Chapter 1 - CRUSH

885 16 5
  • Dedicated kay To all readers
                                    

Chapter 1 — CRUSH



MAAGA akong nagising. Alas-singko pa lang ay naligo na ako. Excited na kasi akong makita ang crush ko. Nagbihis na ako ng school uniform at agad na pumunta sa kusina at nagmamadaling kumain ng almusal. Pagkatapos nito ay sumakay na ako sa jeep para pumunta sa aking school.


Nakarating na ako sa Brooklyn Academy, ang eskwelahan na pinapasukan ko. Naglalakad ako noon sa hallway ng nakasabay ko ang kaibigan ng crush ko, si Richard. Matangkad sya, kayumanggi at spiky 'yung hair. Mahilig daw ito sa music ayon sa bestfriend kong si Trish. At feeling ko nga may gusto ito kay Richard.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nasa harapan na ako ng aming classroom. Huminga muna ako ng malalim tsaka ko hinawakan yung doorknob at dahang dahan na binuksan ang pinto at pumasok sa loob.


Nabato ako sa aking kinatatayuan. Katabi kasi nung crush ko si Christina, ang queen bee ng Brooklyn Academy. May kung anong kumirot sa aking puso. Lumakad ako sa aking upuan at umupo na parang walang nakita.


"Lance, bakit s'ya pa? Bakit hindi ako na lang?" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan sila. Nasa unahan ko lang kasi sila.


Pero sino ba naman ako? Isa lang naman akong hamak na babaeng may crush kay Lance Mercado. At tsaka sa pagkakaalam ko, matagal ng may gusto si Lance kay Christina. Noong dumaan ang recess, lunch at uwian sobrang sweet nila. Feeling ko nga may M.U na sila. Hindi ko maiwasang ma-badtrip. Sino ba naman ang masaya na may kasamang iba 'yung crush mo?


Papauwi na ako at naglalakad na ako sa gym. May biglang yumakap sa aking likuran at kumalas din naman. Napalingon ako sa aking likuran at bumungad ang nakangising bestfriend kong si Trish Roperez. Shoulder length hair, medyo chubby sya, 2 inches ang tangkad nya sa akin at medyo tomboyin.


"Jasmine, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Trish. "Tulala ka kanina noong pumasok ka sa classroom."


Bakas sa mukha ni Trish ang pag-aalala.


"May iniisip lang kasi ako noon, Trish." Pagsisinungaling ko.


"Ano ba 'yung iniisip mo? Bestfriend mo ako kaya pwede mo akong sabihan kung may problema ka." Aniya sabay hawak sa aking mga kamay.


Umiling ako. "Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo bes. Masyado kasing malalim. Ako lang ang makaka-resolba. Sorry." Sabay tungo.

Ako nalang [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon