(9) At Sehun's House

573 29 0
                                    

[ Kaye's POV ]

Isang linggo pa ang nakalipas bago umalis si Sehun sa talyer. Sabi niya ay isang linggo lang daw siya doon, pero nagulat na lamang ako nang andun ulit siya noong lunes. Sinungaling talaga yun kahit kailan! -___-

At ngayon ang unang araw na wala na ulit siya dito. Biglang tumahimik. Wala ng masyadong maraming customer.. wala ng nang iinis sa akin.. wala na akong naririnig na bulol.. wala na akong kapustahan at nanglilibre sa akin ng lunch. Huhu! Makamiss din pala si bulol. :(

Naalala ko na naman tuloy ang pagpapakilala niyang boyfriend ko kay Mommy! Urg! Bakit ko ba iniisip yun? Kinikilabutan ako. :3

~~

Pagod na pagod akong dumating sa bahay matapos ang buong araw na namang trabaho sa talyer.

As usual, sa likod ulit ako dadaan para hindi ako makita nila mommy.

Pero..

"Sino yan?! May tao ba dyan?" Sigaw ng isang babae pagkabagsak na pagkabagsak ng paa ko sa lupa.

Nanlaki ang mata ko.

Dali-dali akong nagtago sa may likod ng puno. Sana po hindi ako makita ni Mommy! Huhuhu! *Cross fingers*

Nang marinig kong tumahimik na ay dahan dahan akong nalakad papunta sa kusina. Nag titiptoe pa ko para hindi makagawa ng ingay.

And finally, narating ko ang kusina ng walang nakakakita sa akin. Hoo!

"San ka galing?" Nanigas ang buo kong katawan nang may marinig akong nag salita sa likod ko.

"A-Ah, dyan lang po sa labas, nagpahangin lang po." Paliwanag ko habang nakatalikod pa din.

"Nagpahangin ka lang, nagka-grasa na ang damit mo?" Ma-awtoridad niyang tanong.

Mariin akong napapikit ng mga mata ko.

Hands down. Wala na akong maidahilan.

~~

"Yaya Rita, bakit hindi mo sinabi sa aking nagtatrabaho pala sa talyer itong si Kaye?! Wag mong sabihing hindi mo napapansin gayong araw-araw naman itong umaalis!" Galit na sermon ni Mommy kay yaya. Huhu! Pati si yaya tuloy nadamay.

"Mom, walang kasalanan si--"

"Shut up!"

Napatungo ako dahil sa lakas ng boses ni Mommy. Buti na lang at wala si Daddy dito, kundi.. mas lalong lagot na talaga! Huhu! Ang tanga ko kasi!

"Sorry po Mam, di na po mauulit." Nakayukong paghingi ng tawad ni Yaya.

"Talagang hindi na mauulit dahil sa isang araw ay ipapadala ko na ng Amerika ang batang yan!" Sigaw ni Mommy.

Agad na napataas ang nakayuko kong ulo.

"NO WAY!" Sigaw ko.

"At tatanggi ka pa! Puro sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa akin! Pati si Yaya ay dinadamay mo sa kalokohan mo!"

Nanginig ang mga kamay ko kaya naitikom ko ito. Nag init din ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Pinayagan na nga kitang hindi mag aral, pagkatapos ay magtatrabaho ka pa sa walang kwentang talyer na yon!"

"Hindi walang kwenta ang talyer na yun Mommy! Sila ang tinuring kong pamilya nung mga panahong wala kayo! Kung tutuusin mas okay pa nga kung andun na lang ako kaysa dito na puro gusto niyo lang ang nasusunod--"

*PAK!*

Napahawak ako sa pisngi ko. Tuluyan na ding tumulo ang mga luha ko.

"Wala kang galang! Wala ka ng ginawang matino babastusin mo pa ako! Hindi kita ganyang pinalaki! Hindi mo tularan ang Ate mo! Napakabait! Samantalang ikaw, kabaligtaran niya! Hindi ka ba nahihiya?! Pwes, ako, nahihiya ako dahil sayo! Ano na lang ang sasabihin ng mga--"

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon