ang hirap. Araw-araw na lang akong umiiyak. Iniisip na bakit ba tayo nag hiwalay? Perfect naman na ang relasyon natin. Pero sa bandang huli naisip ko din na ako ang may kasalanan kaya ka nakipag-break. Basta, gusto ko lang malaman mo na i still love you. Mahal na mahal pa kita. Hindi yung magbabago. Pero sana wag mong sasaktan ang kapatid ko. Mahal na mahal ko yun para saktan mo lang." Nginitian ko lang siya then tumayo na may mga luha na kumawala sa mga mata ko. Kaya iniwan ko na siya don. Dumiretso na rin ako sa kwarto.
Ang sakit na ng nararamdaman ko. Then it all went black.
~~~
ALEX'S POV:
Mahal pa ni ate si vin? Hindi pa siya nakaka move-on kay vin? Gusto pa rin niya si vin? Parang....parang ang sakit?
"Huy...ang lalim naman ng iniisip mo." Bulong niya sa tenga ko habang nakayakap siya mula sa likod ko. Nakatayo kasi ako sa may fountain.
"A-ano...kasi...si ano..." hindi ko na masabi dahil sa mga luha ko na ayaw tumigil sa pag tulo.
"Sshhh..i love you and that's what matters. Okay?" Sabi niya. Kaya hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit. Bakit parang hindi ko kayang mag 'i love you' sakanya? Dahil ba sa nalaman ko na mahal na mahal pa siya ng ate ko? O dahil sa masyado lang akong nasasaktan? Parang both?
"Vin..i have a question. But you need to answer me..yong totoo." Sabi ko sakanya.
"Go on." Sabi niya.
"Do you still love ate?" Tanong ko sakanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
"I don't." Sagot niya habang hawak ang mukha ko.
"Bakit parang hindi ko na *sobs* magawang maniwala?" Sabi ko habang nakayuko. Iba na yung nararamdaman ko eh. Parang...ewan ko! Hindi ko na alam.
"Alexandra, listen to me. I love you.i love you. I love you. Hinding-hindi yun magbabago. Kung gusto mo pakasalan na kita ngayon." Sabi niya sakin.
"Vin, please. I know you love me. Pero pano kung dumating yung araw na piliin mo si ate over me? Vin, think about this. I want to save our relationship pero sa tingin ko kailangan ko muna ng assurance na tayong dalawa na hanggang sa huli." Maluha-luha kong sabi.
"Hindi ka ba naniniwala sakin?! Pucha naman al! Sa tagal na natin ngayon ka pa ba susuko?! Please. Maniwala ka sakin na mahal na mahal kita." Sabi niya sabay yakap sakin ng sobrang higpit. Yung yakap na ayaw akong pakawalan. And that made me cry even more.
"Wag ka ng umiyak..ikaw ang mahal ko. Hindi ang ate mo. Ikaw na. Ikaw. Si alexandra Delapaz na ang mahal ko. Maniwala ka." Sabi niya. From his words i know he really loves me. And i really love him too. But, theirs something in me na sobrang nasasaktan na. Simula ng malaman ko na mahal pa siya ni ate.
"Pero vin..mahal ka pa ni ate. Mahal na mahal ka pa niya." Sabi ko.
"Alam ko. Pero ako ba? Mahal ko pa ba siya? Hindi na. Kaya wag kang mag-alala
Ikaw lang babae sa buhay ko. Except sa nanay ko." Sabi niya na naka ngiti."Vin. Alam mo naman na mahal kita diba?" Sabi ko sakanya.
"Oo. Wag ka ng mag inarte diyan. Mahal kita. Period." Sabi niya. Sabay yakap nanaman sakin.
Naiyakap ko lang siya hanggang sa mag sawa kami. Alam ko naman na mahal ako ni vin na sobra pa sa sobra. I love him too. So much. i don't want to lose him.
"Vin. Labas tayo." Yaya ko sakanya.
"Nasa labas na tayo." Sagot naman niya.
"Tsk. I mean mag gala tayo. Tara na." Sabi ko sakanya.
"Anong tara na? Bihis muna." Sabi niya sabay hila sakin papasok.
Dumiretso siya sa guest room ako naman sa room ko.
Naligo nako then nagbihis. Simple pants and sweater will do.
Bumaba nako and nagpunta na kay mommy para mag paalam.
"Ma alis lang kami ni vin. Babalik din kami agad." Sabi ko sakanya.
"Totoo ba yang agad na yan?" Sabi ni mommy
"I think?" Then nginitian ako ni mommy.
"Paalam ka na rin sa ate mo. Nasa kwarto niya." Sabi ni mommy kaya tumakbo na ko pataas.
Pagka bukas ko ng pinto niya. Nakita ko siyang nakahiga sa sahig. Parang hinimatay. Omygod!
"MOOOOOMMMMMYYYYYY!!!!"
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Hope you liked it!
Don't forget to vote! Thanks!
☆gabitaaa27☆
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Novela Juvenil~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?