Prologue

2.2K 43 8
                                    

"LOVE is just a word, until someone special gives it a meaning."

Ang pagmamahal ay walang pinipiling panahon, edad, kalagayan sa buhay o ano. Magigising ka na lang, isang araw, na siya ang nasa isip mo. Pati sa panaginip mo dumadalaw siya. Gusto mo siyang palaging makita. Isang ngiti pa lang niya, satisfied ka na. At ibang-iba yung feeling kapag nalaman ikaw ang dahilan ng pagtawa niya. Feeling mo sobrang ganda ng pangalan mo kapag tinatawag ka niya. At kapag may kasama siyang iba, kahit wala kang karapatan, nasasaktan ka.

Hindi mo pwedeng diktahan ang puso. Hindi mo kayang pigilan o piliting magmahal. Hindi natin maiiwasan ang paglalaro ng tadhana. Minsan, kung sino pa yung akala mong di mo kailan man mamahalin, dun ka pa mahuhulog. Minsan, dun pa sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal mo. Minsan dun pa sa taong minsan nang minahal ng isa pang taong malapit sayo. At minsan naman, yung mga ugali ng isang taong hindi mo gusto, sa bandang huli, gugustuhin mo na din ng hindi mo namamalayan.

Ako ay simpleng babae lang. Ewan ko nga kung babae talaga ako. Di ako sigurado dahil hindi ko pa naranasang magmahal. Inosente ako sa mga ganong bagay. Ang hilig ko lang kasi ay gawin ang mga gawain ng mga lalaki. Gusto ko kasing mapatunayan sa sarili ko na kaya ko din.

Pero isang araw, nagbago ang buhay ko. I learned how to wear girly dresses, high heels, and perfume. In short, naging sigurado akong babae talaga ko. HAHAHA! I never thought this would be possible. Dahil una pa lang, di na talaga ako sang-ayon sa mga nangyayari. Pero, di ko na namalayan na habang tumatagal, nabubuksan na ang puso ko. At nagmamahal na pala ako. Binago ng pagmamahal ang buhay ko. And that day happened..

..When I Met Him.

**

My first fanfic! Haha. Hello EXOstans! Vote and Comment mga bh3! :* <3

//ck

When I Met Him (EXO's Sehun FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon