TOTGA ~chapter 42~

30 1 0
                                    

I dedicate this chapter to my beautiful fwend ReyzaBiancaBontoFerr

Must read:

Sa mga susunod po na chaps. (And in this chapter). Baka may mga iilang pov na si jessie.

~chapter 42~

KEVIN'S POV:

"Tulungan ko na po kayo diyan." Alok ko sa mommy ni al.

"Salamat. Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?" Tanong niya.

"Opo. Bakit po?"

"Bagay kayo. Gwapo mong bata." Sabi niya.

"Maliit po na bagay." Sabi ko sabay ngiti. Hindi ko pa talaga alam ang itatawag sakanya.

"Mama na lang itawag mo sakin ah?" Sabi ni mama.

"Sige po.mama." sabi ko na nag-aalangan pa.

Bigla namang may sumulpot sa tabi ni mama. Ay pucha. Bat ngayon pa?!

"Hi ma! Hi kevin! What's up here?!" Masigla niyang sabi.tss. hindi ba siya na aawkwardan?! Bwiset.

Bigla namang dumating si al..finally!

~~~

ALEX'S POV:

nakita ko yung mukha ni vin. Tila awkward na awkward na siya. Kailangan ko na talagang pumasok sa usapan.

"Hi ma!! Hi ate!!" Then kiniss ko silang dalawa sa cheeks.

"Hi vin!" Bati ko sakanya then niyakap siya ng mahigpit.

"Sige, akyat lang ako." Paalam ni ate. Bat naman biglang umakyat yun?

"Hayaan mo na ang ate mo. Bipolar talaga yan minsan." Sabi ni mommy. Hindi ko na lang pinansin si ate at nakipag chikahan na kela mommy .

"Nako, wag muna kayo magpapakasal ha? Ayoko pang mawalay sa baby ko!" Whine ni mommy sabay yakap sakin.

"Don't worry ma. Hindi po ako nagmamadali." Sabi ni vin. At tama ba ang narinig ko?! MA?!

"Huy, anong ma?" Tanong ko sakanya.

"Ma. Alangan naman pa. Hindi naman siya lalaki." Pamimilosopo pa niya.

"Magtigil ka. Bakit nga?!"

"Sabi niya eh." Napa tango na lang ako sakanya.

*ding,dong*

"Ma, may bisita po kayo?" Tanong ko sakanya.

"Wala naman.teka," tumayo si mommy then nagpunta sa may gate. Nakita ko na may pumasok na babae. Mukha namang kaibigan siya ni ate.

"Friend ng ate mo. Dadalawin daw siya." Sabi ni mommy kaya napatango na lang ako.

"Ahh ok..hello po!" Bati ko sakanya.

"Hello din. Akyat nako ah?" Sabi niya then tuloy-tuloy ng umakyat.

Anong okasyon at andito ang friend ni ate?

~~~

JESSIE'S POV:

masakit. Masakit pa rin talaga. Masakit na nakikita ko siya ulit ngayon. Masakit na nakikita ko siyang masaya na sa ibang babae. At ang masaklap, kapatid ko ang babae na yon.

Bakit ba hindi ka na lang mag move-on jessie?! Bakit ba parang sa tuwing makikita mo siya, di mo maitatanggi na mahal mo pa rin talaga siya?! Bakit?! Sobra na eh. Sobra na yung sakit. Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin. Mahal ko si kevin eh. Mahal na mahal. Pero bakit naman kami pinaghiwalay? Perfect naman na buhay namin eh. Dahil ba sa seloso si vin? Dahil ba sa insensitive ako? Hindi ko na talaga alam. Bakit ba kasi sa lahat ng magiging bf ni alex, yung ex ko pa?! Tadhana nga naman oh!! Tama na! Ayoko na! Ako na ang nahihirapan! I don't want to play your games anymore!

Para na lang ako pinaglalaruan ng tadhana. Ipapakita niya ulit sakin si vin. Tapos ilalayo. Tapos ipapapkita nanaman. Pagod nakong araw-araw umiiyak. Pagod nako. Pagod nakong laging nakikita silang dalawa na masaya. Pag nakikita ko silang dalawa na sobrang sweet, parang dinu-durog ang puso ko. Parang pinapatay ako. Kahit man gustuhin kong mawala na si kevin sa utak ko, hindi ko talaga magawa. Mahal ko eh.

Maya eto ako ngayon. Umiiyak nanaman. Alam kong masama to sa kalagayan ko pero hindi ko naman mapipigilan ang mga luha ko eh. Kusa lang silang lumalabas. Nung nakita ko kung gaano tignan ni kevin si alex parang gusto ko ng umiyak sa harap nila. Pero naisip ko i need to be strong infront of them. Ayokong magmukhang mahina.

Ang gusto ko na lang ngayon ay makalimutan si kevin. Gusto kong matulog at sana pagkagising ko wala nakong maalala. At wala nakonh aalalahanin pa.

"Friend! Ok ka lang!?" Nag aalalang tanong ni rhea.

"No. No i'm not." Sabi ko habang may mga luha na tila tumutulo mula sa mata ko.

"Let it out. Mas mahihirapan ka kung ikimkim mo lang yan sa sarili mo." Niyakap ko siya at saka himagulgol.

"Rhea! Ayoko na! Nasasaktan nako ng sobra! Gusto ko na siyang makalimutan! Pero hindi ko kaya. At alam kong hindi ko kakayanin. Hirap na hirap nako. Rhea, ayoko na. Patayin mo na lang ako. Para nang sasabog yung utak ko kakaisip sakanya! Pero siya?! Iba ang iniisip niya.." iyak ko sakanya.

"Sshh..kaya mo yan..kayanin mo jessie. Alam kong matatag kang babae. Your problems can help you become even more stronger. Kaya kayanin mo ng unti-unting alisin sa isip mo si kevin. Take a break from thinking of him. Live your life, hindi yung umiikot yang buong buhay mo sa pag-iisip lang sakanya." Sabi niya habang nakayakap sakin.

"Thankyou for coming here. It really helps." Sabi ko habang nakayakap pa rin sakanya.

"No need to thank me. I'm always willing to help you." Sabi niya sakin na nag pangiti naman sakin.

Hanggang sa nakatulog nako.

~~~

ALEX'S POV:

"vin, i love you." Sabi ko sakanya habang nakahiga sa braso niya. Nandito kasi kami ngayon sa garden. Nakahiga at nakatingin lang sa langit.

"Mahal din kita." Sabi niya sabay yakap sakin. Ang sweet talaga niya. He's too perfect.

"Vin, sa tingin mo ba tayo na hanggang huli?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam. Hindi ko naman alam ang mangyayari sa future eh. Pero, gagawin ko ang lahat para ako ang maging future mo." Sabi niya sabay kiss sa forehead ko.

"Hay nako, bat ba ang sweet mo?" Tanong ko sakanya.

"Kasi gwapo ako." Sagot niya.

"Hangin. Grabe! Liliparin na ata ako." Sabi ko sakanya.

Niyakap niya ko ng mahigpit as in sobra ko ng lapit sakanya. He's too sweet. I really love him. Hindi ko na rin siguro alam ang gagawin ko kapag nawala siya sakin. Siguro mababaliw ako. Haha.

Hay buhay..

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hope you liked it!

Guyyyysssss!! Don't forget to vote! Thankyou for reading!

☆gabitaaa27☆

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon