TOTGA- chapter 38

24 0 0
                                    


~chapter 38~

KEVIN'S POV:

uugghh!! Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari? Naaalala ko lang kasi nasa tagaytay kami umiinom. At pagkatapos nun, wala na.

Gumalaw ako at may naramdaman na tao sa gilid ko. Nakatalukbong lang siya ng kumot. Unti-unti kong tinggal yung kumot hanggang baba lang niya.

Luh?! Si al?! Bat siya dito natulog?! May nangyari ba kagabi?!

Tinanggal ko na lahat ng kumot only to find out na t-shirt ko ang suot-suot niya At shorts ko din?!

"Al, gising." Yugyog ko sakanya. Yinugyog ko lang siya hanggang sa magising siya.

"Uy, gising ka na pala." Sabi niya habang kinukusot yung mga mata niya.

Tinignan ko lang siya. At ganun din ang ginawa niya.

"Vin, bakit?" Tanong niya.

"M-may nangyari b-ba satin k-kagabi?" Tanong ko sakanya.

"What do you mean by 'nangyari'?" Tanong naman niya

"Kung meron bang nangyari..yung ano...alam mo na yun! Pucha." Sabi ko

"Wala! Kala mo naman. Kasi ganito yung nangyari...

~~~

ALEX'S POV:

hahahaha! Kala niya may nangyari samin.

"Wala! Kala mo naman. Kasi ganito yung nangyari..."

"Vin naman! Bat mo ko sinukahan!!" Sigaw ko sakanya. Wala pa naman akong dalang extra na damit dito. Walanjo!

"Ay, *hik* sorry! Lika na lang *hik* dito." Sabi niya sabay hila sakin.

"Vin! May suka pa ko! Wag ka muna mangyakap!! Huy!" Sigaw ko sakanya.

"Sige na nga. Kuha ka na lang ng t-shirt at short dun *hik* sa damitan ko.*hik*" sabi niya na sinisinok-sinok pa. Yan! Iinom-inom kasi!

Kumuha nako ng damit at akmang pupunta na ng banyo ng bigla nanaman akong hilahin ni vin.

"Dito ka na lang magbihis." Bulong niya. What da?! Sinong loka-loka ang magbibihis sa harap ng isang lasing?! Baka mamaya kung ano pa gawin niya eh!!

"Hindi! Sa c.r ako! Kaya bumitaw ka!" Binitawan naman niya ako at dumiretso nako sa c.r niya.

Ang hirap naman pala alagan ni vin kapag lasing!! Napaka kulit! Kasalanan to nila sam eh! Kung hindi sana nila pinainom si vin, eh hindi magkaka-ganito! Hay nako.

Lumabas nako at naabutan si vin na tulig na. Tignan mo tong lalaki nato. Matutulog din pala.

Tumabi na lang ako sakanya dahil pang isahan lang yung sofa niya. Yung tipong pang upo lang. Ganon. Eh ayoko naman matulog sa sahig. Kaya tumabi na lang ako sakanya. Hanggang sa nakatulog nako.

"Ahhh..gusto mo pala kong katabi. Tsumatsansing ka ah!" Sigaw niya sakin.

"Hoy! At ako pa ang nananantsansing?! Eh ikaw nga tong hila ng hilay at yakap ng yakap sakin kagabi! At take note! Gusto mo pa kong mag bihis sa bakikita mo!" Sigaw ko sakanya

"Hindi ko naman alam yung nangyari kagabi. Pero ikaw, alam mo!" Sabi niya then tumayo na siya. Umayghad! That abs! Ayoko na!

"Bababa na nga ako!" Bumaba nako at nakita sila tita anny na naghahanda na ng breakfast. Hala! Hindi nga pala alam nila tita na nandito ako!

"Oh! Gising ka na pala. Kain na." Huh?!

"Nakita namin kayo kanina ate alex, magkayakap pa nga kayo eh. So sweet!" Tili ni alice. Bigla naman siyang kinurot ni tita sa tagiliran.

Nginitian ko lang sila at tumulong na sa pag hahanda.

"Omygod! Ate! Bakit suot mo yang damit ni kuya!?!?!" Sigaw ni alice na umagaw ng atensyon ni tita.

Bigla namang umakbay sakin si vin.

" it's none of your business." Sabi ni vin at umupo na kami.

"Hala! May nangyari na sa inyo!!??" Sigaw na tanong ni alice.

"Magkakaron na ba ko agad ng apo?!" Sigaw naman ni tita.

Hay nako!! Ano bang gagawin ko?!

"Alice, tita, wala pong nangyari kaya chill lang po kayo diyan." Sabi ko na nag pa lumanay sakanila.

"Phew! I thought mag kaka-apo nako!"

"If you want ma." Sabi ni vin. Kaya kinurot ko yung tagiliran niya na nagdulot ng pag balikwas niya.

"Kailangan magpakasal muna kayo." Sabi ni tita.

"Mag papakasal na kami mamaya." Sabi ni vin

"Anong mamaya?! Hoy lalaki! Wala pa nga tayong isang taon eh! Pakasal na agad?!" Sita ko sakanya.

"Wala naman yun sa tagal ng relationship. Yun ay kapag mahal niyo talaga ang isa't-isa at alam niyong hindi na kayo kahit kailan pa maghihiwalay." Sagot naman niya.

"May part pa din na kailangan matagal ang relationship niyo as girlfriend/boyfriend kasi yun yung time na kinikilala niyo ang isa't-isa at your earning each others trust. Pano kung mag asawa na kayo, eh hindi niyo pa nga lubusan na kilala ang isa't isa? Mahirap yun vin." Sabi ko sakanya.

Nag kibit balikat lang siya then sumubo na.

Natapos na kaming lahat kumain at nag punta na sila sa sari-sariling gawain nila. Uwi na ako.

"Tita anny uuwi na po ako. Pakisabi na lang po kay vin. Baka po kasi natutulog ayoko na po siyang istorbuhin." Sabi ko kay tita at pumayag siya.

Pag kauwi ko nag punta agad ako sa kwarto then nahiga. Then nakatulog ako.

~~~

Nagising na lang ako sa alarm ng phone ko. Makapag toothbrush nga muna. Pagkatapos ko nanood lang ako ng movies ng may kumatok.

"Wait lang!" Sigaw ko then binuksan na yung pinto.

"Uy vin..so-" naputol ang sasabihin ko ng na nag peck siya ng kiss sakin. Pasalamat siya at nag toothbrush ako.

"Bat naman di ka nag paalam sakin?" Tanong niya habang naka hawak sa mukha ko.

"Sorry naman. Kasi baka natutulog ka sa may kwarto mo kaya di na kita ginulo." Sabi ko sakanya

"Hay. Pasok na nga lang tayo." Hinila niya ko then sinara ko na yung pinto.

Nanonood lang kami ng movies habang ako nakasandal sa balikat ni vin. Habang si vin naman nakasandal sa ulo ko. Feeling ko nga tulog na tong lalaki nato.

"Vin.." yugyog ko sakanya.

"Vin...kung inaantok ka doon ka na lang muna sa kwarto ko." Sabi ko sakanya.

"Sino bang nagsabi na inaantok ako?" Sabi niya.

"Kala ko naman tulog ka na!" Sabi ko sakanya then tumayo na. Makapag ready na nga lang ng dinner.

(After dinner)

"Saan ka naman matutulog dito?!" Sigaw ko sakanya. Nangungulit kasi na dito na lang daw siya matutulog.

Tinignan lang niya ko then humiga na ng kama ko. Kama ba niya yan?! Makahiga eh. Lasing pa ata to.tsk.tsk.

Humiga na lang ako sa may sofa. Bayan eh!! Di ako sanay sa sofa!! Baka hindi ako makatulog! Meron pa naman akong interview bukas! Wala nakong choice.
Dahil kapag di ko to ginawa di ako makakatulog. Huggard itsura ko sa interview.

"Bat ka nandito?" Tanong niya. Ang kapal naman.

Tatayo na dapat ako pero hinila niya ko at niyakap. Tss.

Nakatulog na kaming dalawa ng ganon na posisyon...

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hope you liked it!

Sorry sa lahat ng typos ko!

☆gabitaaa27☆

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon