{ 21 }

1.7K 82 11
                                    

{ 21 }

Nairaos namin ang filming kanina pero hindi ko talaga mapigilan 'yung mga ngisi na gustong-gusto kong ipaskil sa mukha ko. Jiyong kept on looking at me even though we weren't together in the scene and I can't help the giddiness which blossoms in my heart. Wala pa kaming maliwanag na napag-usapan kung ano na nga ba kami ngayon, pero... I'm satisfied. I'm happy with this.

I was watching Jiyong film his scene when someone nudged me with an elbow. Gulat pa akong napalingon at nakita ko si Kiyong na marahang sumisimsim ng kape habang tinitingnan ako. Ni hindi ko namalayan na naitabi na pala niya sa akin 'yung sarili niyang upuan sa sobrang occupied ko sa panonood kay Jiyong. "Lupit tumitig ah. Baka matunaw 'yan, Dara." Tudyo niya at mabilis ko namang naramdaman ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Baliw," wika ko sa kawalan ng masabi. Masyado bang obvious na may pagbabago? Ganoon ba talaga kadaling mahalata na may nangyari para mag-react ng ganito si Kiyong?

Iiling-iling siyang humalakhak. "Dara, Dara, Dara... Napakahalata ng mga palihim ninyong pagtitinginan ni Jiyong. Sa tingin ninyo ba, nagtatago kayo sa lagay na 'yan?" Ngumisi siya. "Because if yes, then the two of you are doing a shitty job at hiding whatever it is that you're trying to conceal."

"Wala namang dapat itago, Kiyong." Diretso kong sagot bago ibinalik ang tingin ko sa eksena. I saw Jiyong glanced at us and his forehead creased a bit but he wasn't able to say anything more when Director Kim called out his attention.

Totoo naman. Wala namang dapat itago dahil wala naman kaming napagkasunduan ni Jiyong. We just admitted that we liked each other, that's all. Sa ngayon, ayoko rin munang isipin ang magiging reaksyon ng iba sa amin. Lalo na ang maiisip ng mga kaibigan ko. I know how much Chaerin and the others don't want him for me because they think he's bad for me. Naiintindihan ko sina Chae pero sa ngayon, gusto ko ring hingin ang pang-unawa nila.

"Aba!" Tawa ni Kiyong. "Baguhan ka ba talaga? Showbiz na showbiz na agad 'yung sagot mo eh!" Patuloy pa ring panloloko niya.

Hindi ko na napigilang matawa. "Eh ikaw, artista ka ba talaga o paparazzi talaga 'yung trabaho mo? Lakas mong umamoy ng tsismis eh!"

His eyes comically widened and pointed at me, as if he just discovered something monumental. Nangunot ang noo ko at hindi ko maintindihan kung matatawa ba ako o ano sa itsura niya. "Aha! Huli ka na, Sandara!"

"Huli na ano?!"

"Huli na may tsismis ngang dapat maamoy sa inyo ni Jiyong!" May kalakasan niyang sabi at ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata. Agad kong tinakpan ang bibig niya sa takot na baka may makarinig o nakarinig sa sinabi niyang 'yon.

"Siraulo ka ba, Jang Kiyong?!" I hissed.

Sa halip na patulan ang galit ko ay winaksi niya lang ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. "Come on, Dara. Aminin mo na kasi. You won't be this defensive if there really is nothing to hide between the both of you, you know." He logically pointed out.

Napabuntong-hininga na lang ako. Maybe I sort of overreacted. Gumawa lang ng patibong si Kiyong at nahulog naman ako kaya 'yan tuloy, nadulas pa ako. I trust Kiyong, more than I think I did, actually. Isa pa, alam kong isa siya sa mga tunay kong kaibigan kaya imposibleng ilaglag niya ako sa ibang tao.

"Kasi..." Panimula ko sa mahinang tinig.

"Kasi ano?" He prodded as he leaned in closer to hear me better.

"Kasi–" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang message alert tone ng phone ko. Pagtingin ko ay nakita ko na galing kay Chaerin ang message.

From: Chae

I'm sorry :( Let's eat dinner together?

Para namang may humaplos sa puso ko nang mabasa ko iyon. Hindi ko na namalayan na malaki na pala ang ngiti ko habang nagtitipa ng isasagot sa kanya.

To: Chae

It's okay :) See you!

Chaerin's words are harsh. There's no point in denying that. But I know na minsan, nadadala lang talaga siya ng nararamdaman niya. I know that Chae means no harm. If anything, kaya rin naman nangyayari iyon ay dahil sa concern niya sa akin... sa aming magkakaibigan. Kabado ako sa mangyayari mamaya pero nagtitiwala pa rin ako na maiintindihan niya ako.

"Park Sandara naman!" Atungal ni Kiyong sa gilid ko. "Galing mong magpabitin ng kwento eh 'no?!" He whined like a kid.

Napahalakhak naman ako sa akto niya. Masyado akong nadala sa pag-iisip kay Chaerin kaya nakalimutan ko nang andito pala siya sa gilid ko. "Kasi nga–"

Nabitin na naman ang pagsasalita ko nang bigla kaming makarinig ng malakas na "ayieee!" mula sa mga staffs. Sabay pa kaming napaangat ng tingin ni Kiyong at nakita namin na karamihan sa mga staffs ay nasa harapan na namin at lahat sila ay nakangisi. Tapos na pala ang scene nina Jiyong kaya nag-aayos na sila.

"Closer, closer!!!" Sigaw ng isa na agad namang sinegundahan ng iba pa. Doon ko lang napansin na medyo malapit na nga kami ni Kiyong. Personally, hindi naman ako bothered sa ganoong distansya dahil kumportable naman ako sa kanya pero iba na kapag may mga taong nanonood sa amin.

I quickly straightened myself. I know I'm blushing hard right now because of embarrassment, samantalang si Kiyong ay parang wala lang talaga na malaki pa ang ngisi na inakbayan ako. That only intensified the screaming which is why I instantly pushed him away and stood up, pinching his cheeks.

"Dara, mashakit!" Reklamo niya pero sa halip na bumitaw ay diniinan ko lang lalo ang pagpisil sa pisngi niya.

I sweetly smiled at him before finally letting go. Dire-diretso ang lakad ko sa trailer ko kahit na rinig ko pa rin ang pagsasalita ni Kiyong. "Lagot ka sa'kin, Sandara! 'Wag kang papahuli, kundi lagot 'yang pisngi mo!"

Nilingon ko siya at nginitian lang ng malaki bago dumiretso papasok sa trailer. May ngiti pa ring nakapaskil sa labi ko na unti-unting nalusaw nang makita ko si Jiyong na naunahan pa ako sa loob ng sarili kong van, nakakunot ang noo.

"Ji? Ba't andito ka?"

"Bakit sa tingin mo?" Sarkastiko niyang tanong pabalik. "I was looking at you the whole time and all I see is you laughing with that guy? Really, miss? Damn I don't want to be possessive but..." Frustrated niyang ginulo ang buhok niya. I can see his conflicted emotions from where I stand and all I want to do is hug the heck out of him.

Which is what I did. I ran to him wrapped my arms around his torso as I buried my face on his chest. I can feel how fast his heart is beating and I closed my eyes, feeling happy that I am the one making his heart feel like this.

"Dara... I'm supposed to be angry," he weakly muttered, but I felt his arms encircling around me. This feels good. Safe. It never occurred to me in the past that home is not a structure, but rather comes with two arms and a heartbeat.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay mas hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kanya. Naramdaman ko ang mabining pagtaas-baba ng dibdib niya. "Okay, miss." Bulong niya atsaka marahang hinagkan ang tuktok ng ulo ko.

"Hindi talaga kita matiis."

--

A/N: Jealous Jiyong is my weakness :( AND OMG NAKITA NINYO BA 'YUNG SA MOONSHOT <3

China Doll [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon