{ 11 }

1.8K 68 3
                                    

{ 11 }

Pagod akong napabagsak sa couch namin pagkauwing-pagkauwi ko galing sa filming. Pumikit ako bago ko hinilot ang sentido ko na parang namimitig na talaga dahil sa pagod.

"Bagsak ka ah?" Puna ni Minji na kalalabas lang mula sa kwarto niya. Umupo siya sa tabi ko at hindi na nag-abala pang buksan ang TV. "Gusto mo na bang kumain? Nag-text si Bom, pauwi na raw siya. She brought some food pero may binili rin ako kanina so you can eat that muna."

I tiredly smiled at her before shaking my head. "Nah, I'm good. Hintayin na lang muna natin sila." Sagot ko.

"How was the filming?" She suddenly asked. Napalunok naman ako. "Is everything okay?" She added, measuring my reaction.

"It was good. Wala namang naging problema sa filming." I answered. Hindi naman ako nagsinungaling because technically speaking, wala naman talagang problema sa filming. Sa aming dalawa ni Jiyong nagkaproblema.

Mahigit isang minutong hindi sumagot si Minji bago siya muling nagsalita. "Chae texted me." Banat muli niya. Kinabahan naman ako agad. Of course, Chaerin works at KBS! Not only that, ang department pa nila ang nagha-handle ng news! Lihim akong napailing. How could I possibly think na maitatago ko sa mga kaibigan ko ang nangyari kanina?! You're stupid, Dara.

"R–really?" Utal kong sagot. "Anong sabi niya?"

Minji eyed me before speaking. "Do you really think you can fool me– us, with that act of yours?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "Dee, kahit na hindi sa KBS nagtatrabaho si Chae, may internet kami! May TV tayo! Alam mo bang nag-number one sa Naver kanina si Kwon Jiyong at may mga pictures pang lumabas?!" Umiling-iling siya. "Goodness gracious, buti na lang at walang malinaw na picture mo!"

Nakagat ko ang labi ko. "Wala naman kaming ginagawa–"

"Hindi naman sa gano'n, Dara!" Putol niya sa sasabihin ko. "It doesn't matter kung may ginawa man kayo o wala eh, my point is sana hindi ka na lang sumama!" Tinitigan niya akong maigi. "Sige, paano na 'yan ngayon? At some point, magre-resurface 'yung past ninyo ni Kwon Jiyong. Siyempre, may mga dati kayong kakila– classmates, schoolmates– na maglalabas ng history ninyo 'pag nagkataon." Minji sighed before shaking her head. "Nag-aalala kami sa'yo, Dee. For now, the best you could do is contain the information about you and Kwon Jiyong as much as possible."

"Minkki, alam ko naman 'yan. When I accepted the project, alam kong hindi malayong mangyari lahat ng sinasabi mo ngayon."

"Then what's your plan?!"

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. "Look, I don't see the need to come up with a plan, Minkki. Kung malaman man ng mga tao 'yung past namin ni Jiyong, wala na akong magagawa do'n. Besides, sa inyo na rin paulit-ulit na nanggaling, past na 'yun. Tapos ng mangyari." I looked at her intently. "Kaya sana 'wag kayong mag-alala ng ganyan because I want to reassure you guys that you don't have to. There's nothing to worry about."

Minji pursed her lips but didn't answer. Maya-maya lang ay may narinig kaming pagbukas ng pinto. Sabay kaming napalingon at nakita namin sina Bom at Chaerin na sabay pumasok.

"Hey," bati nila nang makita kaming nakatingin. "Kanina pa ba kayo?"

"Medyo." Sagot naman ni Minji. "Halos kararating lang din ni Dara."

Tumango-tango silang dalawa at agad na nagsuot ng tsinelas pagpasok. "Ahhh I'm so hungry!" Reklamo ni Bom. "I had so much to do at work. Parang gusto na akong lunurin ng boss ko!" Nanggagalaiting sumbong niya habang nilalapag ang pagkaing dala niya sa mesa.

China Doll [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon