~chapter 36~*kriiinnggg!!!* (alarm clock)
Tangigit naman oh!! Sarap pa ng tulog ko eh!! Kainis! Malapit ko na mapatay si voldemort eh!! Maitapon na nga mamaya yang alarm clock na yan! Peste!
Tumayo nako at nag punta na ng c.r.
1 month na rin ang nakalipas nung nag date kami ni vin...(tagal no?) Ang dami na ring nangyari. Bati na kami ni dy. Nag hahangout rin kami nila becca at andie tuwing sunday. Nakakasama ko rin sila sam pag kasabay ko si vin pauwi. Ang saya lang.
Ay shucks!! May importante pang iaannounce si ms. Ngayon! Luh!!
Tumakbo nako papuntang c.r at naligo na. Aftet ligo nag bihis nako ng navy blue na t-shirt ko na may nakalagay na #weird at jeans. Paired with my doll shoes na white (yung glossy) tapos!
Tumakbo nako palabas at agad ng nagpunta ng car park. I looked at my wrist watch.
8:00 am
Hay nako!! Bala na nga! At least papasok ako. Diba? Meron ngang kasabihan na 'it's better late than absent' diba? I'm right?
Nakarating nako at dumiretso na sa class ko. Nakita ko sila na nagbubulungan.. ano nanaman bang problema nila?
'Siya ba yun?'
'Oo ata.'
'Maganda naman siya ah.'
Ugh!! Kaaga-aga chismissan agad! Mga peste! Pagka ganitong naiirita ako at hindi natapos yung panaginip ko ay wag silang gumaganyan sa harapan ko! Mga inutil. Argh!
Umupo nako at nag earphones na lang. Nag bubulungan, eh rinig naman. Such stupid people.
Inantok ako kaya....
(Aftet classes)
Naglalakad ako sa hallway nang may nagsalita.
"Ms.nicamae perez , Ms.hailey Añita , Ms.georgina herberts, Ms.alexandra Delapaz. Please proceed in the principal's office."
Nang marinig ko yun wala nang ano-ano pa ay dumiretso nako sa office. Baka nanalo ako ng grandprize!
Pagka pasok ko nakita ko ang pitong mga estudyante na nakaupo lang at nakatingin sakin. May pumasok bang maganda? Ah oo nga pala! Pumasok ako!
Apat na lalaki at syempre apat na babae. Including me.
Dumiretso nako sa empty seat na kulay red. Ganda neto ah! Pang teleserye!
"So, since lahat na kayo nandito na, hindi nako magpapaligoy-ligoy pa. Kayong pito ang napili para masali sa--" naputol ang sasabihin ng principal nang sumingit yung babaeng sobrang puti. Siguro alagang gluta siya?
"Anong district po ako?" Tanong niya nag pangiti sakin. I think magiging friends kami.
"Ms.herberts, hindi po ito hunger games katulad ng iniisip ninyo. Kasali po kayong pito sa--" naputol nanaman siya.
"Napili kami sa bahay ni kuya?!" Sagot nanaman niya.
"Ms.Herberts! Wag mo kong sinasagot! I am giving you proper orders! Kaya wag kang sumingit-singit diyan na parang mag kaibigan lang tayo! O, bakit di kana sumasagot?!" Sita ni principal.
"Ma'am, hindi ko po kayo maintindihan eh. Kanina sabi niyo po wag akong sumagot, ngayon naman tinatanong niyo kung bakit ako hindi sumasagot? Ma'am ano to? Lokohan?" Sabi nung herberts. Siya ata yung georgina.
Kala ko puro arte lang siya sa katawan. Ang cool pala niya.
"Aish! Makinig na lang kayo sa sasabihin ko. Napili kayong pito para makasali sa campus celebs. Na icocover sa mga iilang mgazine." Sabi niya
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Novela Juvenil~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?