(8) Si Sehun?! Boyfriend ko?!

563 29 2
                                    

[ Kaye's ]

Nung una kinikilig pa ako at hawak ni Sehun ang kamay ko. Pero nung tumagal na..

Pakiramdam ko nanghihina na ko. Ano ba kasing problema ng Sehun na to at takbo siya ng takbo? -___-

"ARAY!" Napaupo ako dahil sa sobrang sakit ng paa ko. "Teka lang Sehun.." Kinuha ko ang cellphone ko para ilawan kung ano bang nangyari sa paa ko.

Napangiwi ako ng makita ang naputol kong kuko at ang sira kong tsinelas.

"Ikaw kasi e! Bakit ka ba takbo ng takbo!" Sigaw ko kay Sehun habang hingal na hingal pa din.

"Eh kung kuyugin ka ng mga yun?" Cool lang niyang sagot.

"Bakit naman nila ako kukuyugin?! Wala naman akong gi--"

"Pwede ba kahit ngayon lang hinaan mo naman ang boses mo?" Mahina pero ma awtoridad niyang sabi.

Inirapan ko na lang siya at binalikan yung paa kong sobrang sakit na ngayon.

"Paano na ko ngayon?" Bulong ko.

"Halika na." Sabi ni Sehun.

"Teka lang, ang sakit pa ng paa ko." Sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin.

"Halika na sabi eh." Matigas niyang utos.

"Sinabing masaki--"

Nagulat ako ng hilahin ako ni Sehun patayo at..

"Ayan, sumakay ka sa likod ko." Utos niya pa.

"H-Ha? Sigurado ka?" Nauutal kong tanong.

"Kaya mo bang mag lakad?" Pabalik niyang tanong.

"Hindi."

"Oh, kaysa gumapang ka pa sa kalsada isasakay na lang kita sa likod ko." Paliwanag niya. Tinitigan ko muna ang likod niya. Thyet! Makakasakay ako sa likod ni Sehun! Teka, baka naman nananaginip a-- "Bilis na!"

"E-Eto na po." Dahan dahan kong ipinulupot sa leeg ni Sehun ang kamay ko at siya namang pagbuhat niya sa akin.

~

Habang nakasandal ako sa balikat niya, amoy na amoy ko ang pabango niya. OMO! Amoy baby. Huhu!

"Kayeshin.." Bulong niya sa pangalan ko. Pakiramdam ko ang ganda ganda ng pangalan ko kapag tinatawag niya ito.

"Kaye.." Sige lang tawagin mo pa Sese.

"Huy Choi! Gising na!"

Agad akong napamulat ng mata at napansing nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Nakatulog na pala ako sa likod ni Sehun. Huhu! Bakit ba kasi ang bango? :(

"G-Gising na ko." Nauutal ko pa ding sabi.

Dahan dahan niya naman akong ibinaba.

"Gusto mo ba munang pumasok sa loob?" Tanong ko.

"Hindi na. Gabi na--"

"Kaye?" Napalingon ako ng bumukas ang gate at iniluwa nito ang.. ang nanay ko! Patay tayo nito!

"Mom, bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nakatitig lamang siya kay Sehun. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa atsaka ngumiti.

"Halika hijo, pasok ka muna sa loob." Pag-aaya ni Mommy sa kanya.

Tumingin si Sehun sa akin na halatang nagtataka kaya nagkibit balikat na lang ako.

Hindi pa lang siya nakakasagot ay agad na siyang hinila ni Mommy.

"Maupo ka muna dito, ipaghahanda ko kayo ng pagkain." Masayang sabi ni Mom nang paupuin niya si Sehun sa may sala.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon