Lance’s POV:
Baket ba ang hirap-hirap tanggapin na wala na sya. Ako etong tangang umaasang buhay pa sya kahit alam nang patay na sya. Mamaya ibibigay na yung cremate ni Jasmine. Sabi daw sa sobrang sunog ng bangkay nya di na sya makilala kaya criminate nalang. Fck. Sorry I cuss. H*yup talaga yung gumawa nito kay Jasmine. Pag napatunayan kong si Christina ang may likod sa pagpatay kay Jasmine ipakukulong ko agad sya!
1 new message
From: Ford
Pre, nasa bahay na daw yung cremate. 9am tayo dumalaw sa nanay ni Jas.
To: Ford
Sige punta ako. Okay lang ba si tita nung inuwi mo kahapon?
From: Ford
Sabi ni tita okay lang daw sya. Alam na ba ni Trish?
To: Ford
Nakausap ko si Richard, sabi nya alam na daw ni Trish. Mukhang sya ang unang nakaalam.
Unang nakaalam? Pero bakit hindi nya kaagad sinabi samin? Alam ko nung panahon na yun hindi nya matanggap na patay na si Jas. Pero karapatan din naman namin na malaman. Pero kung hindi pala kami nakibalita sa police malamang umaasa parin kami. It’s only 6 in the morning. At hindi ko alam kung pupunta ako sa libing ni Jas o hindi. Alam nyo naman di ba yung mawalan ng minamahal, tapos ang ikli pa ng pagsasama. Wala pa atang months eh. I know God has plan for me. Pero hindi ko inaasahan na ganito. Ibig sabihin ba hindi talaga si Jas ang nakatakdang babae sakin? But why? She has the characteristics of ideal woman. Sana maibalik ko yung panahon na kasama ko sya at naprotektahan ko sya dun sa lalaking iyon. I would really risk my life just to save her.
Lumabas na ako ng aking kwarto at nagsimulang kumain ng aking breakfast at pagkatapos noon ay naligo na ako. Habang naliligo ako iniisip ko si Christina. Noong nagmamakaawa sya sakin na bumalik sa kanya, sinabi nya na di nya intensyong saktan si Jas. Tinatakot lang nya. Noong panahon na yun, gusto kong maniwala. Kasi hindi yun ang pag uugali na Christina. Back noong grade schoolers kami. Sobrang bait nya sa lahat at everyone loves her. Kayak o nga sya nagustuhan. Pero bakit ngayong highschool na kami naging ganun na sya. Sabi kasi ng iba either sa popularity o sa past kaya nag iiba ang ugali. Hindi ko naman talagang intensyong saktan sya. Hindi ako ang lalaking magpapaligaya sa kanya. Oo inaamin ko sa inyo na sya talaga ang first love ko. Pero kahit ganun sabihin man nila na “first love never dies” nagkakamali sila. Minsan yung second love na taong dumarating sa buhay. Si Jasmine lang ang pangalwa at huling mamahalin kong babae.
9AM – Santos’ Residence
Narito na ako ngayon sa tapat ng bahay nina Jas. Hanggang ngayon di parin ako makapasok sa kanila. Alam ko naman na di ko masisilayan si Jas dahil abo na sya. Pero pag lumapit ako dun, parang tinanggap ko na din yung pagkawala nya. Maya-maya’y isang motor ang tumigil sa tapat ng bahay ni Jas. Dalawa ang nakasakay dito na naka helmet. Noong tinanggal na ang helmet. Nakita ko si Trish at isang di pamilyar na lalaki.
“Hi Lance. Kararating mo lang din?” sabi ni Trish.
“A-ah oo. Sino pala yang kasama mo, boyfriend mo?”
“H-hindi noh!! Ahm Lance, I would like you to meet Tristan a friend of mine. Tristan meet Lance, bf ng bestfriend ko… si Lance. Tara pasok na tayo!”
“H-hindi ko kaya.” Sabi ko. Medyo may tubig na sa gilid ng mata ko.
“L-lance…okay ka lang? A-alam ko, di mo din matanggap na patay na siya. Pero sana dalawin mo sya. Baka magtampo yun sa heaven. Hala ka dalawin ka sa inyo.” Pananakot ni Trish.
“HAAAA! S-sige dadalaw na ako sa kanya.” Kaya mo to Lance. Just step and lakad. Kailangan mo ng tanggapin. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo.
Naglakad na ako papasok sa bahay nina Jasmine. Doon nakita ko si Tita na iyak na iyak habang nakayakap sa daddy ni Jas? Hindi naikwekwento ni Jas ang daddy nya. Ang alam ko lang ay mag isa lang silang mag ina. Meron din akong nakitang kamag anak nya. Grandparents, aunts, uncles, cousins both sides and close friends nya na sina Miki, Aoi, Julianne at Neptune ang name.
“Hi…Lance? Sorry for your lost. By the way Ysabel Miki Fuentabella. Call me Miki, dati ko syang ka band member sa RUBBER BAND lead guitarist namin sya. “ wow sya pala yung sikat na solo singer sa Korea at dito sa Pilipinas. I didn’t expect na kakilala to ni Jas. She was sexy and charming face. Pero mas gusto ko parin si Jas.
“Hello bro! Neptune Orion is the name! Ang totoo nya si Aoi o Aoi Ruiz lang ang kaibigan ng gf mo. Sinama lang nya ako. Ui babae yun bro ha! Medyo cold lang yun, di pala imik at misteryoso. Napagkakamalan nga sya na lalaki kasi alam mo…” bigla lumapit si Neptune sa tenga ko. “Gangster yan… tawag sa kanya BLUE PHANTOM” bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Neptune. Sabihin ba sakin na gangster yung babae. Di kapani paniwala!
Next naman na nagpakilala sakin ay si Julianne. “Hi ako si Julianne Maxine Shum! Ako ang author—este kaibigan ko si Jas for almost 6 years. Medyo nawalan lang kami ng communication sa isa’t isa. Condolence. Sorry ha.” Medyo pamilyar ang mukha noong babaeng iyon. She has a long hair tapos kulot din yung dulo just like Jas. Then she wears plain white shirt and maong.
Noong nakilala ko na lahat ng close friends ni Jas ay nilapitan ko na ang jar na laman ay abo ni Jas. Sobrang bagal ko nun maglakad. Halos mas mabagal pa ako sa pagong. Konti nalang at malalapitan ko na…
*dughs*
“SO ETO NA PALA ANG PINAKAMAMAHAL MONG SI PANGET.”
O__O
----
a/n: Hello guys! Miss ya! Kilala nyo ba kung sino yung nagsabi ng “PANGET”? At napasama yung name ko hehehe. Yung iba din tulad ni Miki sa WCILU, Aoi sa gagawing story ni bes at si Neptune. I’m promoting my story Why Can’t I Love You? At yung my story ko! Gagawin ko na pero matagal pa. Saka yung kay bessy di ko alam kung kelan gagawin basta. Gangster kanya. Lol. xD Thanks po dahil mag two-two thousand na and readers. YEY! Di man sya kasing sikat ng story ni dear sister Ate Denny. (promoting my ate’s story ONE BAD MOVE) o kay Ate Alyoony o Secretly Married ni Forgetten Glimmer o TBYD ni Alesana Marie atleast mag nagbabasa. Ate DENNY ingat ka dyan sa ITALY! Penge remembrance dyan sa ITALY! Hehe xD COMMENT KA ATE!!
![](https://img.wattpad.com/cover/1059489-288-k327944.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako nalang [Book 1]
RomanceAko nalang (Book 1) [REVISING] note: May ilang pangyayari na mababago. May crush si Jasmine sa isang heartthrob na guitarist na si Lance Mercado. The feeling was mutual kaso isang malaking hadlang ang Queen Bee ng Brooklyn Academy na si Christina. K...