Monday na ngayon ang bilis ng araw diba? Medyo nakakabahan ako. Paano na to? Paano ko sila aawayin ? Lalaban ako para sa sarili ko.
Pumasok si kuya sa kwarto ko.
"Papasok ka ba?" Sabi niya.
"Opo kuya" lumapit siya sa akin at nilagay ang thermometer sa kili kili ko.
Kinuha niya ito at tinignan.
38.5
"Tsk. Hindi ka papasok dahil mataas ang lagnat mo" sabi niya.
Hindi pwede kailangan kung pumasok. Hindi pa ako nag aabsent kahit isa kaya papasok ako whether he like it or not.
"Hindi pwede kuya, may summative kami ngayon sa Math at Science." Sana papayag siya.
"Hindi nga pwede eh." Sabi niya. Ugggh
"Kuya, please pumayag kana. Mahal ang tuition fee kaya papasok ako." Sabi ko.
" tssss ok. Pero hindi ka maliligo at dalhin mo itong gamot mo. Inumin mo ito pagkatapos mung mag lunch at tawagan mo ako pag may kailangan ka." Sabi niya. Tumango nalang ako.
Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko papasok ako.
Nag half bath naman ako at kumain. Hinatid narin ako ni kuya sa school kaya medyo maaga ako nakarating.
Pumasok na ako sa elevator pag dating ko sa 3rd floor pumasok na ako sa room at dumaretso sa upuan ko. Wala pa si Jp at Trish parang may ginagawa silang kalukuhan.
Ako ang nauna dumating ngayon araw nato. Himala ha?
Nag relax muna ako sa upuan dahil ang sakit ng ulo ko parang sasabog na ata at ang init init ko.
Biglang bumukas ang pinto ng room kinabahan tuloy ako.
Ayy si Ranz lang pala. Shezzz parang may kakaiba sa kanya ah? Parang pumugi siya? OMG.
"Hi." Sabi niya at tumabi sa akin.
"Henow." Ano? Anong nangyari sa boses ko?
"May lagnat kaba? Parang sinisip on ka ehh dahil sa tinig mo." Sabi niyang nag alala.
Nilagay niya ang kamay niya sa forehead ko para ma feel ang lagnat ko.
"Ang init mo. Dapat hindi kana pumasok eh." Sabi niya.
Ang lamiggg. Wala akung dalang jacket. Paki patay ng aircon please?
"Ito ohh, sootin mo yan para hindi ka lamigin." Sabi niya sabay abot sa akin ng kanyang jacket.
"Thank yoh." Sip on please lang wag mo naman ibahin ang boses ko.
Nag relax na ako sa seat ko ng may pumasok sa room si Jp at Trish? Sabay pumasok?
Namumutla ata si Trish ehh. Parang sasabog na ako dito dahil sa inis. Gusto ko silang patayin ngayon din!
Naghiwalay sila dahil pumunta na si Trish sa upuan niya sa left side tapos papunta si Jp dito na area. Tumibog ng malakas ang Dibdib ko dahil sa inis at nerbyos parang nahihilo ako.
"Umalis ka diyan." Sabi ni Jp.
"At bakit naman ako aalis dito?" Sabi ni Ranz na nakasalubong ang kilay.
Wag kayong mag aaway please?
"Kasi ako ang nauna dito" nang gigigil na si Jp.
"Please wag kayong mag away.dito nalang muna oopo si Ranz please?" Mahina na sabi ko.
"Hindi, hindi pwede. Shana, diba mahal mo ako? Bakit ayaw mo na makipagtabi sa akin? Bakit tinutulak mo ako palayo? Ano ba ang nagawa king mali?" Sabi niya.
Madami kang nagawang mali Jp kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ang galing mong umarte ? Hah? Alam ko na ang lahat kaya wag ka nang magpa kipot jan.
"Please Jp, kahit ngayon lang. Pagbigyan mo na ako." Sabi ko.
Hindi ko namalayan na marami na palang classmate ko ang nakadating at nagtinginan sa amin. Ang awkwark naman nito.
"Hindi nga pwede! " sinuntok ni Jp si Ranz. Nag aaway na sila. Please tumigil kayo. Nahihilo na ako.
"Please. Tigilan niyo yan!" Sigaw ko.
Ang sakit sakit ng ulo ko parang sasabog na ito hanggang sa..
@;;#*#*$*?##?!)!)$&,#
************************
Binuksan ko ang aking mga mata ng dahan dahan.sht ang sakit sakit ng ulo ko. Nasaan ba ako?
"Buti nalang gising na siya" sabi ni kuya.
"A-anong nangyari?" Sabi ko. Sht ang sakit ng ulo ko. Help me looord.
"Sabi ko nga sayo ehh. Wag kanang pumasok. Wag kang mag alala sinabi ko na ito kay papa. Haysss sabi ng kaklase mo na nawalan kadaw ng malay dahil nag aaway daw silang Jp at Ranz ba pangalan niya? Di bali nalang. Kaya yun nabagsak sa sa floor tapos dinala ka dito sa hospital." Sabi ni kuya.
Totoo ba na nawalan ako ng malay? ugrrh ang hina hina ko talaga! Yun na sana ang moment na aawayin ko Si Jp ehh pero ang hina ko. Nakakahiya naman sa kaklase ko tsk. Nrxt time kakayanin ko.
KAYA KO TO!
BINABASA MO ANG
Playboy's Heart
Roman d'amourBakit ba Ako nainlove sa katulad niya? walang puso,paki alamiro,sinasaktan ang mga babae,manloloko. pero kahit ganyan siya mahal ko pa rin ang isang katulad niya. paano ba mag move on sa isang playboy na katu lad niya?