(30) Seeing Him

70 5 1
                                    


A/N: Hi! Sorry for the late update. Hehehe! Muah! Sorry sa mga typos :*

Chapter 30: Seeing Him

Nasa sasakyan na kami ni Aki ngayon papunta sa bahay nina Luhan oppa. Lahat na ata ng santo natawag ko na. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Wala namang dapat ika-nerbyos.

Iniisip ko na ngayon ang mga bagay na gusto kong itanong kay Sehun na kanina pa gumugulo sa isipan ko.

Where did he go?

Do I need to tell him about the marriage that is arranged for me?

How can I overcome this?

Hindi ko na ata kaya. Sasabog na ang utak ko kakaisip.

Nasapo ko na lang ang noo ko at tinukod ang siko sa aking mga tuhod. Tahimik lang yung mga babaeng kasama ko.

"Kaye, ayos ka lang ba?" Tanon ni Aki habang nag mamaneho.

Bahagya lang akong tumango. Narinig ko na lang syang napa buntong hininga.

"Wala na bang mas ibibilis pa to?" Reklamo ni Athina mula sa back seat. "Siguro kung bumaba ako dito at tumakbo na lang, nakarating na siguro ako sa pupuntahan natin."

"Ikaw na kaya mag drive noh? Oh kaya bumaba ka na lang at tumakbo. Tingnan ko lang kung--"

"Oh, awat na. Awat na." Pagpuputol ni Melanie kay Aki.

"Dapat kasi ako na lang ang nagmaneho eh." Singit ni Yanna.

"ISA KA PA." Sabay-sabay na sabi sa kanya ng tatlo.

"Okay, sorry na. Mapapatawad nyo pa ba ko?"

Napa-iling na lang ako. Nagawa pa nilang magtalo sa harapan ko. Ugh!

Napatitig na lang ako sa cellphone ko. Yung phone na binigay sa akin ni Sehun. Parehas pa kami ng case nito. Ang wallpaper pa din ay ang mukha niya na nakanguso. Naaalala ko na naman ang gabing yun..

FLASHBACK

"Bakit nga pala naisipan mong mag picnic dito ng ganitong oras?" I asked him.

"This place is really important to me. And I wanna spend our first day here."

Muntik ko ng makalimutan, unang araw pa lang naming ngayon bilang TOTOONG magkasintahan. Akala ko matagal na kami. Paano ba naman kasi, parang kilalang kilala ko na siya. Pfft. Bukas nga, aayain ko ulit siyang maglaro ng ganon sa kanina para mas makilala ko pa siya.

Matapos naming kumain ay iniligpit ko na ang mga pinag kainan. Maya't maya naman ang flash ng camera. Meaning, he's taking stolen shots from me. Nakakaasar!

"Sehun, stop it!"

"Nah."

=___=

Kulet eh. Matapos kong isinop ang basket ay inilabas ko din ang cellphone ko. Yung iPhone 5s na regalo ni Sehun. Parehas na parehas kami. Ultimong yung case. Parang pang lalaki tuloy. Wolf kasi ang naka draw. -___-

Ginantihan ko siya at pinicturan ko din. Pero ang mga nakuha kong pictures ay nakatakip ang mukha niya ng cellphone dahil nga parehas kaming kumukuha ng litrato.

"Kaye, I'll stop when you stop."

Anong pinag sasabi niya? Di pa nga ako nakakabawi eh.

"Hindi ah, mauna ka dapat. Ang dami mo kayang nakuhang pictures sakin kanina." Sabi ko na parang luging lugi. Pfft.

"Such a childish." Bulong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon