~TOTGA~ Chapter 51

26 0 0
                                    

~chaptet 51~

"Ano? Nagkausap na ba kayo?" Tanong ni andie habang hinahalo-halo yung frappe niya gamit yung straw niya.

"Hindi pa eh. Hindi ko na nga alam kung pano ko malalaman anything about him eh." Sabi ko sakanila. Sounding hopeless.

"What if, we go to his house?" Suggest ni becca. Kaya nagkatinginan kami ni andie. Then tumango.

~~~

"ate!! Nandiyan po ba sila kevin?!" Sigaw ko from the gate. Ayaw kasi kami papasukin nung masungit na guard. Bago kasi siya. Hindi pa niya ko kilala.

" ay late ka na. Kakaalis lang nila. Kasama sila jessie." Huh?! Si ate?!

"Ahh sige thankyou po." Sabi ko then sumakay na kami ulit sa sasakyan.

"Ano ng gagawin mo girl?" Tanong ni andie.

"Aha!! Si Sam!!" Sigaw ko then tinawagan ko siya. Lumabas muna ako ng sasakyan.

Calling sam...

《Hello?》

《Sam!! Thankgoodness!!》

《Ano yan, at tinitjankgoodness mo ko?》

《May itatanong kasi ako sayo eh. And pleasr answer me truthfully ok?》

《Gora lang. Ano ba yan?》

《Do you know kung anong pinagkakaabalahan ni vin ngayon? Please don't hang up.》

Natahimik siya ng sandali..

《Wala ako sa posisyon para sabihin sayo xandy. Siya na lang ang kausapin mo at wag ako.》

《Pero hindi ko siya macontact! Sabihin niyo nga, may tinatago ba kayo sakin?》

《I need to go. Sorry.》 Bigla naman niyang hinang-up.

Bwiset!!!

Bumalik ako ng bwiset. Kairita! Argh!! If this is their idea of a joke, it's not funny! In fact, it's irritating!!

"Huy, nalulunod na kami dito sa lalim ng iniisip mo. Ano ba yan?" Tanong ni becca.

"They won't tell me what's happening to vin! Can you believe it?! Ako yung fianceè pero ako tong walang alam sa nangyayari sakanya. Nakaka sira ng bait!!" Whine ko sakanila.

"Baka may ginagawa lang siyang trabaho." Sabi ni andie.

"Trabaho? Eh bakit ni magtext sakin di niya magawa?!" Sabi ko sakanila with the face of frustration.

"Hayaan mo na kausapin mo na lang bukas or the day after tomorrow. Mag-kakaayos din kayo niyan. Tiwala lang." Sabi ni andie kaya nginitian ko lang siya. Ayoko namang madamay sila sa problema ko. Kaya nginitian ko na lang sila kahit ayaw ko. Para ma-assure sila na magiging ok din ako.

Tinap lang nila ang likod ko then nagpunta na lang kami ng MOA. Para bumili na lang ng kung ano-ano. Mamaya ko na lang ulit iisipin ang problema ko kay vin. Nakakapagod na rin kasi eh.

"Uy tignan niyo oh!! Ang cute nung aso!" Tili ni andie

"Hala oo nga! Ang cute!" Tili rin ni becca.

"Xandra, pasok tayo dun?" Sabay turo niya sa pet shop.

"No thanks. Kayo na lang. I'll wait you here." Pagkasabi ko nun agad na silang nagpunta doon.

Habang naghihintay ako sakanila may napansin ako na nakakabother.

Is that vin with....ate?! Woah. Parang ayoko namang maniwala. Naka akbay pa si vin kay ate. At halata mong masaya sila. O baka naman hindi sila yun? Hay nako. Makakain na lang mamaya.

"Hey. Bakit naman naka busangot yang pagmumukha mo girl?" Tanong nila sakin. Ay. Tapos na pala sila.

"Wala. Kain tayo?" Sabi ko sakanila. Tumango na lang sila kaya naghanap na kami ng makakainan. Ng dahil sa wala kaming maisip, nag KFC na lang kami.

"Girl. Bat naman kanina ka pa tulaley? Anyare sayo?" Sabi ni becca.

"Parang kasi...parang nakita ko aila vin and ate..with matching akbay pa ni vin kay ate." Sabi ko sakanila.

"Parang lang pala eh. Edi ibig sabihin, hindi ka sure. Wag ka muna mag isip ng kung ano-ano diyan. I-enjoy mo lang tong day nato with us.ok?" Sabi ni andie kaya tumango na lang ako. Hirap na hirap nako. Gusto ko nang makausap ulit si vin.

Nagpunta na lang kami ng sine at nanuod ng kung anong movie na pwede
Naming panoorin. After ng lahat umuwi na rin kami.

Pagkauwi namin sa sari-sarili naming mga bahay (or hotel). Ay nag punta naman ako sa bahay ni dy. Miss ko na siya eh.

Pagkarating ko doon nag doorbell nako agad. Agad naman bumugad sakin ang mukhang gulat ni dy.

"Surprise!" Sabi ko sabay talon sakanya at yumakap.

"Uhh..kelan ka pa nandito?" Tanong niya habang nakayakap din sakin.

"Just this morning. Pwede ba kong pumasok?" Tanong ko kaya nag nod siya.

May nakita akong na dalawang babaeng magkamukha. Sila siguro yung nina and nicole.

"Kuya, who is she?" Tanong nilang dalawa

"Is she your girlfriend?" Tanong naman nung isa na ikinagulat ko naman.

"No. She's not. Diba may nililigawan na ako, nina?" Ahhh So, yung Nina yung naka ponytail na mukhang mataray.

"So, sino yung nililigawan mo?" Tanong naman nung naka lugay lang yung buhok pero naka glasses. Mukha siyang nerdy look pero maganda.

"Si ate alice niyo, remember?" Sabi niya sakanila. Sabay silang tumango pero si Nina naka crossed arms. Si Nicole naman hawak lang yung libro niya. Ang ganda nila pareho. Kaso nga lang makikita mo talaga yung kaibahan nila.

Nilead ako ni dy sa may dining nila.

"Magkaiba pa rin talaga yung ugali ni nina and nicole no? Ang bait ng itsura ni nicole pero si nina may pagka maldita look." Sabi ko sakanya pero natawa siya.

"Your dead wrong. Baliktad ata yung description mo sakanila." Sabi niya habang nakangiting kumukuha ng icecream.

"What?! Maldita si nicole?! Tapos si Nina, mabait? Like nerd?" Tanong then tumango siya. Woah, kakaiba yun ah.

"Ganyan din ang first impression nila sakanila. Ang kulit no?" Sabi niya kaya kumuha na din ako sa ice cream na kinuha niya.

"Hala, uy..kutsara ko yung ginamit mo." Sabi niya.

"Anong meron?" Tanong ko sakanya.

"Kasi sinubo ko na yon? Tapos sinubo mo rin?" Sabi niya kaya napangiti na lang ako sakanya.

"Ok lang yan. Wala ka naman sigurong tigdas or what diba?" Sabi ko sakanya at agad naman siyang umiling. Kaya simubo na ulit ako ng ice cream na gamit ang kutsara niya. Di naman ako nandidiri eh. Para na siyang kapatid sakin. Like becca and andie.

"Oh," sabay bigay ko sakanya nung spoon and ice cream na ubos na.

"Takaw sa ice cream ah. May problema ba?" Tanong niya sakin.

"Si vin kasi..ayaw akong kausapin. Parang ewan lang. Ano kayang nangyari sakanya diba?" Sabi ko

"Baka naman may rason siya." Sabi niya.

Yeah right..ang gusto ko lang talaga ngayon ay ang makausap si vin. Yun lang at wala ng iba pa..

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Hope you liked it!!

Don't forget to vote!! Thanks!

☆gabitaaa27☆






The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon