(26) Sehunnie's First Love

222 12 6
                                    

A/N: Mamadaliin ko na po ang update ng story na to kasi may story pa akong kailangang gawan ng paraan. Ahaha, tapos mag cocollege na ako. Busy na non T^T Pero I'll do my best na hindi kayo makukulangan dito. I love you all. Lalo na yung mga laging nag cocomment, nag popost sa MB ko, at nagpPM. Napapakilig kayo ni Sehun and at the same time, napapakilig nyo ako. Aha aha aha, mahaba na. :'>

-

Chapter 26: Sehunnie's First Love

Kaye's POV

 

Maaga akong nagising para sana maghanda ng almusal namin. Pero naalala ko, nasa hotel nga pala kami. Order lahat ng kakainin. I tried to sleep again pero hindi ko na maibalik ang antok ko. I looked at the wall clock. It's 5:43 in the morning. Mag aalas sais na din pala.

Bumangon na ako. Nakaradam naman ako ng bahagyang pagkahilo, marahil ay gawa ng puyat. I stretched my arms and headed the comfort room para magshower. After a while, dahan dahan akong lumabas ng room namin para hindi ko sila magising. Puyat pa naman sila, baka mamaya, hagisan pa ako ng mga unan ng mga yun kapag aksidenteng nagising ko sila.

Dumiretso ako sa bilihan ng hot choco, coffee or kung ano mang mainit na maiinom. May mangilan-ngilan na ding nag lalakad-lakad at nag jojogging ngayon sa beach side. Nainggit naman ako kaya I started jogging na din.

Matapos ang ilang minuto, nakarating ako sa shop na kinainan namin ni Sehun kagabi. Coffee/Pastry shop pala ito. Siguradong may mainit na maiinom dyan sa loob.

I entered the room alone. Naupo ako sa isang table. As soon as I sat, I took the menu and talk to the waiter for my order. Wala pang limang minuto ay dumating na ang hot choco ko.

I am sliently drinking my hot choco when a familiar girl entered the shop. Kung hindi ako nagkakamali, siya din yung babaeng nakita ko kahapon na gumagawa ng castle. Tinitigan ko lang siya hanggang sa makaupo siya.

Habang pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita ay bigla naman itong napatingin sa akin kaya napaiwas ako.

"Kayeshin?" Tanong nito nang makalapit.

"Huh?" Kunot noong taong ko.

Kilala niya ako? O.o

"You're Kayeshin, right? We have already met. Remember, nagtatago pa tayo sa halamanan ng talyer." Then she laughed. Nanatili akong naka kunot noo. "I can still remember your face back then when you have a fake grass on your head just to pretend that you're one of a plant in that garden." She continued laughing.

Damo? Talyer? Nagtatago?

O.O

"IKAW YUNG STALKER NI BAEKHYUN?!"

Nanlaki ang mata nito, "Shhh! Ingay mo!" Pagmamaktol nito.

"Ay sorry." I covered my mouth. "Pero totoo nga?" Taong ko ulit.

"Uhh.. oo. Pero hindi ako nandito para sundan siya. Coincidence lang siguro na kami ang may ari ng coffee shop na ito." Paliwanag niya. "Maybe we're really meant to be kaya kami pilit na pinagtagpo." Dagdag pa nito.

Napangiwi naman ako.

"Sa School, lagi ko siyang sinusundan alam mo ba? Elementary pa lang kami, crush ko na siya. Hindi niya ako napapansin kasi.. ewan ko. Maganda naman ako." Anito at nag kibit-balikat.

May saltik ata sa utak ang babaeng ito? -_-

Uminom ako sa hot choco na hawak ko, "Gusto mo bang ipakilala kita sa kanya?"

Tila nagkaroon naman ng puso ang mata nito, "Tara!" At ayun nga, nauna pa siyang tumayo sa akin.

-

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon