Shana's POV
maaga akong nagising ngayon. Feeling ko kinain ng ipis ang mata to dahil sa sobrang sakit.
"Bwesit naman oh." Sabi ko at umupo sa kama.
Kinuha ko ang phone ko sa lamisa.
Tinignan ko kung meron bang nag text o tumawag sakin.
Puros lang gm's ng mga kaklase ko ang nakikita ko sa inbox. Wala ding message si jp sakin. hays siguro galit pa yun sakin.
"Titext ko nga"
' Good Morning jp. Sorry na kasi eh. ipapaliwanag ko talaga sayo yun eh pero umalis ka kaagad. '
*send.*
Tinignan ko ang orasan 5:30 na. ginawa ko ang palagi kong ginagawa everyday. Daily routine pag english haha.
6:30 na nung matapos na akong gumawa sa mga kailangan kong gawin.
Bumaba na ako at kumain ng breakfast mga 7:10 na. Hays late siguro ako ngayon. First time.
Pagkatapos kong kumain nag toothbrush na ako at nagpaalam sa mga maids.
Pumunta na ako sa garahe namin at umupo sa front seat ng sasakyan ko. Inistart ko na ang engine at pinaharorot ang sasakyan ko papunta sa school.
Pinarada ko ang sasakyan ko sa parking lot ng school namin. Tinignan ko ang relo ko at late na nga ako. Hays.
Naglakad na ako ng covered court papunta sa room.
Pagdating ko sa harap ng room binuksan ko agad ang pinto.
"Good morning. Sorry i'm late."
Nagnod lang ang teacher namin at umupo na ako sa upuan ko. Nakita ko si jp sa upuan niya nagsusulat.
Di ba niya ako papansinin?
"Bat late ka?" Tanong ni remzel sakin.
"Pwede ba rem, wag ngayon. Wala ako sa mood."
"O-okay. Sorry." Sabi niya at tumingin na sa guro namin na nag didiscuss sa unahan.
after ng 25 minutes nag ring agad ang bell at snack na.
lalabas na sana ako ng room ng may humila sakin.
"usap tayo. " sabi ni trish.
Hinila niya ako papunta sa dulo. At pinaupo.
"Anyare sa inyo ni jp? " tanong niya sabay tingin sa akin sa mata.
Kilala na ako ni trish simula nung una palang. Alam na niya kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Sasabihin ko nalang sa kanya ang totoo. Bestfriend ko naman sya, pinagkatitwalaan ko sya.
"nakita kasi kami ni jp kahapon ni remzel. Eh ito kasi si remzel sobrang lapit ng mukha niya sakin. alam ko naman na hindi nya yun sinadya diba? Kung totoong mahal ako ni jp, dapat nagtitiwala sya sakin at hahayaan niya akong mag explain." Paliwanag ko sa kanya.
"Sabagay tama ka naman, bigyan mo nalang sya ng oras. Hindi din naman madali sa kanya yung nakita niya. Siguro hindi niya lang naiintindihan sa ngayon."
"Tama ka best, salamat." Sabi ko sakanya sabay yakap.
"sus ano kaba! Wala yun!" Sabi niya. "Tara snack na tayo."
Tumayo na kami at pumunta ng canteen.
Pagdating namin sa canteen. Nagsisiksikan na ang mga estudyante sa loob.
Nakikipagsiksik din kami ni trish sa loob at nakarating na sa mga pagkain.
"Isang bananaque at tubig."
BINABASA MO ANG
Playboy's Heart
RomanceBakit ba Ako nainlove sa katulad niya? walang puso,paki alamiro,sinasaktan ang mga babae,manloloko. pero kahit ganyan siya mahal ko pa rin ang isang katulad niya. paano ba mag move on sa isang playboy na katu lad niya?