(2) Mr. Oh Sehun

792 33 0
                                    

[ Sehun's POV ]

Monday 10:32 am

Tiningnan ko ang date and time sa phone ko habang nagdadrive. Ang tagal ko na palang hindi napapatingin tong si Chrysler, ang kotse ko. Para kasi tong baby na gusto ko every month pinapacheck-up. Kaya dumiretso na ako sa Youngmin's carwash and vulcanizing shop. Para na din makausap ko si Manager na hindi ako makaka-attend ng photoshoot bukas dahil may importante akong lakad. Ang daming business ni Manager noh? -___-

After a few minutes, nakarating na din ako. Bumaba na ako sa kotse kong si Chrysler at pumasok na sa loob ng talyer.

"Ang hot niyaaaa!"

"Oh my prince!"

"Kuya, what's your name?"

"Hey handsome!"

Ano ba naman yang mga babaeng yan. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong katulad ko? Psh. I hate those kind of girls na hindi man lang nahiya. Sila pa ang nagpapakita ng motibo.

Dirediretso lang ako at di sila pinansin. Habang naglalakad ako, may paang bigla na lang sumulpot sa ilalim ng isang kotse. Sh*t! Nagulat ako dun kahit papaano ah!

Tinitigan ko lang yung paa. Parang paa ng babae to ah. Bakit naman may magtatrabahong babae dito?! Baka naman multo to?! HAHAHAHAHA! So funny! Hindi to multo noh. Di ako takot dun. Psh.

Sinipa ko yung paa sa harapan ko, pero mahina lang naman.

"Uy wait lang!" Sigaw niya. Babae nga siya.

Sinipa ko ulit.

"Wait nga lang eh di ba?! Busy ako!" Aba't tong babaeng to!

Sinipa ko ulit siya ng medyo mas malakas ng kaunti sa pang-una at pangalawang sipa.

"ARAY KO! ANO BA!" Galit niya sabi at saka tumayo.

Nakatali yung gulo-gulo niyang buhok, naka-jeans siya na may malaking butas sa gawing tuhod at nakamaluwang na black shirt. Ang dungis ng balat niya, pati sa mukha. Pero maputi siya atsaka chinita. I guess she's pretty kung maliligo siya ngayon na. Hahaha!

"ANO BANG PROBLEMA MO AT SIPA KA NG SIPA DYAN?! NAKITA MONG MAY GINAGA--" Napahinto siya at lumingon sa likod. Parang tinitingnan niya kung may tao. "Hoy! Nakita mong may ginagawa ako! Ano bang kailangan mo ha?! Psh! Istorbo!" Medyo mahina na yung boses niya kumpara nung una. Ang angas ng babaeng to ah. Teka, babae ba to?

Napatulala ako nung una. Kasi sa itsura ng mukha niya, di mo aakalaing ganto siyang umakto! Walangya! Nakakairita! Ang ingay at ang angas niya!

"Yung paa mo kasi nakaharang sa daan." Cool kong sabi sa kanya. "Ganyan ba kayo magentertain ng mga customers? Nasaan ba yung Manager nyo?" I crossed my arms.

Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko.

"A-ah! Uy sorry naman. Wag mo ng kausapin yung Manager namin ha? Ano po bang kailangan nyo SIR?" Aba at biglang naging anghel? Haha! Mukhang masaya to ah.

"No. Tell me where's your Manager?"

"Hey, Sehun? Sehun! Anong kailangan mo?" Sabi ni Manager Youngmin na biglang sumulpot.

Tiningnan ko yung babae kanina na halatang namumutla na. Hahahaha! Nakakatawa siyang tingnan. Ayan! Buti nga sayo! Kanina aangas-angas ka dyan.

"Ipapacheck ko lang po sana si Chrysler atsaka.." Sabi ko kay Manager.. huminto ako sandali at tiningnan ko yung babae kanina. Nakatitig lang siya sa akin at parang hinihintay kung ano ang sasabihin ko.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon