(11) Babe.

501 27 4
                                    

[ Kaye's ]

"Hello?"

[Kaye! Ano ka ba namang bata ka! Alalang-alala na kami sa'yo!]

"Okay lang ako."

[Dapat lang noh! Kasama mo na nga ang boyfriend mo, mapapahamak ka pa!]

Nagulat ako. How did she knew? Tumingin ako kay Sehun, mukhang alam na niya ang itatanong ko kaya't nagkibit balikat siya.

"A-Ah--"

[Tinawagan niya ako kanina na magkasama daw kayo. Mabuti na lang at tumawag siya, muntik na kaming mag report sa pulis. Anak, wag mo ng uulitin yun ha? Sabi ni Sehun ihahatid ka daw niya mamaya-maya."]

Napatingin ako kay Sehun na naglalaro sa computer ngayon kasama sina Luhan. Sehunnie.. bakit ka ba ganyan? T^T

["Kaye, andyan ka pa ba?"]

"Ay! O-Opo mom." Sagot ko. Since nag aalala sa akin si Mommy, baka hinahayaan na niya akong magtrabaho sa talyer?! OH MY!

["Kinausap ko na ang manager mo sa talyer na wag ka ng tanggapin dun. Sige, iintayin kita dito sa bahay mamaya. Nakaayos na din ang gamit mo papuntang Amerika sa isang araw."]

"Mo--" *toot toot toot*

Aish! Huhu! Ayoko na talagang umuwi! Ayoko na! Bakit ganun si Mom?! Ayoko nga sa Amerika! Sa Korea na lang, pwede ba?! Pero hindi din! Ayoko, basta! T^T

~

"Sehun, pwede bang wag mo muna akong iuwi?" Malungkot kong tanong kay Sehun. Siya ang nagdadrive ngayon dahil sabi ko wala ako sa mood.

Nakakalungkot. Siguradong pag aaralin ako ni Dad sa Amerika. Ayoko ng mag aral. Nakakatamad. :(

"Bakit? Pangako ko kay Tita ihahatid kita sa inyo agad." Sagot niya habang nakatingin lang sa daan.

"E-Eh, ayoko. Basta. Idala mo muna kung saan-saan. Please? Please, Sehun?" Naiiyak ako. ARG! Bakit ba ang drama ng buhay ko?! Dapat strong ako. Maangas ako eh. Pero mukhang itong lalaki sa tabi ko ang kahinaan ko. T^T

Hindi ko kasi sinasabi sa kanyang dadalhin ako ni Mommy sa Amerika. Sabihin pa nun wala naman siyang pakialam di ba? Baka masaktan pa ko lalo. Arg! I hate this so much!

"Okay, pero bago mag gabi, dapat nasa inyo ka na."

Tumango ako.

Nagdrive lang siya ng nagdrive. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa daan. Kung anu-anong pumapasok sa isipan ko.

Idinala ako ni Sehun sa.. sa School?! Anong ginagawa namin dito? -___-

"Huy, abnormal ka na talaga eh noh? Bakit dito mo ko dinala ha?!" Maangas kong tanong sa kanya. Kahit sa salita man lang maging ganun pa din ako sa dati, kahit deep inside, I already changed a lot.

"This is my school when I was in Elementary." Cool niyang sagot habang lumilinga-lingataw sa paligid.

"Anong pakialam ko?" Hahaha! Okay, points ko yan. :P

"Gusto mo bang iuwi na kita?"

"AYAW!"

"Oh, manahimik ka dyan." Okay, points niya yan. :(

Katulad ng sabi niya, nanahimik nga ako. Umupo ako sa may upuan sa corridor habang tinitingnan si Sehun na nakapamulsang naglalakad papasok sa pinaka loob pa ng paaralan.

Parang may mga ala-ala siyang sinasariwa dito noon, ito ay base sa mga kilos na nakikita ko.

Lumapit ako sa kanya at sumabay sa paglalakad.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon