{ 14 }

1.6K 77 8
                                    

Welp, new cover! Thank you, Bunny_Heart12! :)) -X


{ 14 }

"DARA!" Maligayang salubong sa akin ni Kiyong pagkababang-pagkababa niya mula sa van niya. Nasa shooting location kami ngayon at well, isa ako sa mga naunang dumating kaya naman nakatambay lang ako sa labas ng tent habang nagse-set up 'yung staffs. Maaga-aga pa rin naman kaya naisipan kong mag-reread na lang muna ng script habang hinihintay silang dumating.

Ngumiti ako at tumayo nang makita ko siyang papalapit. "Kiyong!" Tawag ko pabalik.

Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin. "I missed you!" Sabi niya bago siya humiwalay sa akin. Alam kong pinagtinginan kami ng mga staff pero dahil sanay na naman sila sa ugali ni Kiyong, hindi na nila kami pinansin. "Are we good?" Nag-aalalang dagdag niya.

Napakunot naman ang noo ko. "Why are you asking me that? Hindi naman tayo nag-away, ah."

Humalukipkip siya atsaka ngumuso. Gusto ko sanang matawa dahil sa sobrang childish niya pero pinili kong magseryoso. "Well, parang hindi kasi naging mabuti 'yung paghihiwalay natin no'ng isang araw. What with all that happened between you and Jiyong, so..." He shrugged. "I naturally thought you were mad at me kasi kung hindi ka nainis sa'kin–"

"Kiyong." I cut him off. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo kasalanan 'yung nangyari? And for the record, I'm not mad at you. I've never been mad at you about what happened last time. Hindi mo naman alam na may gano'n." Paliwanag ko.

"Okay," tango niya. "But promise me we'll eat lunch together this time! Magpapabili na lang tayo mamaya tapos sa tent na lang tayo kumain, okay?"

Mabilis akong ngumiti at tumango para sumang-ayon. "Okay."

"That's good!" Ngisi niya. He patted my head like he always does when we saw two vans approaching our location. "Sila Yoona ba 'yan?" Tanong niya.

Sabay na huminto ang dalawang van. Nakita ko agad ang pamilyar na manager ni Yoona na bumaba para pagbuksan siya mula sa unang van habang sabay namang bumaba sina Soonho oppa at Jiyong mula sa sumunod na sasakyan.

I do admit that I feel sort of weird to see him now. Well, kahapon lang kami huling nag-usap at napagusapan na namin na magsisimula kami uli sa umpisa pero hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon. Jeez, one hug from him and I'm suddenly losing my mind.

"Good morning!" Yoona cheerfully greeted everyone. Nagkanya-kanyang sagot naman ang mga staff. Nang mamataan niya kami ay malaki ang ngiti na nilingon niya si Jiyong at sinenyasan na lumapit bago siya pumunta sa lugar namin ni Kiyong. "Hello, guys!" Bati niya.

"Hi, Yoona." Sabay naming sagot ni Kiyong. Hindi naglipat-minuto ay si Jiyong naman ang lumapit sa amin.

"Good morning, Jiyong!" Bati muli ni Yoona na tinanguan lang ni Jiyong bago napunta sa akin ang tingin niya. "Hey, miss." He smugly greeted with a slight smirk.

Napalunok ako bago nakasagot. "Uy." Tangi kong nasabi. What the heck Dara?! "Uy?!" How original of you!

Jiyong chuckled and I couldn't help but to glare at him. "You seem eloquent this morning, Dara." Pang-aasar niya pa.

"Wow," putol ni Kiyong sa usapan namin habang nakangisi. "When did the two of you get so close?"

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Kiyong. What would I tell him, anyway? That Jiyong and I knew each other from way back and he cheated on me which hurt me big time but now we chose to end the drama with a truce and friendship?! That was a mouthful, and I'm not in the mood to explain.

"Here and there." I vaguely answered with a nervous laugh.

Hindi sinasadyang napatingin ako kay Yoona at nakita ko na nakapako sa akin ang tingin niya. I awkwardly smiled at her which she returned with a small smile herself pero hindi niya pa rin tinatanggal sa akin ang titig niya. Ugh, what is this?! Baka iniisip niyang may kakaiba sa amin ni Jiyong!

"Anyone wants some coffee?" Biglang offer ni Kiyong nang hindi na niya matagalan ang katahimikan sa pagitan naming apat. "I brought a thermos and some cups."

"Can I have one, please?" Si Yoona. Umiling naman ako. I already drank a cup while waiting and I'm not craving for another one.

"Alright. You, Jiyong?" Baling ni Kiyong sa kanya.

Sasagot na sana si Jiyong nang unahan siyang magsalita ni Yoona. "Ji, just accompany Kiyong. For sure hindi niya madadalang mag-isa 'yung tatlong coffee cups, 'di ba?" Halata sa mukha ni Jiyong na gusto sana niyang umalma nang malambing na kumapit si Yoona sa braso niya. "Please, for me?" She said in a cutesy voice and it was all I could do not to vomit.

"Fine." Tanging naisagot na lang ni Jiyong bago siya umalis para sundan si Kiyong pabalik sa van nito. Doon niya yata iniwan 'yung thermos niya.

"He's sweet, 'no?" Biglang banggit ni Yoona. She might have noticed the confusion in my face because she melodiously laughed before clearing up. "Jiyong, I mean."

So sweet na 'yun sa'yo? I wanted to answer. Eh pinilit mo pa nga 'yung taong sumama para lang sa kape, gusto ko sanang sabihin but I kept my mouth shut. Mababaw ang ngiti ko bago ako tumango. "Yeah. Close talaga kayo 'no?"

Mas lalong lumaki ang ngiti niya habang nakatitig sa likuran ni Jiyong na ngayon ay sinisimulang salinan ang coffee cup na hawak ni Kiyong. "Well, Jiyong is easily misunderstood no'ng mga taong hindi siya kilala. They think he's this cold womanizer, but he's not. I know him, Dara, and he's got this soft side na pinapakita niya lang sa mga taong mahahalaga para sa kanya... para sa mga taong mahal niya." Malalim ang titig niya sa akin nang magpatuloy siyang magsalita. "Minsan, I do admit na may mga babae siyang nabobola. Ayun, umaasa sa kanya. And I don't want to defend his wrongful ways, pero hindi kasi nila kilala si Jiyong. He's not someone you can get in a snap like that."

Now this is awkward. Why is she telling me this? As far as I'm concerned, wala naman akong pinakitang dahilan para maging ganito siya sa akin. She's acting as if we're on the court and she's the lawyer while I'm the hostile witness! Jesus, may pinakita ba akong interes kay Jiyong which she somehow picked up wrongly?

"Yeah, well..." I stalled. "You must be happy that you have him."

Malambing ang tawa niya at napansin ko na papalapit na sina Jiyong at Kiyong. Napakagat na lang ako ng labi ko at hindi na nagsalita pa. "Yeah, I'm lucky to have him." Tiningnan niya si Jiyong na ngayon ay nasa tabi na niya at inaabot sa kanya ang isang cup. "Aren't I, Ji?"

"Aren't you what?" Tanong naman ni Jiyong.

"Lucky to have you."

Kiyong's eyebrows shot up and he whistled while laughing habang tila kinikilig pang napasandal si Yoona kay Jiyong. And me? I have no idea how to react, especially because Jiyong's brown eyes were trained on me after Yoona said that.

"Yeah," tumango-tango siya at sumimsim mula sa coffee cup niya habang nakatingin pa rin sa akin. I was fidgeting under his scrutiny but it didn't seem to affect him one bit. "You're lucky to have me."

What the hell, Kwon Jiyong?




China Doll [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon