{ 12 }

1.5K 75 18
                                    

Happy new year, guys! More Daragon, more fun this 2016 hihi! ♡♡♡ -X


{ 12 }

Sobrang boring dito sa bahay. Wala man lang akong magawa. Alam kong dapat na sinusulit ko 'to dahil bukas, balik-trabaho na naman kami pero hindi talaga ako mapakali. Parang hindi na sanay 'yung katawan ko na walang ginagawa.

Sa boredom ko ay nag-check na lang ako ng email ko. May nakita akong ibang mails mula do'n sa mga kakilala kong modeling agents. Halos lahat ay kino-congratulate ako dahil finally nga raw ay nakuha na ako bilang lead actress. Napangiti naman ako at isa-isa silang nireplyan bago ako muling bumalik sa panonood ng TV.

Katatapos lang ng isang morning drama at biglang may pumasok na news report. "Breaking news! Actor Kwon Jiyong's stance on the recent rumors unfolding about his personal life!" Bungad ng babaeng newscaster.

Ipinakita sa TV ang footage na naglalakad si Jiyong. He was in Gimpo Airport according to the newscaster, so most probably, domestic lang 'yung flight niya. He was crowded by a number of journalists and press people at halatang nahihirapan pa rin siya kahit na maraming mga bodyguards ang nakapalibot sa kanya.

"Kwon Jiyong-ssi, totoo bang girlfriend mo ang babaeng kasama mo kahapon?!"

"Jiyong-ssi, ano ng status ninyo ngayon ni Yoona-ssi?"

"What does the girl mean to your relationship with Yoona-ssi?"

Biglang huminto si Jiyong at hinarap ang press people. "The girl I was with yesterday was one of my co-stars in my new project. I hope people will stop speculating anything more from us. Thank you." Huling sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob kaya naman hindi na siya tuluyang nasundan ng mga interviewers.

Bumalik ang mukha ng newscaster. "Up to date, Kwon Jiyong is working on the Korean remake of the Taiwanese drama and Japanese manga Devil Beside You, kung saan kasama rin niya si Im Yoona at ang modelong si Jang Kiyong. The female lead for this project is Park Dara, a new actress."

Napalunok ako nang binanggit ang pangalan ko. Ito yata ang unang pagkakataon na nakita ko ang sarili ko sa showbiz news at talaga namang si Jiyong pa rin ang dahilan. Nagulat pa ako nang makita ko si Director Kim na ini-interview din. "Park Dara-ssi is indeed Kwon Jiyong-ssi's partner in the project. Nag-lunch break lang sila at nagkataon na busy ang lahat dahil first shooting day namin kaya pinauna na namin sila. We didn't expect that this kind of chaos will happen." Umiling-iling pa si Director Kim. "Dara-ssi is new in the industry but she's a great actress. I hope everyone will wait for her performance in Devil Beside You." Pagtatapos niya bago muling bumalik sa newscaster ang video.

Nag-flash ang mga lumang pictures ko mula sa mga dati kong print ads habang nagsasalita ang babae tungkol sa mga past engagements ko. Nakagat ko na lang ang labi ko. "Surely, viewers will be excited to see the chemistry between Jiyong-ssi and Dara-ssi." Huling sabi ng newscaster. "Again, I am Park Yoora for MBC News."

Nagtapos ang news feature pero nanatili akong nakatunganga sa TV kahit na hindi ko na naiintindihan kung ano ang ipinalalabas do'n.

Napatalon pa ako mula sa kinauupuan ko nang biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko itong hinagilap sa gilid ko at nagtatakang tiningnan ang unregistered number na tumatawag sa akin. Ayoko sanang sagutin pero baka mahalaga kaya naman in-accept ko.

"Hello?" Sagot ko.

"It took you six rings to answer the phone, miss. Dapat isa lang 'yan next time." Sagot ng isang pamilyar na boses na agad ipinanlaki ng mga mata ko.

"JIYONG?!" I exclaimed in surprise. "Paano mo nalaman 'tong number ko?!"

I heard him chuckle on the other line. Tss, papogi na naman 'tong isang 'to! "Secret," nang-iinis na sabi niya. "C'mon, let's go."

Nagsalubong agad ang kilay ko sa narinig ko. "Anong let's go?! Let's go mo mukha mo uy! Tigilan mo nga ako!" Dire-diretso kong sinabi bago tinapos ang tawag.

"Tss," nasabi ko. "Akala mo kung sinong makapag-utos 'to."

Hindi na ako nagulat nang mag-ring uli ang phone ko. Siyempre, papayag ba naman 'yung mayabang na 'yun na siya ang pinagbabaan ng linya at hindi siya ang nagbaba?! Tss. Pero siyempre, hindi rin naman ako tanga para sagutin pa muli ang tawag niya kaya hinayaan ko lang na mag-ring ng mag-ring ang phone ko.

Napaka-childish, pero hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa akong isipin na naiinis ko siya. Mwahahaha!

Nakangisi pa ako habang sumasayaw-sayaw ng naka-pajama sa kitchen habang naghahanap ako ng snacks. 10 AM pa lang at halos kakakain ko lang ng breakfast pero dahil sa sobrang bored ko, naghahanap na naman ako ng pwedeng kainin.

Nagulat pa ako nang biglang may mag-doorbell sa pintuan namin. Mabilis akong tumakbo papunta roon at sumilip muna sa peephole katulad ng palaging bilin ni Chaerin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang huling tao sa mundo na gusto kong makita. Nakasuot siya ng cap at mask at para bang inip na inip na sa kahihintay.

Mabilis pa sa alas-kwatrong napabukas ako sa pintuan nang makita ko ang kapitbahay namin na nagtatakang nakatingin sa lalaking paulit-ulit na pumipindot ng doorbell sa amin. Kilala ko naman si Gummy unnie at alam kong mabait siya pero mahirap na.

"Miss–" Agad kong pinanlakihan ng mata si Jiyong para tumahimik na siya bago ako sumilip sa likod. Napahinto na rin pala sa paglapit si Gummy unnie nang makita niyang binuksan ko na ang pinto. "Dara! Andyan ka pala." Natatawang komento niya. "Akala ko wala kayong magkakaibigan dahil kanina ko pa napansing nakatayo 'yung lalaki sa harap ng pinto ninyo."

Awkward akong napangiti. "Ay unnie, malakas lang po kasi 'yung sounds ko sa loob kaya 'di ko agad narinig," pagsisinungaling ko. "Sige unnie, good day!"

Ngumiti pabalik si Gummy unnie at magsasalita pa sana pero agad ko nang hinila si Jiyong papasok sa loob ng apartment namin. As soon as I closed the door, para akong nauupos na kandilang napasandal sa pinto.

"Malakas daw ang sounds," basag ni Jiyong sa katahimikan at agad ko siyang tinitigan ng masama.

"Bakit ka ba nandito?! Paano kung may nakakita na naman sa'yo?!" Nanggagalaiti kong tanong pero walang pakialam lang siyang nagkibit ng balikat atsaka pumasok sa loob. Umupo siya sa sofa namin. "Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng maiinom?"

Inis na nag-martsa ako palapit sa kanya. "Ano bang kailangan mo?!"

Sa pagkagulat ko ay humalakhak lang siya habang hinuhubad ang cap at mask niya. "Lagi kang high blood, miss," tudyo niya na mas lalo ko lang ikinainis. Tadyakan ko 'to sa Han River eh! Tingnan natin kung mabwisit mo pa 'kong ganyan.

"Hoy Kwon hindi ako nakikipaglokohan sa'yo ah. May issue na nga dahil do'n sa nangyari kahapon ta's pa-cute ka pa ngayon dito?! Paano na lang kung may nakakilala sa'yo, eh 'di yari na?!"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tiningnan niya lang ako. Nakipagsukatan ako ng titig pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapalunok. Damn, why does his stare has to be freaking intense?! Para akong naeewan!

"H–hoy!" Nauutal kong tawag. Ughhhh damn, bakit ako nauutal?! "Ano nga sabing kaila–"

"I know that countless apologies won't be enough for what I did, but I want to make this right." Putol niya sa sasabihin ko. "Alam kong hindi ko na 'yun mababago but allow me to help you."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Help me?"

"Let's be friends, miss."


China Doll [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon