(22) Eleven Rules

476 15 6
                                    

Chapter  22: Eleven Rules

 

Sehun’s POV.

 

The same day..

 

“Sehun, nandyan ka na ba?” Sigaw ni Mommy mula sa kusina. Oh, bakit gising pa to?

“Yes, Ma. Bakit po?” Maganda ang mood ko ngayon. Wag naman sana niyang sirain. -_-

Ipinatong ko yung susi ng kotse ko sa ibabaw ng TV at akmang aakyat na ng kwarto.

“Saan ka galing?” Napahinto ako.  Nilingon ko siya mula sa kusina. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng lamesa.

“Kasama ko si Kaye the whole day.” Casual na sagot ko. Wala namang problema si Mom kay Kaye. Sa katunayan nga ay gustong gusto niya ito noong unang kita pa lang niya dito. Parehas kami ng taste nyan eh. :P

“Invite her tomorrow. Let’s have a dinner with her.  Namimiss ko na siya.”

Tumango na lang ako at ngumiti. Nagpatuloy na ako sa pag akyat ng hagdan.

Second day na namin ni Kaye bukas. Sabi nila, wag daw bilangin ang araw. Dapat daw taon ang binibilang. Pero ako, gusto ko araw araw para kapag lumagpas na kami ng taon, may aalalahanin kami. Yung iba kasi parang nagiging normal na lang silang lovers araw araw. Ang gusto ko kasi ay yung bawat pagsasama namin magiging espesyal.

Pagkarating ko sa kwarto ay dumiretso ako sa CR para mag shower.

After 10 minutes ay lumabas na ako habang pinupunasan ang basa kong buhok. Humarap ako sa salamin.

*sigh*

Bumaba ang mata ko sa kaisa-isang family picture namin. Lahat ng mga picture namin ay itinapon na ni Mommy, buti na lang ay naitago ko itong isa. Miss na miss ko na si Daddy.

When I was high school, nag hiwalay sila ni Mommy. I don’t know why. Galing ako sa school noon, pagkarating ko sa bahay ay nasa pinto na si Dad dala-dala ang mga maleta niya. Iyak ako ng iyak nun pero parang wala siyang naririnig. Hinabol ko siya hanggang sa labas ng gate pero hindi niya ako pinansin. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Siguro may dahilan siya. At gustong gusto kong malaman kung ano man yun dahil may isip na ako para alamin ang mga bagay-bagay.

Mula ng araw na yon ay hindi ko na siya nakita. Maging ang balita sa kanya ay hindi na din ako nakarinig. Dito na nagsimulang masira ang masaya naming pamilya. Si Kuya, dun na palaging tumitira sa condo unit niya. Si Ate naman ay hindi ko alam kung nasaan.

Yes, may Ate ako. Panganay siya saming tatlong magkakapatid. Kasabay ng pag alis ni dad ang pagkawala niya. Siguro ay kasama siya ni Daddy. Kung tutuusin ay gusto ko din sumama kay Dad noon kung saan man siya pumunta. Since High School na ako, nakita ko pa lang na may dala na siyang maleta, alam ko na na aalis siya. Eh anong gagawin niya? Mag lilinis lang ng kotse, dala yun? Mag ma-mall? -_-

Madalas kasing magtalo si Mom and Dad. Halos gabi-gabi na lang. Kahit maliliit na bagay. At ewan ko kung anong naging dahilan ng pag alis ni Daddy.

Nakakalungkot. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung ano kami ngayon kung buo pa kami. Gaano kaya kami kasaya? Gusto ko ulit maranasan yung kakain kami ng sabay-sabay at magkukwentuhan. Minsan naiinggit ako kay Kaye dahil close sila ng family niya.

Naisip ko na naman ang babaeng yun. Kahit ano ang pumapasok sa isip ko, palagi siyang umeepal.

I checked the wall clock. Mage eleven na pala.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon