TOTGA~ chapter 35

38 1 0
                                    


~chapter 35~

"Al!! Bilisan mo naman!" Katok ni vin sa may pinto. Nubanaman siya! Kakauwi ko lang kaya! Syempre maliligo pa ko, mag bibihis pa ko at kung ano-ano pa na ka eklabuhan ko! Kainis!

Pagkatapos maligo nag bihis nako ng simple crop top na white na may black heart sa gitna. Then black na pleather mini skirt. Paired with my black and white roshe. Done!

Nagpabango nako then lumabas na. Ito namang si vin tulala. Ganda ko talaga! Chos! Hahahha

"Vin, laway mo." Sabi ko ng naka ngiti.

Naka suot lang siya ng black na hanggang tuhod na shorts at white na v-neck t-shirt.

"Uhh..let's go." He said then hinolding hands nako. Tss. I'm so kinikilig!! Hahaha! Cray-cray nako putek!

Hinila lang niya ko hanggang sa car park then pumunta na kami sa kung saan man.

Hala, san to? Hindi ko na alam tong place nato!!! Hala! Baka, hindi to si vin! baka, isa siya sa mga sindikato na magagaling mag disguise. Baka kinikidnap na niya ako!! Huhuhu!! Kailangan ko na ng tulonggggg!!! I need to get out of here!

Kinapa-kapa ko na yung handle ng sasakyan at akmang bubuksan na pero nagsalita ang kidnapper.

"Huy! Anong nangyayari sayo?!" Sabi niya habang nag dadrive.

"K-kikidnapin mo ba a-ako..?" Nanginginig kong tanong. Nakakatakot kaya!

"Ha? Ako? Eh diba, mag dedate tayo?" Sabi nung kidnapper. Ako? Makikipag date sa kidnapper?! Not im my wildest dreams no!!!

"Hindi ako makikipag date sa isang kidnapper!!" Sigaw ko sakanya.

Agad naman niyang pinatigil ang kotse niya at tinignan ako ng masama. So ngayon ako pa ang masama?! Siya na nga tong mangingidnap eh, siya pang galit?! Wow!

"Al, it's me, vin!" Sabi niya while looking straight into my eyes.

"T-talaga? Sige, saan kita sinagot?" Tanong ko sakanya with a challenging tone of a voice. While raising my one eyebrow.

" basta malawak na lugar yon. Walang sasakyan na dumadaan. Umulan pa nga nun eh." Sabi niya.

"Eh, pano tayo una nagkakilala?" Tanong ko uliy sakanya

"Nabangga kita. Saan? Sa school. Kailan? Nung pagkadating na pagkadating mo galing sa new york." Sabi niya while looking at me.

"Eddie whaw. Saan ba kasi tayo pupunta vin!!??" Whine ko sakanya. Siya talaga. Phew! Nakahinga ako ng maluwag dun!!

"Para kang ewan kanina. Naka drugs ka no?" Tanong niya sakin.

" baliw! Baka ikaw!" Sigaw ko sakanya. Pinaandar na niya ulit yung kotse niya.

Nakarating na kami sa place na close naman? Huh?! Ano namang gagawin namin dito?!

"Vin, ano namang gagawin natin dito! Close kaya!" Sabi ko sakanya with matching turo turo pa.

"Just wait." Sabi niya then bumaba na. Syempre ako rin bumaba na.

Bigla naman siyang pumasok dun sa restau na sarado. Sinundan ko lang siya.hawak ko lang yung kamay niya.walang ilaw eh.

"Huy!bat ka pumasok dito?! Baka mahuli tayo! Sinasabi na nga ba! Kasama ka sa mga sindikato! Dinamay mo pa ko!" Pag katapos kong sumigaw-sigaw ay binitawan niya ko.

"Hala! Uyyyy!! Bat mo naman ako iniwan! Huhuhu!!" Naiiyak nako!!

Bigla namang isa isa umilaw yung mga bulb. Huh? Tapos meron pang red carpet sa kinatatayuan ko. Na nag lelead papunta sa color red and black na table na may pagkain. Andami ring flowers. Lahat rose. Tas meron pang mga tumutugtog. Ang ganda.

Teka, ito ba yung sinasabi niyang date namin?!

Bigla naman siyang lumabas out of no-where. Na may dala na boquet of flowers. At nagpunta sa kinaroroonan ko. Ang shwet naman nitong lalakitong to!

"Oh, tara na." Sabi niya sakin then hinila nako papuntang table namin.

Umupo na kami nag titigan lang. Bat naman na mumula siya?

"Vin, may tanong ako." Sabi ko sakanya

"Ano?" Sagot naman niya

"Bat namumula ka?" Tanong ko sakanya.

"Kumain ka na." Sabay tusok niya sa pagkain niya. Kawawang pagkain.

Kumain na lang din ako. Ang tahimik naman niya. Ano kayang iniisip niya no?

"Vin may mga connections ka ba dito at nakapag pa reserve ka? Dinner time pa naman ngayon at mukhang masarap dito sa restau na pina reserve mo. Mukha pang maganda. Pano mo napapayag yung owner nito? Siguro yang charms mo no?! Aba! Ginamit mo yan sa iba?! Di-" pinutol na niya yung sasabihin ko

"Manahimik ka. Una, kami ang owner nito. Pangalawa, wala akong ginamit na charms dahil sayo ko lang yun gagamitin." Sabi niya sabay kindat.

Ay putek! Kinikilig ako mga teh! Hahaha. Siguro ang pula ko na.

"Edi nye. C.r lang ako." Tatayo na sana ako nang may naalala ako.

"Saan yung c.r?" Tanong ko sakanya na nag pangiti sakanya.

"Gusto mo samahan kita?" Sabi niya habang nakangiti. Pucha naman tong lalaki na to. Sa iba na nga lang ako magtatanong.

Umalis nako at nag tanong na lang dun kay ate na naka red. Sinagot naman niya ko kaya nagpunta nako na ko sa tinuro ni ate.

Napunta naman ako sa isang garden na medyo malawak. Saan naman ako makahahanap ng c.r dito?! Naiihi nako!

Nilibot ko yunh mata ko. Wow! Ang daming bulaklak! Iba't ibang kulay!! Siguro may nag pareserve din ng place nato. Ano bayan! Dapat dito na lang pinareserve ni vin eh!

Naglakad muna ako sa gitna. Wala pa namang tao eh. Pagkapunta ko ng gitna bigla namang may tumugtog ng parang pangsayaw na kanta. Hala! Parating na siguro sila! Aalis na dapat ako pero may humila sakin at nilagay niya yung mga kamay ko sa dalawa niyang balikat at nilagay naman niya yung mga kamay niya sa bewang ko. At nag start na kami mag sayaw. Hala!

"Uy! Baka parating na yung nag pareserve nitong place nato! Vin, tara na!" Sabi ko sakanya. Pero mas nilapit niya ako sakanya. Yiieeee!! Kinikilig ako!

"Ako din nagpareserve nito kaya wag ka ng makulit." Sabi niya at lalo pa kong nilapit sakanya. May ganto pala siyamg side?

Nilapit pa niya ako sakanya at bumulong...




I love you..

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hope you like it!


☆gabitaaa27☆

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon