{ 20 }

1.8K 87 19
                                    

Happy Valentine's Day, guyseeeeu! Please read the A/N below <3  -X


{ 20 }

Mabagal ang paglalakad ko. I was actually thinking how I would act once I see him. Isa pa, ano kayang magiging reaksyon niya 'pag nakita niya ako? Ano kayang naisip niya no'ng nakita niya kami ni Ilwoo sunbae?

Park Sandara, get your head out of the drain! Ano ba sa tingin mo?! Asik naman ng utak ko. Kwon Jiyong has Im Yoona, period. Focus your head on that instead.

Napabuntong-hininga ako. Alam ko naman eh. Alam ko.

"Mukhang malalim problema natin, ah." Untag ng isang tinig. Nagulat pa ako nang mapansin kong nasa tapat na ako ng tent ni Jiyong at si Soonho oppa pala ang nagsalita.

Pinilit kong ngumiti. "Ah, hindi naman oppa." Nagkaroon naman agad ako ng ideya. I pushed forward my hand holding Jiyong's cup of coffee. "Oppa ito 'yung para kay–"

Ni hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko nang biglang tumingin si Soonho oppa sa phone niya at nagsimulang magtipa ng text. When he looked up, he was wearing a sorry look. "Sorry Dara, una na muna ako ha? Hinahanap yata ako ni Director Kim." Nagmamadaling sabi niya. "Bye!" Pamamaalam niya atsaka mabibilis ang hakbang na iniwan akong mag-isa.

Hindi na ako nakahuma. Soonho oppa was gone in the speed of light. Kumunot pa lalo ang noo ko nang makita ko si Director Kim na naglalakad– papunta sa kabilang direksyon ng pinuntahan ni Soonho oppa.

Huminga muli ako ng malalim at pansamantalang iwinaglit iyon sa isip ko. I stepped closer towards the entrance of the tent and briefly closed my eyes. This is it, Dara. Hwaiting! Pagchi-cheer ko pa sa sarili ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. It wasn't really a huge tent so I immediately saw Jiyong sitting down in front of a coffee table, seemingly reading his script. Ako pa ang nabigla nang natabig ko ang isang pares ng sapatos niya na hindi ko napansing nakalapag pala sa sahig. "Hyung simula na ba–" Mabilis siyang napahinto sa pagsasalita nang makita niyang ako ang naroon imbes na si Soonho oppa.

"Hi?" Wala sa loob kong nasabi. I wanted to facepalm myself at my stupidity. Ano ba naman 'yan Dara?! Sa tinagal-tagal mong naghanda, "hi" lang talaga 'yung nasabi mo?!

Pumormal ang ekspresyon sa mukha niya. It was void of any emotions and I don't know how to react. "Bakit ka andito? Nasaan si Soonho hyung?" Malamig niyang tanong atsaka binalik ang atensyon niya sa script na nasa kamay niya– tila ba dekorasyon lang ako na hindi naman karapat-dapat bigyan ng pansin.

Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko pa ba 'yung tanong niya o ano. Mukha lang akong tanga rito habang hawak 'yung dalawang cup ng kape. Pinilit ko ang sarili ko na igalaw ang mga binti ko atsaka ako dumiretso sa gilid ng coffee table. Wala pa ring reaksyon si Jiyong.

Marahan kong inilapag sa table 'yung kape. "Una na 'ko," sabi ko sa maliit na boses at akmang aalis na sana nang magsalita muli siya.

"Para kanino 'yan?"

Napahinto ako sa paghakbang at napatingin sa kanya. This time, he wasn't looking at the script anymore. He was directly looking at me and I can't stop my knees from shaking. "S–sa'yo," I stuttered. I cleared my throat. "Sa'yo 'yan. Pinapabigay ni Soonho oppa."

"Hindi ako nanghingi ng kape–"

"Hindi naman porke't hindi mo hiningi, hindi na ibibigay sa'yo. That's not how life works, Jiyong-ssi. There are people who'd want to give you things even if you're not grateful for them."

China Doll [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon