~chapter 43~Nagising na lang ako sa kama ko. Teka, bat ako nandito? Diba kasama ko si vin kagabi?
Pagkatapos mag sipilyo at mag ayos ng sarili ay Bumaba nako para icheck kung nasa baba siya wala naman. Chineck ko na sa may kusina wala pa rin.
"Ma nasaan si vin?" Tanong ko kay mommy
"Ay, anak. Umuwi na siya. Sabi niya pakisabi na lang daw sayo." Sabi ni mommy.
"Ma. Wag mo na kong biruin. Asan nga kasi siya?" Tanong ko kay mommy.
"Wala na nga. Umuwi na. Alis muna ako ah? Punta lang ako sa tita mo." Sabi ni mommy sabay alis.
Huhuuhhhhuhuhu!!! Bakit hindi niya ko ginising para makapagpaalam man lang siya!? Bakitttttt?!?!!?!?!? Kala ko pa naman mag stestay siya dito. Nakakatampo actually.
Pagkalabas ko ng kusina may nakita akong mga roses na nakakalat. Kaya sinunod ko lang yun. Hanggang sa nilead ako sa garden na maraming balloons at may malaking cake. Andami ring flowers.
Bigla namang may yumakap sakin from the back.
"Happy,happy birthday my al.." bulong ng isang napaka husky na voice. At syempre alam ko na kung sino yun.
Hinarap ko siya at agad kong hinalikan.
"Miss mo ko no?" Tanong niya sakin.
"Hate you!!!" Sigaw ko sakanya
"Love you too." Sabi niya sabay yakap sakin.
"Kainis ka! Kala ko pa naman umuwi ka na!!" Palo ko pa sakanya.
Hindi siya nagsalita. Hinila lang niya ko sa table na niready niya ata. Then umupo nako. Ganun din ginawa niya.
"Wala man lang bang 'i love you napakapoging vin?' Diyan?" Sabi niya habang nakatingala.
"Tss. Gwapo ka ba?" Pag mamataray ko sakanya.
"Oo. Kaya mo nga ako sinagot diba?" Sabi niya sabay subo ng pagkain niya.
Inirapan ko lang siya. Naiinis talaga ako. Tas yung si mommy nakisakay sa trip netong si vin. Grrrr. Kainis.
Bigla namang siyang lumapit at hinila ako patayo then niyakap.
"Galit ka ba? Ayaw mo ba ng hinanda ko para sayo?" Tanong niya habang magkayakap kami. Ang lungkot na ng boses niya. Nakaramdam naman ako ng guilt sa katawan ko.
"No. No hindi ako galit. Naiinis lang. At gustong-gusto ko tong hinanda mo para sakin. I love it. Naiinis lang talaga ako." Sabi ko sakanya.
"Bat ka naiinis?" Tanong niya. Hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap namin.
"Hindi ko rin alam. Kaya ikaw, ngumiti ka na. Wag ka ng mag pout diyan. Baka..." sabi ko.
"Baka halikan mo ulit ako?" Tanong niya.
"Hindi. Baka sipain kita." Sabay tawa ko evily.
"Tsk. Kung hindi lang talaga kita mahal magagalit ako sayo at ipapakulong pa kita." Sabi niya sakin na ikinalaki ng mata ko. Hano daww!!??
"At bakit naman aber?!" Tanong ko skanya.
"Kasi ninakaw mo puso ko." Sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako pero hindi nangyari ang ineexpect ko. Kiniss lang niya ko sa forehead ko. Which truly is sweet.
"I love you vin." Bulong ko sakanya.
"Yun! Mahal din kita." Sabi niya sabay buhat sakin.
I really don't know what's gonna happen to me if ever i lost him. But i'll do everything for that not to happen.
~~~
JESSIE'S POV:
Ayan nanaman yung kirot sa puso ko. Bat ba kasi sa lahat na lang ng lugar na pupuntahan ko, nandun sila. Sinasadya mo ba talaga to tadhana? Kasi kung oo, hindi ka na nakakatuwa. Ang hirap-hirap na nga ng pinagdadaanan ko tapos ipapakita mo sakin to?! Asaan ang hustisya?! I need you!!
Pero sige, sasanayin ko na ang sarili kong masaktan. Ganun naman talaga diba? Ang masaktan ay part ng pag-momove-on. Pero kasi, mahal ko yung tao eh. Hindi madali. Para ngang hindi ko magawa eh. Siguro matagal pa bago ko tuluyang makalimutan si kevin. May part pa rin kasi siya sa puso ko eh. Nahihirapan nako!! Ano bang pwedeng gawin?!
"Huy! Ano ba yan! Kung kausapin mo kaya siya? Diba? Di naman siguro magagalit si alex eh. Kaya go na." Sabi ni rhea.
Gawin ko kaya? Baka kasi hindi ko na siya pakawalan ulit eh. But, i know he's my sister's bf na and that makes it so complicated for us. Sige na nga.
"I'll try rhea. I'll try." Sabi ko sakanya then niyakap siya.
I really need this. I really need a friend to cry on, to tell my problems, a friend who is always their when i need someone to cry on. And i'm also lucky to have a friend like that.
"Pero, mamaya na. You need to take a deep breath then when you have the guts to talk to him, then go!" Sabi niya with a supporting voice.
"Yeah i know. Later na lang." Nginitian ko lang siya then nagpunta na muna kay alex. Na kasalukuyang nag lalaptop.
"Alex, my dearest beautiful and fabulous sister...--" naputol naman ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Ano naman yan ate? May hihingin ka ba?" Sagot niya.
"Oo eh..san si kevin?" Tanong ko.
Natahimik siya ng onti. Pero sumagot pa rin.
"Nasa labas kausap si tita anny." Sabi niya kaya napatango na lang ako.
"Pwede ba kong makipag-usap sakanya after niya sa tawag niya? Hindi naman kami magtatagal." Pag papaalam ko sakanya.
Natahimik nanaman siya. Pero mas matagal na.
"Uy, ano pwede?" Pangungulit ko.
"Hay, Oo na. Pwede na. Ano bang pag uusapan niyo?" Tanong niya.
"Basta. Thankyou talaga!" Sabi ko sakanya then hug.
Nagpunta na ko ng labas at nakita si kevin na nakasandal sa may bench. Habang pinapaikot yung phone niya.
"Kevin...pwede ba tayong mag usap?"
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Hope you liked it!
Remember to vote! Thanks!
☆gabitaaa27☆
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Teen Fiction~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?