~ chapter 32 ~Bat parang ang bigat ng nasa hita ko?
Dumilat ako ng makita ang natutulog na vin sa may hita ko.
Tinignan ko yung oras at 6:00 na.
"Huy vin, gising na. May pasok na." Sabi ko sakanya habang niyuyugyog ko siya.
Eto namang loko eh biglang yumakap. At may binulong.."Jessie...." bulong niya.
Tumayo nako at binagsak ang ulo niya. Hindi na siya nahiya! Ako ang andito pero ex niya ang tinatawag niya!
Hindi ako nagagalit kay ate ah. Nagagalit ako kay vin! Basta!
Masakit din kaya! Unti-unti nako na fafall sakanya ng malalim tapos iba naman pala hinahanap niya?!
Sasabihin ko to ulit to clarify things: hindi ako galit kay ate jessie ko.
Bala siyang malate diyan. Naligo nako then nag bihis na. Mga 40 mins. Ako na naligo. Hahaha! Tagal no? Then 10 mins. Nag bihis. Malapit lang naman university eh.
Pagkalabas ko nakita ko siya na wala na sa sala. Tss. Medyo nag tatampo ako. Ewan ko ba kung bakit.
Lumabas nako ng condo at nilock na.
"Hey."
"What the?!" Nagulat naman ako dun!
"Easy! Si vin to." Sabi nung nasa likod ko
"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko sakanya
"Sunduin ka." Maikling sagot niya
Nilagpasan ko lang siya.
"Huy! Tara na! Galit ka ba?!" Sabi niya habang hinahabol ako
Tumigil muna ako saglit at hinarap siya.
"Vin. Mahal mo pa ba si ate?"
~~~
KEVIN'S POV:
nagulat naman ako sa tanong niya. Syempre hindi ako makakasagot agad dun. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal. Si al na.
"Hindi ka makasagot kasi mahal mo pa si ate. And i think mahal ka pa din niya." Naluluha na sabi niya.
Parang ayoko ang patutunguhan ng usapan nato ah.
Niyakap ko siya dahil alam kong any minute iiyak na siya. Ayoko pa naman nakakakita ng babaeng umiiyak.
"Hindi ko na mahal ang ate mo. Ikaw na ang mahal ako. Kaya wag ka ng mag inarte." Sabi ko
"Mahal mo na ko?" Sabi niya
"Uhhh...oo" sabi ko habang nakayakap pa din sakanya
"Mahal din kita." Sagot niya na nag patayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Ha?" Yan na lang nasabi ko
"Bleh! Di ko na uulitin!" Sigaw niya habang tumatakbo. Tsk.
Basta alam ko sa sarili ko na narinig ko yung sinabi niya. Gusto ko lang talaga ipaulit sakanya.
~~~
ALEX'S POV:
Did i really just said that? Well, yun naman talaga nararamdaman ko eh. Hihintayin ko lang ang right time para sagutin siya.
Habang papunta kami ng kotse niya ang laki ng ngiti sa pagmumukha niya.
"Hoy! Anong ngiti naman yan?!" Tanong ko sakanya
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Teen Fiction~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?