I dedicate this chapter to my makulit na kaibigan mkllbsn ito na po yung nirirequest mo.~chapter 39~
"Next!" Sigaw ng babaeng eklatera. Kung makasigaw, kala mo eskwelahan nya.
Nagpunta nako ng room na pag-iinterviewhan samin. Ay almost forgot! Makikita ko si georgina dito! Baka galit sakin yon. Tsk.
"Hi ms.Delapaz. take a seat." Sabi niya kaya sinunod ko siya.
" I'm angel. Anong name pong full name mo ms. Delapaz?" Tanong niya.
" Alexandra Delapaz." Tipid kong sabi.
"Hmm...age?" Tanong niya.
"18" tipid kong sagot. Actually, ayoko talagang gawin to. Kaso nga lang may nabanggit si ms. Na kasali daw to sa isa sa mga co-corricular namin. Edi go lang ng go diba?! Dagdag points din to no!
"Tipid naman sumangot ms. Delapaz. So what's your ambition in life?" Tanong niya.
"Well, to be a great designer. A fashion designer, to be exact. I also want to explore the whole world." Sagot ko sakanya.
"Sa tingin mo ba ma aachieve mo yang mga dreams mo?" Tanong niya
"I think so." Sagot ko sakanya.
"Why are you not sure?" Tanong naman niya sakin.
" hindi ko pa naman kasi alam ang mangyayari in the near future. Kaya ayokong magsabi ng mga bagay na hindi pa tapos." Sagot ko.
"Sa tingin mo...anong mangyayari sa future mo?" Tanong niya.
"Hindi ako si god para sagutin yan...pero, i'm hoping na maganda ang future ko at masaya lang ako.kami." sabi ko
"Kami?"
"Oo. My family and the person special to me." Sagot ko ulit.
"Gano ba ka special yang person na yan sayo?" Tanong niya.
"Ihahantulad ko na lang sa libro." Sagot ko sakanya.
"Sa libro?"
"Because in every pages in my life.he is like the author...hindi ko alam kung tutuloy pa ang journey ko kung wala siya." Sabi ko.
Napa tango lang siya.
"Thankyou ms. Delapaz for saving time for this. I Hope to see you again." Sabi niya. Ngumiti lang ako at lumabas na.
Habang naglalakad ako may bigla namang humila sakin.
"Georgina?" Gulat kong sabi.
"Bwisit ka! Alam mo bang nag hintay ako ng milyong-milyong oras sa spot na sinabi ko sayo?!" Sabi niya. Galit na galit siya.
"Grabe naman yang 'milyong-milyong' na yan. O.A much?" Sabi ko sakanya.
"O.A na kung O.A, kasi naman alex! Ang tagal ko kayang naghintay doon! Nakakatakot pa!" Medyo pasigaw na sabi niya.
"Eh bakit ba kasi doon mo napili mag kita?" Tanong ko sakanya.
"Maganda kasi sa place." Kalma niyang sabi.
"Eh ano ba kasing ikwekwento mo?" Tanong ko.
"Wag mo ng isipin yon. Di naman importante. Sige, alis nako." Sabi niya sabay takbo palayo.
Nag lakad na ko paalis ng university. Dun kasi ginanap yung interviewing. Tapos next week na daw ang pictorial. Ilang weeks din daw bago ilalabas magazine. Bibilhin ko talaga yon.
Bigla namang nag ring ang phone ko.
《Ms. Delapaz. I need you here in the principal's office right now. ASAP.》
《On the way na po.》
Alam ko na hindi maganda ang sasabihin ni ms. Pero kailangan kong pumunta.
~~~
"Po?!" Sabi ko. Hindi pa rin nag sisink-in ang mga sinasabi ni ms.
"Wala ka ng magagawa. Naka book na ang flight mo. Uuwi ka na alexandra. At kailangan mo ng umuwi, your job here is done." Sabi ni ms.
" Ms.principal naman! May mga kaibigan akong maiiwan dito. Hindi po ba pwedeng mag stay muna ako?" Tanong ko.
"Hindi. Pero kung gusto mo, ok lang. Hindi na namin kargo ang mga kailangan mo. Babawiin na rin namin ang mga bagay na pinahiram sayo. At hindi ka na rin excused sa mga class mo sa N.Y.C. ano, dito ka pa rin?" Mataray na sabi ng principal.
This is torture! Ayoko pang umalis! Lalo na't alam kong may mga maiiwan ako. Sila andie,becca,dy at si vin...parang nanlumo na ko at hindi ko na alam kung pano pa to sasabihin kay vin.
"Kelan po ang alis ko?" Maluha luha kong sabi.
"Bukas." Sabi niya na nag panganga sakin ng bongga.
"Seriously?!" Tanong ko
"3:00 am naman ang alis mo. So, go. Umalis ka na at mag ready." Umalis nako agad pagkasabi na pagkasabi niya non. Ayoko. Ayokong umalis. Pero pag hindi ako umalis pano na lang mangyayari sa studies ko? Pano na lang mangyayari sakin?
~~~
Pagkadating ko ng bahay nila nakita ko siya agad sa may garden nila. Agad ko siyang niyakap.
"May problema ba?" Tanong niya habang magkayakap kami.
"Vin may sasabihin ako.." sabi ko sakanya looking straight into his eyes.
"Ano yun?"
"Vin kasi...uuwi nako bukas." Sabi ko sakanya.
"Uuwi?" Sabi niya.
"Oo. Uuwi nako sa N.Y.C. kahit ayaw ko, kailangan eh. Pag di kasi ako bumalik di na nila ako kargo. Hindi na rin ako excused sa mga studies ko. Kaya napag pasyahan ko na uuwi na lang ako." Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakangiti. Alam ko na yang nguti na yan eh!
"No! Hindi ka sasama! Dito ka lang! Pahalagahan mo yang studies mo. Kailangan pag ka uwi ko matataas na ulit grades mo. Dapat pag-kauwi ko mas magaling ka na kumpera ngayon. Ha?" Sabi ko sakanya. Na nag palaho ng ngiti niya.
"Kung makapagpaalam ka naman. Hindi ka ba na inform sa skype?" Sabi niya kaya pinalo ko siya ng bahagya.
"Loko ka. Kasi baka hindi rin tayo mag kausap dahilan ng studies ko. Alam mo naman, matagal akong nawala syempre uulanan ako ng mga prof. Ko ng projects." Sabi ko sakanya.
"Basta hahanap ako ng way makapag-usap lang tayo. Mahal na mahal kita." Sabi niya saka ako niyakap ulit.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala mga luha ko. Grabe, mamimiss ko tong si vin. Mamimiss ko siya ng sobra pa sa sobra.
"I love you vin. Wag mo kong kakalimutan o ipagpapalit ha?" Sabi ko sakanya.
"Mahal din kita. Tsaka, ako? Mangbabae? Takot ko lang sayo." Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko. Huhuhu!! Naiiyak nako ng sobra!
"Oh, bat ka umiiyak?" Tanong niya.
"Kasi naman! Pinapa-iyak mo ko! Sobra kang mag-pamiss! *sobs* vin..ayokong umalis..*sobs*.. ayokong iwan kayo...ikaw." sabi ko sakanya habang mahigpit na nakayakap sakanya.
"Parang ikaw di ko mamimiss ah? Kailangan mo tong gawin. Para na rin sa future mo. Tas ako mag-aaral ako ng mabuti. Para naman sa future natin." Sabi niya sabay kindat.
"Basta lagi mong tatandaan mahal kita..ha? *sobs*" sabi ko sakanya.
"Ako din. Mahal na mahal kita." Sabi niya sabay halik sa noo ko.
Kahit anong pilit kong hindi umiyak...naiiyak talaga ako. Ang hirap. Sobra.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Hope you liked it!
☆gabitaaa27☆
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
Teen Fiction~Mahal mo siya,mahal ka nya~ ~ pero kakayanin niyo kaya kung may malaking problema na dadating?~ ~At dadating sa point na susuko na lang kayo?