(12) Boyfriend's Role

544 29 0
                                    

[ Kaye's ]

Babe..

Babe..

Babe..

Babe..

Kanina pa nag eecho sa akin ang boses ni Sehun habang sinasabi ang salitang yan. Nananaginip kasi siya nang sabihin niya ito. Sino ang tinutukoy niyang babe?

"Kaye, nandito na tayo."

Nahinto ako sa pag iisip-isip nang magsalita si Sehun sa tabi ko.

"Oo nga, alam ko." Palusot ko para hindi halatang may malalim akong iniisip.

"Bumaba ka na." Utos niya. See? Ang bossy noh?

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse para bumaba. Ganun din naman ang ginawa niya.

"Papasok ka pa ba sa loob?" Tanong ko.

"Gusto mo ba?" Tanong din niya.

"Pwede?"

Ngumisi siya.

"A-Ang ibig kong sabihin.. baka.. kailangan mong magpakita kay mommy. Di ba?" Palusot ko. Bweset kasing bunganga to! Kaasar!

"Ah, baka nga." Nakangisi pa din niyang sagot habang tumatango.

Pakiramdam ko namumula na ako dahil sa sobrang hiya kaya tumalikod na ako para mag doorbell.

Si Yaya Rita ang nagbukas ng gate at agad naman kaming pinapasok sa loob.

"Ano tong mga maleta na to?" Tanong ni Sehun nang makapasok kami sa loob.

"A-Ah, pinapalinis lang siguro ni Mommy." Palusot ko.

Tumango na lang siya.

"Upo ka muna." Alok ko sa kanya.

Umakyat muna ako sa kwarto para ipaalam kay Mommy na nandito na ako, magpapalit na din ako ng damit.

Ang cute pa naman ng jacket ni Luhan. :) May hoody ito na parang may dalawang tenga, yung para bang tenga ng rabbit? Hihi. Cute noh? ^___^

Pero syempre, hinubad ko na ito at nag suot ng damit. Yung damit na komportable ako.

Nang makapagbihis ako ay dumiretso ako sa kwarto nila Mommy.

*Tok Tok*

"Sino yan?"

"Ako to Mom."

Narinig kong naglakad siya papalapit sa pinto.

"Kanina ka pa ba Kaye?" Tanong niya habang may tuwalya pa ang ulo. Mukhang kayayaring maligo, naka bathrobe pa eh.

"Kararating lang. Nasa baba pa si Sehun, iniintay ka."

"Ay ganun ba? Teka kamo, magbibihis lang ako." Paalam niya at tumalikod na.

Bumaba na lang ako ng hagdan para tingnan si Sehun.

Nakita ko siyang kausap si Yaya Rita. Naku, aasarin na naman ako niyang si Yaya mamaya. -___-

Nung nakita nilang pababa na ako, tumayo na si Yaya at itinuloy ang paglilinis. Pero bago siya tuluyang umalis ay binigyan niya pa ako ng isang makahulugang ngiti. Para saan yun? Tss.

"Pupunta ka na palang America sa isang araw? Bakit di mo sinabi sa akin?" Bungad ni Sehun nang makaupo ako sa couch, mga dalawang ruler ang layo mula sa kanya.

Kinabahan ako sa itsura niya dahil seryosong seryoso ito.

"Sehun, kasi.. ayoko talagang pumunta dun. Gagawa pa sana ako ng paraan para pigilan si Mommy. Kaso parang wala na kong magagawa." Paliwanag ko.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon