~chapter 21~Pagka gising ko wala ni si ate..
Baka nag reready na..
Bago ako bumaba naligo muna ako then nagbihis na. Ako na lang maghahatid sakanila sa airport.
Pagkababa ko nakita ko na sila na nag babye na kela lolo at lola.
"Ma!! Ate!! Wait lang!!" Sigaw ko habang bumaba ng mahabang hagdan
"Kala ko di ka na magigising eh.tsk." sabi ni mommy.
"Sorry naman, ano tara na?" Sabi ko
"Asan yung bag mo?" Tanong ni ate
"Ay! Shemay! Wait lang!" Sabay akyat ko ng super bilis sa taas at kinuha ang bag ko.
"Lolo, lola ingat kayo dito ah! Vivisit na lang po ako pag may spare time ako puro po kasi projects sa school eh.." nag smile ako then niyakap nila ko
"Ingat kayo ah! Bye!" Sabay labas namin nila mommy
Ang tahimik naman. Hindi ako sanay.
"Ma! Anong aayusin mo sa new york?" Pag basag ko ng katahimikan sa kotse
"Aayusin ko na ang divorce papers namin ng daddy niyo..hindi ko na rin kasi kaya ang mga nangyayari samin araw-araw eh." Sabi ni mommy habang nakatingin sa labas.
"Ma, di niyo na po ba pag uusapan ni daddy?" Tanong ni ate
"Ayoko na. Pagod nako sakanya. Mas mabuti pang maghiwalay na kami. Siya din naman may gusto eh." Sabi ni mommy
"Ma, kung kailangan mo kami nandito lang ako sa tabi mo ah." Nag smile lang siya
Natahimik nanaman kami. Hanggang sa makarating kami sa airport
"Bye ma! Bye ate!" Sigaw ko
"Byeee!!" Sigaw ni ate
Si mommy naman nag wave lang. Sobrang lungkot niya siguro.
Lumabas nako at nag punta na ng kotse ko. At umuwi na
Pagkarating ko sa bahay. Plakda ako sa kama.
I'm so exhausted!! Sunod-sunod na araw yung mga gala namin!
Result: PAGOD TO THE MAX!!
Haayy..mamimiss ko sila mommy at ate..
Ay! Hala! Di ko pa natetext si vin about sa tutoring.
To: vin
Uy vin! Kelan mo gusto next tutoring natin?
Fr: vin
Miss mo naman ako agad?
Wow naman! Bilis mag reply!
To : vin
Baliw! Miss ka diyan?! Gusto ko lang malaman kung kelan ang next na tutoring!
Fr: vin
Mamaya. Bahay ko.
To: vin
Geh.
Tulog muna ako para makahugot ng lakas. Feeling ko kasi pag di ako natulog bigla na lang akong babagsak eh.
Pumasok ako ng school dahil tapos na ang christmas break. Tsaka malapit na din yun unit test namin.
May lumapit naman sakin na bata.
"Ate, sayo daw po ito" may bingay sakin yung bata na envelope
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Teen Fiction~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?