(6) "Saranghamnida"

619 32 2
                                    

[ Kaye's POV ]

Lumipas na ang isang linggo ni Sehun sa talyer. Kwento niya sa akin, isang linggo lang daw siyang tatagal doon. Nagdare lang naman daw kasi sa kanya yung mga kabarkada niya, pero di niya naman nasabi sa akin kung tungkol saan at para saan yung dare na yun.

Sa isang linggo na yun, hindi lang sila ang nakapansin ng pagbabago ko. Ako mismo ay napansin iyon. Hindi ko gusto ang mga pagbabagong iyon dahil hindi ko talaga ito inaasahan.

Unang una, hindi na ako ganoon ka-angas. Dati-rati kapag may nagtataray sa aking customer, aawayin ko kaagad. Pero ngayon, hindi ko na lang pinapansin. Tama kasi si Sehun. Customer sila at trabahador lang ako. Kung hindi dahil sa kanila, wala na siguro ako sa talyer ngayon.

Pangalawa, madalas na akong tumawa. Noon kasi, kapag nasa trabaho, seryoso akong masyado. Focus ako sa ginagawa ko. Pero ngayon, mahilig na akong mangulit at makipagtawanan sa mga kasamahan namin.

At..

Pangatlo, yung pinaka-ayaw ko sa lahat.. Palaging nasa isip ko ang bulol na si Sehun. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako kapag may nagpapacute sa kanyang mga customer na babae. Kapag kasama ko siya, parang ayaw ko ng matapos yung araw na yun. Kapag napapatawa ko siya, sobrang sarap sa pakiramdam.

Kabaliwan. Kabaliwan ang naidulot sa akin ng isang linggong pananatili ni Sehun sa talyer. Last day na niya ngayon. Gusto niya daw andun ako, pero parang ayaw ko namang pumunta doon. Hindi ko alam pero nalulungkot talaga ako. Kahit isang linggo lamang iyon, naging masaya ako. Naging sobrang close na kami.

Sinong mag aakalang nagkasundo kami sa kabila ng pagkakasalungat namin ng ugali?

Napaupo ako sa sala namin habang hawak-hawak ang isang baso ng tubig. Binabalikan ko yung mga araw na magkasama kami. Lalo na yung araw na nagbabangayan pa lang kami. Hanggang sa tawanan, kulitan at asaran na napunta.

Binuksan ko na lang ang TV at nanood na lang.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Biglang sulpot ni yaya na may dalang walis.

"Ayokong pumasok yaya.." Tinatamad kong sagot.

"Bakit ang tamlay mo?"

Etchuserang froglet si Yaya. Chismosa. Haha.

"Nabusog kasi ako. Sa susunod kasi wag kang magluto ng ganon kasarap." Biro ko na ikinatawa naming dalawa.

"Yung ate mo ba bumaba na?"

Tumango ako, "Sabay-sabay silang pumasok nila Mom kanina." Sagot ko.

Ngumiti naman si Yaya. Teka.. Bakit parang ngisi yun? Problema nito?

"Makangisi ka dyan yaya! Ano na naman ba?" Tanong ko.

"Bakit naka-dress ka?" Itinuro pa ni Yaya sa akin yung dulo ng walis na para bang ginawa niyang mic.

Dali-dali kong tinakpan ng unan yung sarili ko. SH*T! Isinukat ko kasi to kagabi! Huhu! Naipantulog ko pala. :( Sa susunod talaga magsasalamin muna ako bago lumabas ng kwarto! PROMISE! T_T

"A-ah, ewan ko! B-bakit? Ayaw mo?!" Di ko alam ipapalusot ko. Huhu! I'm dead. :(

"Hindi naman. Bagay mo nga eh. Ang ganda mo Kaye." Ibinaba ni Yaya yung walis niya at nakangiti niyang itinuloy yung ginagawa niya.

Ang totoo niyan, maraming binili si Mommy sa akin na dress na pambahay, ayoko lang isuot. Naiirita kasi ako. Ewan ko ba! Pero kagabi nagawa ko pang ipang tulog.

Masarap pala sa pakiramdam na may magsabi sayong maganda ka. Seryoso pa si yaya nung sinabi niya yun. Ayiiiee! Kinikilig ako! XD

*DINGDONG*

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon