C H A P T E R 18: To the new chapter of life

230 5 0
                                    

Christina’s POV:

Matapos kong makipag usap kay Ford. Hindi ko alam kung bakit ako nagwalkout. Baka naman kasi nainis ako sa kanya sa pagsabi ng dati kong pangalan. Ang totoo nyan, hindi ko gaanong kasundo yung lalaking iyon. Kahit kaibigan sya ni Lance. Maya-maya’y biglang nag vibrate ang phone ko.

Unregistered number calling…    Sino naman kaya ito?

“Hi this is Christina Prieto, who’s this?” pero walang sumasagot. Ano ba naman ito, nagsasayang ng load. Nagsasayang din ng oras.

“Hoy miss o mister. O kung sino ka man! Kung pinagtritripan mo lang ako eh wag ako ang pagtripan mo. Siguro naman meron kang mga kaibigan, sila na lang ang tawagan mo hindi ako! Papatayin ko na toh…” gah! Nakakabadtrip!

“Ei huwag muna…Chryssa.” O__O Oh.my.gosh I’m gonna kill him!

“Ilang beses ko bang sasabihin na huwag mo akong tatawagin sa pangalan na yan FORD!”

“Aba nakilala mo na ako.” Sabay tawa. Anong nakakatawa run?

“Pweh! Nakakadiri ang pagtawa mo! Paano mo nalaman ang number ko? Hindi ko naman ito pinamimigay.”

“Sa isang source…” gah! Kung sino man yung nagbigay ng number ko, lagot sya sa akin!

“Ngayon…bakit ka napatawag?”

Ang sagot nya “Wala lang, trip ko lang.” TRIP KO LANG!? Grabe ha! Ha-highbloodin ako neto!

“GRRRR! Alam mo bang nakakabwisit ka!”

“I know.” GAH!!! Isa ba talaga, matatamaan na toh! Ipapabugbog ko na sya pag nagkataon.

“Kung walang sense lang naman ang pag uusapan natin, mabuti pang i-end ko na yung—“

“WAIT! Sige na nga, sasabihin ko na kung bakit ako napatawag…” sa wakas, naisipan din.

“Oh ano na? Ano na ang sasabihin mo na parang napakaIMPORTANTE.”

“Wala na sa kanila si…Lance. Umalis na sya.” What?!

“What?! Kung dahil man ito sa ginawa ko kay Jasmine, ako nalang ang magpapakalayo para mapagbayaran ko ang nagawa ko sa kanila.”

“So hindi nga nagbibiro si Lance, ikaw ba talaga ang—“

“Hindi ako ang pumatay sa kanya! At hindi ako mamamatay tao,ok!?” huminga mo ako ng malalim… “Oo inaamin ko galit talaga ako sa kanya, kay Jasmine dahil inagaw nya si Lance sa akin. Pero ang balak ko lang talaga ay takutin sya para lumayo na kay Lance. Di ko naman akalain na darating sa puntong…mawawala sya.” matapos kong magsalita, biglang tumahimik sya.

“Alam mo Chryssa, dapat hindi mo na ginawa ang bagay na yun. Maraming nasaktan at nadamay. Ang dami namang lalaki sa mundo, hindi lang naman si Lance ang makakapagpasaya sayo…hindi ba pwedeng ako nalang?” hindi ko narinig yung huling nyang sinabi, matapos nun sya na ang nag end ng call. Sa pagkakataon na yun, dun lang ako natauhan…

 

 

 

 

Ang laki na pala ng pinagbago ko mula ng hiniwalayan ako ni Lance. Ibang-iba sa dating ako, and this time aayusin ko na ang buhay ko. Para sa mga kinikilala kong mga magulang, who loved me so much despite na isa lang akong orphan.

Richard’s POV:

Narito ako ngayon sa isang bus terminal, naghihintay ng bus papuntang Baguio. Dun muna ako maninirahan, kahit wala naman akong kakilala kundi yung naging tirahan nung nag outing kami ng mga katropa ko, including Jasmine. Hawak ang bag ko na puno ng mga damit ko, makikipagsapalaran muna ako sa Baguio, sana kayanin ko. Konti nalang kasi ang pera ko. Naiwan ko pa yung credit card ko. Tiyak kapag nakita yun ni mom and dad, ay itatago na yun.  First time ko lang makasakay ng bus, kasi laging kotse ang gamit ko kapag may pupuntahan ako.

Ako nalang [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon