(23) Monday Sucks

451 17 4
                                    

Chapter 23: Monday Sucks.

 

Kaye’s POV

 

“And I’m thinking ‘bout how people fall in love in mysterious ways, maybe just the touch of a hand.. Well me—I  will fall in love with you every single day, I just wanna tell you I am.. So honey now.. Take me into your lovin’ arms, kiss me under the light of a thousand stars, place your head on my beating heart..”

Huminto na ako sa pagkanta. Hindi ko na alam ang kasunod na lyrics eh. Hahahaha! Joke lang.

“Pst, Barney! Wag kang malikot, langya!”

Eto kasing si Barney, pinapaliguan ko. Ang likot niya. Kaasar! Nadaig pa niya ang pusa na takot sa tubig eh. Hello?! Aso kaya siya. -____- Feeling cat amputs.

Regalo to ni Sehun nung third day namin. Siya din ang nag isip ng pangalan. Ang gay noh? Barney. Tss.

Mag dadalawang linggo na kami ni Sehun. Bawat araw, naka mark sa calendar ko. At si Sehun, hindi pa nawawalan ng sorpresa sakin.

Pinakilala niya ako sa lolo niya, pumunta kami sa isang orphanage na pag aari ng family niya, nagsimba kami, tapos nung minsan, nagising ako ng may mga rosas sa tabi ko, and niregaluhan niya ako ng house and lot!

De, joke lang yung huli. Hahaha!

Hindi naman kagulat-gulat yung iba sa mga ginawa niya. Pero para sa akin, surprise siya kasi hindi ko akalaing ganto siya ka-effort.

Pero dahil Monday ngayon, bawal kaming magkita or mag usap man lang. Sa rules kasi namin, sabi ko dapat palaging may communication. Pero hindi siya nag agree. Muntik na nga akong magtampo eh. Pero ang dahilan niya, baka daw kami mabilis magkasawaan. Kahit isang araw lang daw, we need not to meet for us to miss each other, which is very effective. Pangalawang Monday na to na hindi kami nag-uusap. And I miss him badly!

“Hoy, Baklang aso! Umayos ka. Ilulubog kita sa drum!” Sigaw ko kay Barney.

Akalain niyong pati ako, naligo na din dahil sa kawiwisik niya?!

Bad dog! Pasalamat siya mahal ko tatay niya. -____-

Tatay? Si Sehun. Sabi niya kasi siya daw ang tatay, ako daw ang nanay. Daming alam noh? Psh.

Matapos kong buhusan ng isang timbang tubig si Barney ay agad ko siyang pinakawalan. At ang walang hiyang aso, nagpagulong gulong na naman sa buhangin!

Nasapo ko na lang ang noo ko.

Nag punas muna ako ng kamay at inayos ang pagkaka bun ng buhok ko bago pumasok sa loob ng bahay.

Wala na ulit sila Mom at Dad, nasa business trip sa Palawan. Gusto nga nila akong isama, kaso ayoko. Next time na lang siguro, wala ako sa mood. :P

Si Ate at Kuya, then mga yaya lang ang kasama ko dito sa bahay, as usual. Pero nasa company sila Ate at Kuya, so yeah. Mga yaya na lang. =___=

I’m about to enter when I heard the ring of the door bell.

May BWISITA ata?

“Sino naman kaya yun?” Bulong ko.

Naglakad na ako papunta sa gate. Sinilip ko muna sa maliit na butas ng gate kung sino yun. Aba, syempre, kung mamamatay tao pala yan? Tapos nasaksak ako?! O kaya nabaril?! Naku po! Sayang ang future namin ni Sehun! T^T

=_____=

Kung anu-ano naiisip ko. *facepalm*

Nung sumilip ako, likod ng isang babae ang nakita ko. Blonde siya. May nakasabit na shoulder bag sa kanya. Naka white na hanging blouse tapos naka mini skirt.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon