(5) Attracted

614 27 0
                                    

This is very late update. I'm so sorry guys for that. Busy po kasi ako sa studies, and yun nga. May ginagawa pa po kasi akong isang story. So yeah. Mianhaeyo~!! :)

**

[Kaye's POV]

Masaya akong umuwi sa bahay habang suot ko ang aking smiling face. Awiiiieeeee! Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko sobrang saya ko ngayon.

"Anong meron sa mukha mo?" Tanong ni yaya sa akin ng makapasok ako sa kitchen.

"May dumi pa ba?! Nag shower na ko ah!" Gulat kong tanong.

"Hindi yun! Para kasing may iba sa'yo ngayon." Nagtatakang nakatitig sa akin si Yaya.

"PFFFFTTT! YAYA! Wala kaya! Hahahaha!"

"Oh bakit ang saya mo?" Naka poker face niyang tanong. Maka poker face siya ah! HAHAHAHA! Naalala ko tuloy si Sehun, palaging naka poker face. Pfffft. Bakit ko ba siya iniisip?! Ano to ha?!

"Eh basta Yaya! Naguguluhan ako. Baka gutom lang ako. Ano bang ulam?" Pag iiba ko ng usapan.

"Andyan, nagluto ako ng paborito mong Sinigang na Bangus."

Halos maglaway na ako nung sinabi niya kung ano yung ulan.

Dali dali akong tumakbo sa dining table, nanguha ng kutsara, plato at baso. Nagsisimula na akong kumain nang may rinig akong ingay sa sala.

"Yaya.." Bulong ko kay yaya na nagliligpit ng mga pinagkainan.

Humarap siya sa akin. "Bakit?" Tanong niya.

"May tao ata sa sala. Andyan na ba sila mommy?"

Nagpunas siya ng kamay at humarap sa akin. Patuloy lang naman ako sa pagkain dahil gutom na gutom na ako.

"Oo, nandyan na sila Mam. At yung bisita sa labas, yung mapapangasawa ng Ate mo yun." Sagot niya.

"Anong ginagawa dito?"

Nagkibit balikat naman siya sa tanong ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

**

"Haaaaayyyy!" Pag iinat ko.

Tumingin ako sa orasan. It's already 10:16 in the evening. Katatapos ko lang manood ng PBA. Bigla akong ginutom dahil nanalo na naman ang Sanmig ko! Parteh parteh! :D

Lumabas ako ng kwarto ko para kumuha ng makakain sa kusina. Pababa na sana ako ng hagdan ng makarinig ako ng iyak. Kinilabutan ako. MOMMYYYYYY! Juseyo! Matapang ako pero hindi masyado. Huhuhu!

Tumingin ako sa paligid at napansin kong parang boses yon ni Ate. Humakbang ako ng bahagya sa kwarto niya. Inilapit ko ang tainga ko sa pinto at.. Tama nga ako. Umiiyak na naman siya.

Kumatok ako.

"Ate.." Pagtawag ko sa kanya.

Narinig ko naman ang footsteps niya papalapit. Pero nagtagal muna bago niya ako pag buksan.

"Bakit gising ka pa?" Bungad niya sa akin ng buksan ang pinto.

"Are you crying.. again?" Tanong ko.

"A-ah, yeah. I'm watching Drama." Sagot niya at ngumiti ng pilit.

Masyado ko siyang kilala. Kaya halatang halata kong nagpapanggap lang siya.

"Suntukin kaya kita?! Wala ka namang TV sa loob ng kwarto! Ako pa niloko mo?" Pabulong kong sigaw sa kanya. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at humiga sa kama. "You can tell me your problem. Come on." Sabi ko habang nakaunat pa ang kamay na nakahiga.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon