{ 13 }

1.7K 81 15
                                    

Hi guys! Tanong ko lang, may alam ba kayo na marunong gumawa ng story poster na tumatanggap ng requests? I suck at editing so yeah hahaha. Please do PM me if you know someone! Kamsaaaa! ^^ -X

P.S. And oh, happy 2k reads! Thanks, guys!!!


{ 13 }

Mahigit isang minuto lang akong nakatitig sa kanya habang magkasalubong ang kilay ko. "Ano?" I finally spoke after the silence. "Nababaliw ka na ba hoy?" Nakahalukipkip na dagdag tanong ko.

Seryoso pa rin ang mukha niya. "I'm not going crazy."

Hindi ko na maintindihan kung anong klaseng ekspresyon na ang nasa mukha ko ngayon. Hindi ko na rin alam kung saan ako hahagilap ng sasabihin ko sa kanya. His offer of friendship came out of nowhere! I... I don't understand how things took a turn to this. "Pa'no mo naman ako tutulungan, aber?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. I'm not even sure if I could take him seriously! Paano kung isa lang 'to sa mga paglalaro niya dahil wala siyang magawa? Damn Kwon.

"I'll be your friend, miss." Diin niya. "Ano bang ginagawa ng mga kaibigan? Tinutulungan ang kaibigan niya sa kung anumang bagay."

"Pass." Sagot ko bago siya tinalikuran at dumiretso ako muli sa kitchen para maghanap ng makakain. I don't understand Jiyong at all!

I busied myself searching for food but I was surprised when Jiyong suddenly grabbed my arm and turned me to face him. Sinubukan kong pumiglas mula sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Why are you refusing me?" Tila nagtataka pang tanong niya. Para bang hindi siya makapaniwala na tinatanggihan ko na siya ngayon.

"Because you don't make any sense!" Bulalas ko.

"You never refused me before..." Pabulong niyang sabi at parang lalo lang nasilaban ang inis ko.

"Well, I was stupid before!" I shot back. I can't believe he brought that up! Tss. Siya nga 'tong may gustong mag-apologize dahil sa kagaguhan niya tapos bigla niyang sasabihin 'yon?!

Nakagat niya ang labi niya at tumingin sa akin gamit ang mapupungay na mata. If I was the Dara in the past–his personal china doll–I'd probably give in in a snap without ever questioning him.

Pero kagaya nga ng nasabi ko na, hindi na ako 'yun. Natuto na ako at wala na akong balak magpa-uto muli sa kanya. "Jiyong tigilan mo na 'ko, please?" Pagod kong sabi. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya paaalisin.

Para namang magic words ang sinabi ko at binitiwan niya na ang braso ko. "I–" Simula niya pero bigla siyang napatigil na parang hindi siya makaapuhap ng sasabihin. "I just want to be your friend, Dara."

Napalunok ako. Damn, why the hell am I starting to have second thoughts about this?!

"I swear I won't do anything to harm you." Dagdag pa niya. "I can't go to sleep peacefully while your words replay in my mind."

Tinitigan ko siya. I was trying to measure his sincerity and was hoping to detect falseness but I failed. Sa itsura niya, mukhang seryoso siya sa sinasabi niya pero may trauma pa ako mula sa huling mga pangako at salita niya kaya naman hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya ngayon.

I took a deep breath before speaking. "Why now, Jiyong?" Naguguluhan kong tanong. "Bakit ngayon lang?" Paulit-ulit kong iniling ang ulo ko bago pagak na natawa. "That was forever ago. Tapos ngayon mo lang na-realize na Wow, I was a jackass to that girl?"

Binitiwan niya ang braso ko at ginamit ang kamay niyang iyon para guluhin ang buhok niya bago siya tumingin sa iba. "Because honestly, I already forgot about you!" May kalakasang sabi niya at para akong sinapak sa sinabi niya. Here I was, hindering myself from success for years because I was afraid to run into him, and here he says that he already forgot about me? Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko yata matanggap.

"Yes, I was an asshole to you. And yes, na-guilty ako tungkol do'n. Pero the moment I stepped out of high school, I was in for a bigger world. I was thrown into showbiz and rose to fame. Years passed, Dara, I hope you won't blame me for forgetting." Napabuntong-hininga siya. "And then I saw you on that auditions. Aaminin ko, hindi na talaga ako nakapag-concentrate sa ibang mga nando'n no'ng naalala ko kung sino ka. Then I met you on the bar. And eventually, here we are. You told me all those things in the restaurant and it dawned on me how hurt and traumatized you must be from what I've done." Lumunok siya ng ilang beses bago niya ako natingnan sa mga mata. "I'm more mature now, at ngayon ko lang naintindihan kung bakit galit na galit ka sa akin. May karapatan kang magalit, Dara, pero sana bigyan mo 'ko ng pagkakataon." Pagtatapos niya.

Sa hinaba-haba ng sinabi niya, hindi ako makapag-desisyon kung ano ba ang tamang isagot. Naiintindihan ko na oo, posibleng nakalimutan niya na nga ako. I was right in my prediction when I first saw him again in the audition. What I just don't understand is why is there some sort of pain in my heart when he finally admitted to it? Hindi ba dapat ngang matuwa ako kasi finally, after all these years, mas pinatunayan niya lang sa'kin na isa nga siyang malaking gago? Pero bakit hindi ako natutuwa?

Bakit may kirot sa dibdib ko habang sinasabi niya lahat 'yun?

"Dara?" Tawag niya na nagpabalik sa ulirat ko.

Tumaas ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang mukha niya na parang naghihintay ng sagot mula sa akin. I bit my lower lip too hard that I thought it would bleed.

"Fine." Sabi ko. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Let's start over and be friends. I'm Park Dara."

Maybe this is the right time to finally bury the hatchet.

His smile widened and I saw a glimpse of the Kwon Jiyong I loved in the past. Agad ko namang pinagalitan ang sarili ko sa pag-iisip no'n. Hindi tamang isipin ko 'to. We're starting over. Hindi tamang mahalin ang isang Kwon Jiyong.

Sa pagkagulat ko ay hinila niya ako palapit sa kanya at saka ako niyakap ng mahigpit. "Thank you so much, miss," bulong niya sa akin pero ramdam ko ang kasiyahan niya.

Hindi ko na napigilan ang sariling ngiti na umusbong sa'kin. "You're welcome, Ji."





China Doll [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon