(27) Confused

244 9 4
                                    

Author's Note: Okay, I've made a long note last Thursday, but since medyo nakamove on na ako dun sa OT9 thingy, hindi ko na siya sinama. Late update kasi ito, dapat noon pa eh. Kaso walang laptop. Ahuhu! Btw, enjoy!

 

Chapter 27: Confused

Kaye's POV

 

"Okay lang ba yung suot ko?" Tanong ko kay Yanna nang lumabas ako ng CR.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, "Oo, keri na yan." Anito.

"Naka-gayak na ba kayo?" Tanong ni Athina nang makapasok sa room namin, kasama si Aki.

"Oo siguro. Okay na to. Tara na." Wika ko at kinuha na ang ilan naming dala.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nila.

Papunta kami ngayon sa beach. Napagkasunduan mag swi-swimming kami ngayon dahil mamayang gabi na ang uwi namin. May pasok na kasi sila bukas.

Habang nag lalakad ay napapansin kong nagsisitinginan sa amin ang bawat madaanan namin. Kung sa bagay, ang gaganda ba naman ng mga kasama ko eh.

Naka-overall bathing suit ako na may butas sa magkabilang waist. Dinoblehan ko ito ng short shorts na may tatak ng flag ng UK sa pang upo, at hindi naman masyadong exposed ang cleavage.

Ganon lamang din ang suot ng mga kasama ko, pinaka daring nga lang si Aki. Knowing her, fashionista pala ang gaga. Pero gayunpaman, hindi siya malaswang tingnan. Ang sexy niya nga eh.

Nang makapunta kami sa beach side, agad naming hinanap yung mga boys.

"Ayun sila." Turo ni Stephanie sa left part.

"Wow, nakita na niya agad ang bunbunan ni Kai. Daebak!" Pang aalaska ni Melanie.

"Wag kang ano, yung abs ang nakita ko." Pagbibiro ni Stephanie. Natawa naman kaming lima.

"Si Baekhyun ang sexy oh, puro tabs." Natatawang sabi ni Aki.

Patay na patay talaga siya kay Baekla. Hays.

Matawa tawa pa kaming lumapit sa kanila.

"Bakit dito ang napili nyong pwesto? Medyo ma-bato ang lugar na to ah." Bungad ni Yanna.

"Para konti lang daw ang tao, baka daw ma-rape si Chen dun eh." Sagot ni Xiumin.

T@n6in@ -____-

"Uy, gago wala akong sinabi! Ang sabi ko lang baka nila makita ang abs ko, bobo!" Sigaw nito at nagsimula na silang magbasaan ng tubig.

Natawa na lang kami sa kakulitan nila.

Nagsimula na naming ilabas ang mga gamit sa picnic basket na aming dala. Nagtayo din kami ng dalawang malalaking payong. Nang matapos ay nagpunas ako ng pawis at naupo sa isang upuan doon at nagsuot ng shades. Bahagya akong sumandal at pumikit.

Naramdaman ko na lang ang pag alis nila Melanie, nagpaalam din sila sa akin at inaya ako. Sinabi ko na lang na susunod ako. Parang wala pa ako sa mood.

"Ayaw mong maligo?" Bagama't alam ko na ang boses na yon ay nagmulat pa din ako ng mata.

Nakita ko siyang kumukuha ng bread na nakalagay sa malaking plato.

"Mamaya na Lulu-oppa." Sagot ko at bumangon mula sa pagkakasandal.

"Kanina pa tahimik si Maknae." Saad nito at sumubo sa tinapay.

Napatingin ako kay Sehun na nag iisa sa sulok na parte, malapit sa batuhan.

Di na lang ako nag salita.

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon