{ 17 }

1.6K 71 8
                                    

{ 17 }

Tahimik na natapos ang dinner namin. Hindi siya kumikibo kaya hindi na rin ako nagsalita dahil baka siya naman ang hindi ko matantya. Aba, ano 'yun, bigla siyang magta-tantrums sa akin nang hindi ko nga alam ang dahilan?! Siraulo, bwisit. Halos hindi ko tuloy ma-enjoy 'yung pagkaing nakahanda. Gutom na gutom ako pero kapiranggot lang ang nakain ko kakaisip sa kung ano bang posibleng nagawa ko para magkaganyan siya.

"Tapos ka na?" Kauna-unahang sabi niya sa akin pagkatapos niyang mag-inarte. Lihim akong napaismid pero kinontrol ko ang sarili ko dahil baka pagsisihan ko na naman 'yung mga sasabihin ko. Pansin ko nga, palagi akong nawawalan ng kontrol sa paligid nitong si Jiyong, at hindi maganda 'yun.

"Oo." Tipid kong sagot atsaka inabot sa kanya 'yung pinggan ko. Kinuha niya naman ito at walang salitang pumihit para pumunta uli sa kitchen.

Napahinga ako ng malalim para makontrol ang inis ko. Nawiwindang na talaga ko sa lalaking 'to! Ano ba talagang problema niya?! Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin agad kung meron para hindi ako nagkakaganito!

Matapos ang ilang saglit ay nilabas niya uli ako. "Hatid na kita?" Malamig pa ring tanong niya.

Kinagat ko ang loob ng pang-ibabang labi ko atsaka nagpeke ng ngiti. "Hindi, okay na. Uuwi na akong mag-isa."

"Da–" Magpoprotesta pa sana siya pero inunahan ko na siyang magsalita. "Okay lang talaga. Baka may makakita pa sa'ting magkasama, mas mahirap na." Sabi ko atsaka tumayo at naghandang umalis. Buti talaga nasa bulsa ko 'yung phone ko, kung hindi lagot na talaga ako. Dahil nga bigla na lang akong binitbit ni Jiyong sa kotse niya, ni hindi ko na nakuha 'yung bag ko.

"May dala ka bang pera? 'Di ba naiwan mo 'yung bag mo kay Jjangmae hyung?" Kunot ang noong tanong niya habang sinusundan ako papunta sa pintuan ng unit niya. Sinusuot ko na 'yung sapatos ko no'ng hinawakan niya ang balikat ko at pinilit akong ipihit paharap sa kanya. "Dara naman."

I can't help but to snap at him. "Anong "Dara naman" ka d'yan?!" Iritadong tanong ko. "Daig mo pa babae sa mood swings mo, Kwon! Kanina, maayos naman tayo tapos pagdating dito sa unit mo, bigla ka na lang hindi kumibo! Daig mo pa Antarctica sa pagka-cold ng treatment mo sa'kin! Kung ayaw mo sana akong pakainin, sana hindi mo na ako binitbit dito! Makakabili naman ako ng sarili kong pagka–"

"Hindi naman kasi 'yun eh!" Putol niya sa sasabihin ko.

Mas lalo lang lumalim ang kunot sa noo ko. "O sige, anong dahilan mo? Hindi na talaga kita naiintindihan eh." Prangka kong balik-tanong sa kanya.

Sa halip na sumagot ay tumitig lang siya ng matagal sa akin. I can't help but swallow as I faltered with my words. "A–ano ba Jiyong."

"I... I don't know." He suddenly spoke, looking infuriated as he ran a hand on his hair. "Hindi ko rin naiintindihan kung bakit ganito ako."

I stared at him, dumbfounded. Bakit ba bumibilis ang tibok ng puso ko sa harap niya? Bakit ba umaasa na naman ako kahit na wala naman talagang dapat asahan?

Mapait ko siyang nginitian. "Alright." Sagot ko na lang sa kawalan ng masasabi. Mabibilis ang hakbang ko palabas sa condo unit niya. It feels as if the walls were closing in around me and I'm slowly suffocating. I don't understand why I'm feeling this disappointed in him.

Nasa ground floor na ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Nang mapansin niya ako ay parang gulat na nagtataka siya. "Dara?" Patanong na sabi ng mabining boses ni Yoona.

"Yoona."

"W–wait, what are you doing here?" Nakakunot ang noong tanong niya, nang bigla siyang mapapikit ng ilang sandali. "Jiyong." She whispered to herself as a confirmation and not a question anymore.

My feelings were in chaos. Anong ginagawa ni Yoona rito? Dito rin ba siya nakatira? O... Parang may mabigat na ipinatong sa dibdib ko sa huling naisip ko.

"Excuse me," mahina kong sabi pero sa halip na paraanin ako ay hinarang ako ni Yoona. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang awa sa mga mata niya na lalo lang ikinasikip ng dibdib ko.

"Look, Dara, alam kong hindi tayo masyadong close." Panimula niya. "Pero I know you're a kind person. Siguro ganyan ka dahil una, baguhan ka pa lang sa industriyang ito at pangalawa," mataman niya akong tinitigan. "May past kayo ni Jiyong."

Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko. Paano... paano niya nalaman?

"Oh, don't be so surprised." Kunwa'y tawa pa niya. "Jiyong and I share everything with each other, Dara. Ilang taon na kaming magkadikit ni Jiyong at alam ko rin kung anong nagawa niya sa'yo noon. Inaamin ko, his behavior back then is inexcusable. Hindi ka niya dapat sinaktan ng ganoon. Kaya naman ngayon, kinaibigan ka niya, hindi ba?" She looked me as if waiting for confirmation but I didn't answer. Nagpatuloy siya. "I can assure you, kung anuman ang mga pinaparamdam at ginagawa sa'yo ni Jiyong ngayon, it's his guilt talking. Ayoko sanang ako ang magsabi nito sa'yo but push already came to shove and I don't want you to get hurt." Akmang hahawakan niya ang balikat ko pero agad ko itong iniwas. I can't take being touched by her. Nagkibit-balikat lamang siya. "As I've told you before, Jiyong plays with a lot of women. Hindi ko siya pinipigilan dahil alam kong sa huli, sa akin pa rin siya mapupunta."

Hinawakan niya ang baba ko atsaka muling nagsalita. "Look now, didn't you come from his place? But guess who's spending the night there, Dara?" Huling bulong niya atsaka ako nginitian ng matamis bago sumakay sa elevator.

Para akong naparalisa sa sinabi niya. Of course, it makes sense. Baka kaya nga biglang pumangit ang mood ni Jiyong ay dahil nalaman niyang darating si Yoona at indirectly, gusto niya lang iparamdam sa akin na dapat na akong umalis dahil ayaw niyang direkta akong ma-offend.

But what the heck was the scene on the door all about?! Makulit na tanong ng isang parte ng utak ko.

It's his guilt talking, I guess. Katulad ng sinabi ni Yoona. Ni Yoona na kasalukuyang paakyat sa unit niya at magpapalipas doon ng gabi.

Mapait akong napailing atsaka mahinang natawa ng pagak. Of course, it all fucking makes sense, huh?

"Should I be concerned?" May nagsalita sa likod ko. Marahas naman akong napalingon at nakita ko si Ilwoo sunbae na nakatayo roon at nakangiti. I was surprised when his smile suddenly turned into frown. "Why are you crying, Dara?"

Nagulat pa ako sa tanong niya at wala sa loob na lumipad ang kamay ko sa pisngi ko. True enough, I was crying. Why am I even shedding tears for him? For a guy like Kwon Jiyong when all he ever did was hurt me, then and now.

Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko atsaka nagpaskil ng pekeng ngiti sa labi. "Wala, sunbae. Just... I saw something sad kaya napaiyak ako."

Ilwoo sunbae looked skeptical but he only nodded. "Okay." Sabi niya atsaka muling ngumiti sa akin. "Have you eaten?" Tanong niya atsaka itinaas ang isang plastic bag na punong-puno ng groceries. "I was hungry but when I checked my fridge, hindi pa pala nakakapag-grocery. So, here." He shrugged.

Pinindot na niya ang elevator atsaka pumasok sa loob. "Come on, I'm in the mood to cook." Paanyaya niya pa muli atsaka ako hinila papasok sa loob bago pa ito magsara.


China Doll [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon