(21) Survived

401 16 5
                                    

Chapter 21: Survived

 

Kaye’s POV.

 

“Sehun anong ginagawa natin dito ng ganitong oras?!”

Gulat na tanong ko kay Sehun nang ihinto niya ang kotse. Pinatay niya ang engine ng sasakyan at lumabas.

Aba’t ang loko, di man lang nag abalang sagutin ang tanong ko?! Isang isa na lang, bibinggo na to sakin -_-

Pinanood ko lang siyang maglakad hanggang makarating siya sa pinto ng passenger’s seat.

“Come.” Inilahad niya ang kamay niya.

My eyebrow raised, “Ayoko nga.” Then I crossed my arms.

“Kaye.. just come.” Medyo naiinis ang tono ng boses niya. Pero wala namang bahid ng inis ang mukha. Ang aliwalas pa nga nito at mukhang masaya. Tss.

“Sehun, ang dilim eh. Tingnan mo nga oh. Ano bang ginagawa natin dito?”

Nasaan kami?

Well.. nandito kami sa school niya nung elementary sila. The last time na dinala niya ako dito ay nung nag overnight ako sa bahay nila matapos malaman ni mommy na nagtratrabaho ako sa talyer.

Tiningnan niya lang ako ng naka poker face. Okay. Got it. He’s getting mad kaya inabot ko na lang ang kamay niya. Napansin ko namang napangiti siya nang hawakan ko ito.

Hinila niya ako sa apartment ng kotse at may kinuhang rattan na basket don.

Kumunot ang noo ko, “Picnic?”

Tumango lang siya at ngumiti ng malapad.

Picnic in seven in the evening. Kakaiba tong si Sehun. -_-

Naglakad kami papasok sa school. Syempre, mahigpit ang yakap ko sa braso ni Sehun dahil.. dahil ang dilim talaga. Pero halatang prepared siya kasi may dala siyang flashlight. Kaya pala umuwi muna siya sa bahay nila kanina bago kami dumiretso sa bar after ng dinner sa restaurant nila Luhan-oppa. Pero hindi niya ako isinama, kila Melanie niya ako pinasabay. Hindi niya naman pinagplanuhan eh noh?

Unti-unti akong may natanaw na liwanag. Nang makarating kami doon ay may namuong ngiti sa labi ko. Dito sa punong ito.. yung puno kung saan kami natulog ni Sehun nung araw ding dinala niya ako dito. Yung araw na litong lito ako sa nararamdaman ko. Isa na lang siyang alaala ngayon. Nakakatuwang isipin na yung taong malayo sa akin noon, halos mayakap ko na ngayon.

“Anong iniisip mo?” Biglang tanong ni Sehun.

Nakalatag na pala ang blanket at nakaupo na siya don katabi ang picnic basket.

“May naalala lang ako dito.” Nakangiti kong sagot.

Ngumiti din siya at inabot ang kamay ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya kaya ang naging resulta.. napahiga ako sa hita niya.

>////////<

“U-Uy.. Sehun..” Utal kong tawag sa pangalan niya.

Naka indian sit siya. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

“Alam mo bang nung araw na yun, Kaye, mahal na kita.” Bulong niya sa tainga ko.

Kyaaaa! Nakikiliti ako, Sehunnie. >____<

Pero.. nung araw daw na yon?! Totoo ba yun? Edi ang tagal na pala? Haba naman ng hair ko. Chos. :D

Hindi ako agad nakasagot.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon